Chapter 8: Blackbook

399 13 0
                                    

SERINA

I was shocked when I've read what my parents are. Para bang hindi kapani-paniwala pero naniniwala ako. Ang gulo di ba? Sino ba namang maniniwala kung sabihing isang nymph and nanay mo at god naman ang tatay mo.

Namamangha pa rin ako sa mga nalaman ko. Ang mga magulang ko ay immortal. Pero ibig bang sabihin non pati kami ni kuya? Ni minsan sa labimpitong taon ng buhay ko ay hindi ko naisip na isa ako sa mga anak ng mga makakapangyarihang nilalang.

Ang mga magulang ko ay may kani kaniyang mga kapangyarihan. Si Mama ay may anim na kapangyarihan at lima naman kay Papa.

Wow

Iyan lamang ang nasabi ko matapos mabasa lahat ng nasa libro

Ang blackbook ay hindi ordinaryong libro. Simula sa cover nito hanggang sa lahat ng nakasulat rito. Noong una ay wala akong maintindihan dahil puro symbols ang nakasulat pero nakakamangha dahil gumagalaw ang mga symbols na ito at may mga nabubuong salita.

May mga litrato rin sa libro na gumagalaw ayon sa nakasulat sa pahinang kinabibilangan nito. Pinapakita roon ang mismong senaryong nakasulat.

Nalaman kong (Elemental power) Nature enhancement power, teleportation, tracking, levitating, power granting, at mind manipulation ang mga kapangyarihan ni Mama.

May nakalagay din sa libro kung ano ang kahulugan ng mga ito.

(Elemental power) Nature Enhancement Power:
A power that can manipulate plant life. It involves plants, flowers, vines, roots, and trees.

Teleportation:
Move into another place by only thinking of where and what it looks like.

Tracking:
Sensing whether there is someone/something finding you or vice versa. By the means of concentration, it can help you easily find who or what you are looking for.

Levitating:
Rising into the air. Levitating can be a form of transportation by flying.

Power granting:
Giving/transferring power or powers to others by simply touching him/her.

Mind manipulation:
Manipulating one's mind.

Ang iniisip ko ay kaya ba ni Mama kontrolin lahat ng ito? Hindi ba siya nahihirapan?

Kay Papa naman ay invisibility, super strenght, teleportation, healing, at shapeshifting

Shapeshifting:
Ability to change forms into animals.

Nakalagay rin sa libro kung paano sila nagkakilala at napadpad sa mundo ng mga tao.

Nagkakilala sila sa isang pagpupulong. Pinag uusapan rito kung paano mapupuksa ang mga masasamang power users. Bilang kinatawan ng bawat pamilya, nabigyan sila ng tungkulin para makipaglaban sa mga masasamang power users o mga makapangyarihang tao, diyos at diyosa, na ginagamit ang kapangyarihan sa kasamaan at para sa pagsakop sa mga inosenteng tao. May mga pagkakataon rin na pinapatay nila ang iba pang nilalang na nakatira sa mundo nila, ang Divinity Realm. Ang hukbong kinabibilangan nila Mama at Papa at binubuo ng mga gods, goddesses, nymphs, wizards, witches, elves,
fairies, at marami pang iba.

Naging matagumpay ang laban. Napuksa ang mga masasamang power users at nagkaroon ng kanya-kanyang buhay ang mga lumaban. Mayroong mga nanatili sa Divinity Realm at mayroon din sa mundo ng mga tao.
Doon na natapos ang libro.

Unexpected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon