Chapter 26: The Beginning

249 8 0
                                    

ZACHARY/ARVIN

We need to gather all the other power users we know and train them. Nakarating narin sa Realm Council na may natitira pang evil users. Pero sa Divinity Realm, ang council palang ang nakakaalam para maiwasan ang pagpapanic ng iba.

Last night, hindi namin inaasahan na may half-demon sa katawan ni Serina. It is very dangerous for her, baka makuha agad siya nito kung hindi siya mag iingat. Pasalamat nalang at tumutulong ang mga kaibigan niya.

I need to talk to Elysha. Dahil mukhang marami siyang nalalaman.

Nandito kami ngayon sa basement at kasulukuyan kong kalaban si Elysha na may gamit na weapon.

Parehong dagger ang hawak namin.

Hindi ako nag iisip ng kahit ano dahil mababasa niya ito.

Tinatarget niya ang kanang kamay kong may hawak na dagger

"Hey Elysha" tawag ko sa kanya habang walang gana kong iniilagan ang mga pagtira niya.

Umarko ang kilay niya na nagtatanong kung 'bakit?'

"Let's have a deal" sabi ko

"I don't have time for that nonsense" sabi niya sabay sipa sa binti ko. I'm not even hurt.

Akmang sisipain niya uli ako pero nahagip ko ang binti niya

"Let me go!" Sigaw niya sa akin

"You have to agree with me first" sabi ko at mas lalo ko pang itinaas ang binti niya. Tumatalon talon na siya at nahihirapan.

She grunted.

"Fine!"

Binitawan ko naman ang binti niya.

"Here's the deal. Unahang makatama sa katawan, any part will do. Pag nanalo ka tuturuan kita ng kahit ano combat training or anything. Name it and I'll teach you. Mahina ka kasi when it comes to fighting"

"What if you win?" Tanong niya habang tinititigan ako ng seryoso sa mata. Siguro ay binabasa niya ang iniisip ko pero sorry wala akong iniisip ngayon.

"Simple lang naman kung ako ang mananalo. I'll ask you questions and you'll answer" sabi ko

"How about rules?" Tanong niya

"No rules darling" sagot ko sabay kindat. Nangunot naman ang noo niya.

Tumango naman siya. Nagsimula na kami maglaban ulit. Ngayon ay mas mabibigat na pagtira ang binibigay niya.

Puro pag ilag lang ang ginagawa ko. Kabisado ko na ang mga pagtira niya. Paulit ulit lang ito kaya madaling matandaan.

Mukha namang napagod na siya kaya ako naman. Ngumisi ako at tumingin ng diretso sa mga mata niya. Tumakbo ako papalapit sa kanya pero umiwas siya. Tatakbo akong pakanan pero lilituhin ko siya kaya umamba akong tatakbo pakaliwa.

Sa kaliwa niya dapat ako sasalubungin kaya nagulat nalang siya at nasa kanang pisngi na niya ang hawak kong dagger.

Gumawa ako ng maliit na hiwa dito.

"Oh pano ba yan? Ako ang panalo" bulong ko sa kanya.

ELYSHA

Naisahan ako ng mokong na ito. Kailangan ko pa tuloy maglagay ng band aid sa pisngi.

Kasalukuyan kaming nandito sa isang sulok ng basement, nagpapahinga at umiinom ng tubig. Pinanonood ang iba. Si Hunter at Bryan ang magkalaban, si Dalton naman at ang abnormal kong kapatid, si Cassy at Claudette, at si Serina at ang kanyang ama.

Unexpected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon