Chapter 19: Awakening

224 13 0
                                    

DALTON

Biglang hinimatay si Serina at buti na lang nasalo ko siya.

She's cold as ice at ang mga ugat niya ay may matingkad na kulay asul na lumilitaw at nawawala. Parang sumasabay sa tibok ng puso niya. Papasok na sana ako sa gubat para pumunta sa cabin ng pack pero may humarang sa akin.

A girl wearing a face mask and a cap

"I can help you"

"Sino ka?"

"I'm Claudette"

"Why do you wanna help?" tanong ko at lumapit siya sa amin

"I know her and her family. She's Serina, the daughter of Sephyra and Ariestiane Talla. They appointed me to guard her" sabi niya

Tumango ako

"Follow me" sabi niya. Naglakad kami sa pusod ng gubat, tumingin tingin siya sa paligid at gumawa ng portal.

"Para saan yang portal?"

"If we enter this portal, it can take us to the Divinity Realm"

"Bakit naman tayo pupunta doon?"

"Para malaman nating kung bakit siya hinimatay at kung ano yan" sabay turo niya sa kulay asul na mga linya sa katawan ni Serina

Sinundan ko naman siya at pumasok kami sa portal

Umiikot ang buong paligid hanggang tumigil ito at bumungad ang mga higanteng tarangkahan ng Divinity Realm

Matagal tagal na rin ang huli kong punta rito

Naglakad kami papunta sa paanan ng bundok. May daan na gawa sa bato ang nakapalibot sa bundok.

"Pwede bang mag teleport nalang tayo?" tanong ko

"I thought you'd never ask. Magkita nalang tayo sa taas" sabi niya at nagteleport na siya

I teleported too

Nandito na kami sa taas at natanaw ko ang isang maliit na kubo

Pumasok siya rito

Masikip rito sa loob ng kubo. Napansin kong hinawakan niya ang mga dingding ng kubo at nagsalita ng lenggwaheng hindi ko maintindihan

"wohsruoylaermrof"
"wohsruoylaermrof"
"wohsruoylaermrof"

Napalitan ng itim ang dingding ng kubo. Lumuwag dito sa loob at napuno ng mga kagamitang may iba't ibang hugis tulad ng buwan at bituin. May mga garapon at botelya rin na may nga iba't ibang kulay ang narito. May mga nakasabit na kurtinang hibla hibla at kumikinang kinang at may usok rin na nagmumula sa lapag. Napansin ko namang may maliit na talon sa isang sulok.

"How can I help you?" napalingon ako sa likod at nakita ang isang magandang babae na mukhang nasa forties na ang nakaupo sa isang upuang gawa sa dyamante.

Lumapit si Claudette sa kanya at nagbigay galang. Ginaya ko rin siya.

"Hijo, ihiga mo siya rito" sabi niya sabay tapik sa inupuan niyang naging mesa

"Anong nangyari sa kanya? At ano ang mga asul na iyan sa katawan niya?" tanong ko

"Blue veins? Hmm base sa nakikita mo, kasabay nito ang pagtibok ng kanyang puso" sabi niya

Hinawakan niya ang mga braso ni Serina na may mga asul na linya

"Normal lamang ito para sa isang babaeng magiging ganap na diwata"

Unexpected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon