Chapter 40: The Battle

135 9 0
                                    

THIRD PERSON

Tila napako ang mga paa ni Serina ng marinig ang sinabi ni Jia. Maging si Dalton ay nagulat at hinawakan ang balikat ni Serina.

Hindi na nakapagsalita si Serina at dahan dahang tumulo ang kanyang luha hanggang sa hindi na ito matigil. Napakagat sa pang ibabang labi at nagpipigil humikbi ngunit hindi na niya ito napigil ng yakapin siya ng kasintahan

"Nandito lang ako Serina, nandito lang kami" sabi ni Dalton habang inaalo ang dalaga

"Claudette! Jia! What happened? Bakit ganyan ang itsura niyo -- Teka, why is Serina crying?" sabi ng bagong dating na si Zachary

Sinabi naman ni Jia at Claudette ang dahilan kung bakit umiiyak ang kapatid nito. Nabigla rin si Zachary sa kanyang narinig at pumasok na sila sa loob para malaman ng iba.

Habang naglalakad papasok sa mansyon ay hindi napigilan ni Zachary na mag isip kung ano ang dahilan. May kinalaman ba ang mga demonyo rito?

Sinabi na nila sa lahat ang masamang balita. Pupuntahan na sana nila si Serina ngunit pinigilan sila ni Elysha.

"Hayaan niyo muna siya" sabi nito

Nagtanong ang mag-asawang Talla kung ano ang nangyari at sinalaysay naman ito ni Jia

"Tito, tita. I'm sorry po. P-pumunta po ako sa center para kumuha ng gamot ni lolo, p-pero pagbalik ko po nakita ko nalang siya--" naiyak ang dalaga sa gitna ng pagkukwento

"N-nakita ko po siyang d-duguan at nakahiga sa sahig. May saksak siya sa iba't ibang parte ng katawan at naliligo sa sariling dugo" sabi pa niya. Napasinghap naman ang iba sa narinig

"Jia hija, anong nakita mo roon? May nakita ka bang kahina-hinala?" tanong ni Sephyra Talla

Umiling iling si Jia

"Wala na po akong nakitang tao roon. P-pero may nakasulat po sa dingding" sabi ni Jia

"What do you mean? Anong nakasulat?" tanong ni Zachary

Tumingin si Jia sa mga mata ni Zachary

"Nalalapit na ang aking pagbabalik, maghanda kayo sa aking pagdating"

"Iyon po ang nakasulat at may malaking letrang A na nasa dulo nito"

Nagkatinginan ang lahat sa sinabi ni Jia. Iisa lamang ang tumatakbo sa isip nila na may kagagawan sa nangyari.

Si Azura

Ngunit paano nangyari iyon kung nakakulong si Azura sa loob ni Serina? Isa sa mga tanong na nabuo sa isip nila

Hindi nila namamalayang nakikinig si Serina sa mga sinabi ni Jia.

Madilim ang aura nito. Napatulog na niya si Dalton. Hindi naman nanlaban ang binata.

Nag teleport si Serina sa San Alfonso, sa mismong pinangyarihan ng pagpatay.

Wala na roon ang labi ng kanyang Lolo Nestor.

Kitang kita ng dalawa niyang mata na lahat ng sinabi ni Jia ay totoo.

Ang nakasulat sa dingding gamit ang dugo ng taong kumupkop sa kanya noon.

Kumuyom ang kamao ni Serina.

Ramdam na ramdam niya ang kakaibang lakas na nagmumula sa loob ng kanyang katawan.

Walang nakapansin na nagaya ni Serima ang kapangyarihan ng reyna.

Inangat niya ang kamay at nakita ang mga nangyari sa loob ng kwartong iyon.

Unexpected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon