Chapter 7: A.E Café

434 16 1
                                    

SERINA

Maaga akong nagising dahil ito ang unang araw ng trabaho ko sa café.
Nag aayos ako ng gamit na pwedeng dalin, may locker naman doon. Nilagay ko sa loob ng backpack ang extrang damit, phone, wallet, at emergency kit.

Inayos ko naman ang higaan ko at nakita ang blackbook sa tabi ng unan. Mamayang gabi ko nalang ito babasahin. Kinuha ko ito at inilagay sa drawer, bago ko pa ito isara ay nakita ko ang litrato namin ni Papa, sa dagat ito at nakalubog ang kalahating katawan ko sa mababaw na parte ng dagat. Nakatalikod kami ni Papa sa dagat at siya ay nakapwesto sa likod ko hawak ang dalawang balikat ko. Nakangiti kami sa camera at si Lolo ang kumuha nito.

I miss you Papa

I miss you Lolo

Kinuha ko ito at inilagay sa mesa sa tabi ng kama.

7:30am-6:30pm ang pasok ko sa café

Nakabihis na ako ng uniform ng café at may name plate narin na ang nakalagay ay 'Serina'. Naka-pusod din ang buhok ko para malinis tignan.

Lumabas na ako sa kwarto at naabutang pababa pa lang si kuya galing sa sariling kwarto niya. Magulo ang buhok at walang damit pang itaas. Mukhang inaantok pa ito

"Good morning my little sister" paos na sabi nito habang pababa.

I smiled at him "Good Morning kuya" lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi. "Alis na ko kuya, ngayon ang start ko sa café nakalimutan ko atang sabihin sayo"

"Sige mag-iingat ka ha, ipapahatid kita kay Mr. Harris. Anong oras ba ang uwi mo?"

"6:30 kuya"

Tumango naman ito at lumabas na ako sa bahay kung saan naroon si Mr. Harris

"Good morning Mr. Harris" bungad ko rito

"Good morning Miss Serina, saan ko po kayo ihahatid?" sabi nito.

"Sa A.E Café po"

Tumango naman si Mr. Harris at hinatid na ako.

"Girl!" bungad ni Martha pagkapasok ko sa café

"Oh bakit?"

"Wala! Masaya lang ako kasi nandito ka na. Haha. Ilagay mo na yang gamit mo sa locker. Tara" sabi niya sabay hila sa akin. Itinabi ko na ang gamit ko at umupo muna kami.

"Anong oras ba nagbubukas itong café Martha?" tinignan ko ang relo ko at 7:20 pa lang

"8:00 nagbubukas to Serina, 10:00 naman ang sara. Oo nga pala girl saan ka ba nakatira?"

"Uhm actually hindi ko alam kasi kalilipat ko lang dito"

"Ay ganon ba? Ako kasi sa may puting apartment sa may Don Francisco Street. Malapit lang iyon dito"

"Sino kasama mo doon?"

"Wala. Ako lang mag isa, nasa ibang probinsya kasi ang parents ko pati narin ang mga kapatid ko. Sa lugar na to kasi ako mag aaral ng college kaya nag apartment ako. Taga-rito rin naman ang Tita ko kaya okay lang kina Mama. Ikaw ba?"

Sasabihin ko ba sa kanya na kasama ko si Kuya? Kaso baka mangulit na makita si kuya. Wag nalang

"Close friend ng parents ko ang kasama ko sa bahay, dati naman ay kasama ko ang Lolo ko. Saan ka nga pala mag aaral?"

Si Mr. Harris ang close friend 'kuno'. Lord sorry po sa pagsisinungaling.

"Sa Lucidus University ako, Tourism ang kukunin kong course. May pagka-mahal pero kakayanin naman. Kaya ako nagtatrabaho ngayon para makaipon. In case na kailanganin ng extrang pang gastos"

Unexpected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon