Chapter 4: Happiness and Sadness

473 18 0
                                    

SERINA

Makalipas ang isang linggo ay tuluyan ng gumaling ang tagiliran ko, nagpapasalamat ako kay Arvin, oo Arvin lang ang tawag ko sa kanya dahil sabi niya ay bata pa siya, pati narin kay Mr. Harris na walang sawang pinaglilingkuran ako kahit pa sabihin kong okay lang ako at kaya kong gumalaw ng maayos. Nasa loob lamang ako ng mansion dahil ito ang bilin ni Arvin. Gumagawa naman ako ng gawaing bahay para malibang at nagpipinta ng mga larawan. Binigyan ako ng mga gamit ni Arvin para naman daw hindi ako mainip rito.

Tumayo ako at nagtungo sa terrace sa ikalawang palapag mg mansion, natatanaw rito ang haciendang pagmamay-ari nina Arvin

Maaga pa at naisip kong ngayon maghanap ng trabaho.

I texted Arvin that I'm going to find a job today so he wouldn't worry about finding me inside the mansion.

Oo, binigyan niya rin ako ng cellphone kasabay ng pagbigay ng sketchpad at ng mga gamit sa pagpipinta. Tinanggihan ko ito dahil marami na siyang naitulong sa akin at mamahalin ito. Hindi naman siya pumayag at sinabing kakailanganin ko rin ito lalo na kung magtatrabaho ako at mag aaral.

Dalawang linggo nalang at June na, magpapasukan na.

Hinatid ako ni Mr. Harris patungo sa bayan, twenty minutes lang ang byahe at nagpababa ako bago pa kami makapunta rito. Noong una ay ayaw pa ni Mr. Harris na hayaan akong maglakad pero sinabi kong kaya ko na at wala siyang nagawa. Umalis na ang sasakyan at naglakad na ako patungo sa bayan. Ang suot ko ay itim na pantalon at puting blouse na pinares ko sa itim na doll shoes. Naka ipit rin ang mahaba kong buhok.
Ang dala ko lang ay envelope na naglalaman ng resume at ilang requirements. May bag rin akong maliit na pinaglalagyan ng wallet, cellphone, at tubig.

Nagsimula akong magtanong sa mga kainan at convenience store kung may hiring sila. Pero wala akong napala.

Higit sampu na rin ang napagtanungan ko pero wala talaga.

Umupo muna ako sa bench sa isang playground para magpahinga. Uminom ako ng tubig and I looked at my phone.

Mula sa reflection ng screen ay nakita kong may tao sa likuran ko, agad naman akong napatayo at lumayo mula rito. Hindi ako natatakot ngunit baka may masamang gawin ito sa akin kaya lumayo ako. Ayoko namang bigyan ng sakit ng ulo sina Arvin pag napahamak ako.

"Sino ka?" tanong ko rito.

Nakatayo lamang ito. Natatakpan ang mga mata nito ng hoodie na suot niya. Ilong at bibig lamang ang kita.

"Sino ka ba?" pag uulit ko ng tanong

Ngumisi ito sa akin na dahilan ng pagkataas ng balahibo ko

Akmang tatawagan ko si Mr. Harris para magpasundo pero biglang humangin at pag angat ko ng tingin ay wala na ang lalaki

Nilibot ko ang tingin sa buong paligid pero hindi ko na ito nakita pa

Sino kaya iyon at anong kailangan niya sakin

Inalis ko sa isip ang nangyari at nagpatuloy ako sa paghahanap ng trabaho

Naglalakad ako ng kumalam ang sikmura ko pagtingin ko sa oras ay alas dos na pala. Nagpunta ako sa isang café na di kalayuan. 

I ordered a slice of banana bread, two strawberry muffins and a machiatto.

Pumwesto ako sa pinakadulong table. Habang naghihintay akong dumating ang order ay nilibot ko ng tingin ang loob ng café. It has this warm welcoming ambience, I really love the overall design of the place. I can see the different shades of brown in the walls and furniture, small candelabras connected to the ceiling for each table, and pieces of artwork and photographs sticked to the walls.

I took out my phone and take pictures of the café. I wanted to sketch this setting or even paint it.

Dumating na ang order ko at tinanong ko ang waitress

"Sino ang may-ari nitong café?"

"Uhm Ma'am pasensya na po, hindi ko po kasi kilala. Bago lang po ako rito at sabi ng iba ay hindi rin daw nila kilala ang owner dahil nasa ibang bansa ito at iba rin po ang namamahala habang wala siya" sabi nito sabay kamot sa gilid ng ulo.

"Oh is that so?" nakakapanghinayang naman kung hindi ko ito makikilala

"Sorry Ma'am" and she bowed

"No need to be sorry.." tinignan ko ang nameplate niya "Martha" nagtataka ang itsura niya kaya itinuro ko ang nameplate nya. Namula naman ito at tila nahiya

"Uhm sige po Ma'am balik na po ako doon" sabi niya. May bigla naman akong naalala kaya pinigil ko siya

"Wait" lumingon siya uli sa akin

"Yes Ma'am?" tanong nito

"Magtatanong lang sana ako kung hiring ba kayo rito?" lumiwanag naman ang mukha nito

"Opo! Kayo po ba ang mag a-apply?" nagningning ang mata niya sa tanong ko

Tumango naman ako

"Talaga po? Eh mukhang hindi niyo naman po kailangan ng trabaho kasi mukhang mayaman naman po kayo. Ang ganda pa ng kulay ng mata niyo" sabi niya

"Kailangan ko kasi ng trabaho para makaipon, college na kasi ako sa pasukan" sagot ko

"Mukha po talaga kayong mayaman hehe, ay Ma'am! gusto niyo po ba na picturan ko kayo? Nakita ko po kasing pinipicturan niyo ang café nung papalapit ako" nahihiya ako magpakuha ng litrato dahil hindi ako mahilig mag picture ng sarili

"Sige" pumayag rin ako dahil sa maganda naman ang café. Remembrance narin ito para sakin.

"Ayan! Ang ganda ganda niyo Ma'am. Okay lang po ba kung ipapasa niyo ito sa akin? May contest po kasi dito pag anniversary ng pagkakatayo ng café, August pa naman po iyon. Kailangan lang po ng picture, pagandahan po ng pagproject sa camera while inside the café. May cash prize po ang mananalo at may iba pa pong mapapanalunan" sabi niya at pumalakpak pa. She's so bubbly.

Kumain na ako at ng matapos ay nagtungo sa office para mag apply. Isang matandang babae ang nag interview sa akin, nagtanong siya kung bakit ko kailangang magtrabaho at ibang impormasyon tungkol sa akin. Natanggap naman ako rito. Pwede na raw akong magsimula sa Wednesday, ibig sabihin may isang araw na pagitan pa bago ako magtrabaho.

Tuwang tuwa si Martha ng matanggap ako, we exchanged numbers, she introduced me to the others and she taught me what I would do. She even gave me two pairs of café uniforms and said that it doesn't need to be paid.

Nagpasundo na ako kay Mr. Harris para makauwi.

"May trabaho ka na ba Miss Serina?" tanong ni Mr. Harris habang nagmamaneho. Napangiti ako at tumango, ngumiti rin siya.

"Nasa mansion na po ba si Arvin?" tanong ko

"Wala pa siya ng pag alis ko, pero baka naroon na siya ngayon" hindi na ako nagtanong at nakarating na kami sa mansion

pagpasok ko ay natigilan ako, nakita ko si Arvin na nakahiga sa lapag at namumutla

tumakbo ako palapit sa kanya at si Mr. Harris naman ay sumunod sa akin pero tumitingin siya sa paligid na parang may hinahanap

"Arvin" sabi ko ng maihiga ko siya sa hita ko, hindi ko siya mai-angat dahil mabigat ito. Tatawagin ko sana si Mr. Harris pero wala na ito sa likod ko. Tinapik tapik ko ang mukha ni Arvin habang tinatawag ang pangalan niya.
Nanginginig ang mga kamay niya at hinawakan ko iyon pareho. Nagtataka ako kung bakit ang isang kamay niya ay mainit at ang isa naman ay sobrang lamig.

"M-Morte" narinig kong sambit ni Arvin. Nagulat ako ng dumilat ito. Purong itim lang ang mata nito. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya dahil natatakot na ako. Napapikit ako sa kaba.

"S-serina" paos na tawag nito sakin. Idinilat ko ang mga mata ko at tinignan siya. Bumalik na sa normal ang mga mata niya. Tumigil na rin ang panginginig ng mga kamay niya.

"Sorry" sambit niya at napapikit na muli. Nakapagtataka dahil may tumulo sa mata niya, hindi ito luha kundi

dugo

Unexpected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon