Chapter 31: Mean Girls

147 8 0
                                    

SERINA

Naging maayos ang pagtanggap nila mom at dad kay Nico, pati narin ng Reali at ng troop. Kinwento namin ni Dalton sa kanila kung paano namin natagpuan si Nico.

Flashback

Nasa living room kaming lahat kasama ang Reali at troop dahil mamaya ay may training uli kami. Pinatulog muna namun si Nico sa guest room.

"Saan nanggaling ang bata anak?" tanong ni dad na nakaupo sa couch

"Nakita namin siya ni Dalton nung pababa kami sa burol" sabi ko

"Muntikan na nga namin siya masagasaan dahil nasa gitna siya ng kalsada" sabi ni Dalton na nakasandal sa dingding

"What?!" gulat na tanong ni mom at kuya na nasa tabi ni dad

"Opo muntikan na. Buti nalang nakita ko siya. Actually, hindi niya alam na muntik na siya masagasaan. Nagulat nga siya nung sinabi ko sakanya iyon. Doon ko napansin na bulag siya" sabi ko at yumuko. Lumapit naman si Dalton sakin at yumakap sa likuran ko.

Nakita ko namang nangingiti na ang mga kasama namin kaya inalis ko ang pagkakayakap niya pero binabalik niya rin ito

Kuya cleared his throat.

"So, anong balak niyo sa bata?" tanong niya

"Hahanapin namin ang mommy niya. Habang hinahanap namin, dito na muna siya. If that's okay with you mom, dad, and kuya" sagot ko

"Of course dear, okay lang sa akin. Matagal tagal narin akong hindi nakakapag alaga ng bata" sabi ni mom na nakangiti

"I'm fine with it" sabi ni dad.

Tinignan naman ng lahat si kuya

"Okay, okay" sabi niya at tinaas ang dalawang kamay na para bang sinasabing 'suko na ako'

"Okay na ba lahat?" sabi ni dad

Tumango naman ang lahat ng nandito

"Then, let's start training" sabi niya

End of flashback

Nandito kami ngayon sa open space sa likod ng mansyon. Nanonood ako sa mga nag eensayo. Madaling araw palang ng bumaba kami sa burol at natagpuan si Nico. May klase pa mamaya kaya saglit lang ang training ngayong araw.

"Ano ba yan Alex? Iyan na ba ang pinakamalakas mo?" pasigaw na tanong ni Ridge kay Alexei. Silang dalawa ang magkalaban

"Wag kang mayabang Ridge" sagot ni Alex na nasa itaas ng puno.

Ngumisi lang si Ridge at naglaho. Sa isang iglap, nasa likod na siya ni Alexei.

Saktong lumingon naman sa kanya si Alexei

"What the f---" biglang sinuntok ni Ridge sa mukha si Alexei dahilan para mahulog siya sa puno

Pero bago pa man tumama ang katawan ni Alex sa lupa ay pinalutang siya ni mom

"Thanks tita. You're the best" sabi ni Alexei

"And by the way Ridge" dagdag niya

"What?" sigaw ni Ridge mula sa itaas ng puno

"You punched my face right? Sasabihin ko lang sayo na nilagyan ko ng potion ang mukha ko. Maya maya lang ay mamamanhid na ang katawan mo" sabi ni Alex na nakangiti

"Dude what the f*ck!" sigaw ni Ridge at naglaho sa puno.

Maya maya pa ay nasa lupa na siya at nakikita naming nangingitim na ang kamao niya. Kumakalat ito sa buong katawan

Unexpected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon