Chapter 15: In The Woods

257 11 0
                                    

SERINA

Bumangon ako sa higaan at napansing wala ako sa kwarto ko. Tumayo ako at napatingin sa orasan

"Sh*t"

10:17 pm

Nandito parin ako sa kwarto ni Dalton. That guy! Ugh.

Pumunta ako sa comfort room para maghilamos. Nakita ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. Napababa ang tingin ko sa leeg ko at nakitang may marka roon.

Nag init ang ulo ko. Nasaan ang lalaking iyon?!

Lumabas na ako.

"Oh you're awake!" sabi ni Cassy na nanonood ng tv

"Where's Dalton?"

"Night out. In the woods" she said

Akmang lalabas na ako sa quarters pero pinigilan ako ni Cassy

"You shouldn't follow him there"

Takang tinignan ko siya

"He's on bloodlust now, he might hurt you" sabi niya na mukhang nag aalala

"I'll hurt him more if he did" sabi ko at tuluyan ng umalis

Naririnig ko pang tinatawag ako ni Cassy pero hindi ko siya nilingon. Ikang minuto na ako naglalakad at kinapa ko ang bulsa ko

Where the f*ck is my phone. I need to call kuya

"I already called your brother" napatalon ako sa gulat ng nagsalita si Elysha na nakatayo sa isang sanga ng puno

"How did you know?"

"I can read minds"

A voice in my head said.

"Is that your voice?"

Tumango naman siya

"Nakita mo ba si Dalton?"

Tumango siya at tumuro sa direksyon kung nasaan ang mga matataas na puno, sa gubat. May dalawang malaking karatula ang nakalagay rito "DO NOT ENTER" at "PRIVATE PROPERTY" ang nakasulat. Hindi na ito sakop ng university.

Ano namang gagawin ni Dalton dito?

Abnormal ba siya? I know he's a vampire, that explains why he sucked blood from my neck. Pero hindi naman siguro siya engot para pumasok sa isang private property

Umalis na si Elysha at pumasok ako sa  gubat at bumungad sa akin ang iba't ibang tunog ng insekto.

Dahan dahan akong naglalakad at tanging tunog lamang ng mga tuyong dahon na natatapakan ko ang nagagawa kong ingay

Mahigit sa limang minuto akong nag ikot at hindi ko pa rin makita si Dalton

Napahinto naman ako ng makitang may isang duguang kambing rito.

Nakakita ako ng mga patak ng dugo sa  ibang direksyon at sinundan ko ito

Napahinto akong muli ng makakita ng isang malaking itim na lobo na nanlilisik ang mga mata sa akin. Napahakbang ako paatras pero lumalapit ito ng dahan dahan sa akin, patuloy parin ako sa paghakbang at natigil lamg ng tumama ang likod ko sa isang puno.

Nangangatog ang mga binti ko. Sumugod ang lobo sa akin kaya napapikit ako.

Inaantay ko ang masakit na kagat ng lobo pero wala akong naramdaman

Dahan dahan kong idinilat ang mata ko at nakita ang lobo na nakatingin sa akin. Napansin kong pula ang mga mata nito na may halong kaunting ginto na parang umiikot ikot.

Unexpected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon