Epilogue

270 13 0
                                    

THIRD PERSON

Ngayon ang araw ng kasal ni Zachary Ayson Talla at Snow Alena Quinn.

Sa isang malaking simbahan ito gaganapin. Nakaayos na ang lahat, inaantay na lamang ang bride para maumpisahan na.

Kabado si Zachary habang nag hihintay, iniisip na baka hindi siya siputin ng kasintahan.

Napa buntong-hininga siya

"Hindi na darating si Snow" pang-aasar ni Dalton na siyang best man sa kasal. Tinapik niy sa balikat ni Zachary. Sinamaan naman niya ng tingin si Dalton at saka binaling ang tingin sa mga dumalo

Naroon ang lahat, ang pamilya ni Snow, ang pamilya ni Zach, si Hambros, si Helena at ang tatlong anak nito, si Mr. Harris at Claudette, ang Reali, at ang troop.

Ang mga babae sa troop na sina Cleo, Celestina, Ara, at Eloise ang mga abay at sa reali ay si Cassy. Si Claudette ay kasama rin pati si Jia.

Bumukas ang pinto ng simbahan at nagsimulang tumugtog ang piano.

Pumasok ang mga abay na may kani-kaniyang kaparehang miyembro rin ng troop at reali.

Sa mga mata ni Dalton ay isang babae lamang ang hinahanap.

Ang bridesmaid

Tila bumagal ang kilos ng lahat sa kanyang paningin habang pinapanood maglakad ang nag-iisang babaeng nagpatibok ng kanyang puso.

Pakiramdam niya'y siya mismo ang ikinakasal dahil sa pag rigodon ng kanyang puso mg makita ang napakagandang babaeng nakasuot ng kulay-rosas na damit pang-abay na naglalakad na nakangiti mismo sa kanya.

Ang matamis nitong ngiting nagpapalambot sa kanyang puso na sadyang napakasarap sa pakiramdam.

Ang berdeng mga mata nitong nagniningning sa ganda.

Walang iba kundi ang nag-iisang

Serina Felesy Talla

Huling pumasok ang bride sa simbahan

Nakangiti ang lahat rito, may iba pang hindi mapigilan ang luha at ang saya.

Ang bride na nakasuot ng puti at simpleng gown na hapit sa itaas at palobo ang ibaba.

Ang mukha nitong nahaharangan ng belo at hindi gaano nilagyan ng kolorete. Maayos na nakataas ang buhok nito at sa kanyang kamay ay isang bungkos ng asul na rosas.

Hindi mawawala sa kasal ang lumuluhang groom na tinutukso ng mga lalaki.

Nagpahid ng luha si Zachary ng makita ang kasintahang naglalakad papunta sa kanya.

"Oh bakit umiiyak ka?" tanong ni Snow ng makalapit kay Zachary, maging siya ay bahagyang naluha pero nakangiti ito.

"I'm just happy na makakasal na ako sa pinakamagandang babae sa mundo" natatawang sagot ni Zach at nagsimula na ang seremonya at nagtapos sa 'you may kiss the bride'.

Masaya ang lahat sa kasalang naganap.

Matapos ang reception ay lumipad patungo sa ibang bansa ang bagong kasal para sa kanilang honeymoon. Hindi sila gumamit ng kapangyarihan kundi sumakay sila sa eroplano.

Mansyon

Nagtungo ang mga kaibigan nila sa mansyon ng mga Talla para doon magpalipas ng gabi.

Maraming guest room rito kaya hindi na problema ang kanilang tutulugan.

Nagpasya na matulog ang lahat maliban kay Serina na naglagi muna sa pool at doon lumangoy hanggang mag madaling-araw.

Unexpected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon