CEO • MiNayeon

1.7K 26 5
                                    

Nayeon's POV

"All of your projects are failure. I told you to make a project that will make our company rise to the top but all of your projects are trash. Our company sale is decreasing so do your job probably. I want to see your projects next week and make sure it's a good one. Meeting dismissed." Kalmadong sabi ni Mina, ang CEO namin

Kalma lang siya pero alam naming lahat na galit talaga siya.

Tumayo na ako at pumunta sa pwesto ko. Yes, matatapos na pala ako. Sinimulan ko na agad ang trabaho na para bang walang nangyari. Hindi naman kasi ako ang naka-assign na mag-isip ng project sa team namin kundi si Jihyo.

"Nayeonnie..." Speaking of the devil

"Oh, bakit? Stressed?" Tanong ko

"Super. Busy ka ba?"

I think I know where this is going...

"Patapos naman na ako so anong favor mo?" Sabi ko at napangiti naman siya

"Kilala mo na talaga ako Nayeonnie. Padala naman 'to kay ma'am Mina. Magagalit yun pag di 'to napadala eh. Marami pa kasi akong gagawin eh. Please." Pakiusap niya habang pinapakita ang ilang folders na hawak niya

"Sure. Saan ba office ni ma'am?"

Bago pa lang kasi ako dito kaya di ko alam.

"13th floor, makikita mo agad yun kasi may nakasulat sa pinto." Sagot niya

Kinuha ko na ang mga folders sa kanya at nag elevator. Nasa 5th floor kami kaya di na medyo matagal at nakarating agad ako sa 13th floor.

Myoui Mina
(CEO)

Yan ang nakasulat sa pinto na bumungad sa akin.

Kumatok muna ako ng dalawang beses.

"Come in."

Mahina yun pero narinig ko naman kaya pumasok na ako

Nakakakaba dahil nakatingin siya sa akin.

"Ah, pinapadala po ni Jihyo." Nakangiting sabi ko

"Put it there." Sabi niya at tinuro ang upuan malapit sa table niya pero di pa rin natanggal ang tingin niya sa akin

Nilagay ko na dun ang mga folder.

"Una na po ako."

Tatalikod na sana ako nang...

"Your name? What's your name?"

"Nayeon po. Im Nayeon."

"Drop the po." May awtoridad na sabi niya kaya tumango na lang ako. "Bago ka lang ba dito?"

"Ah, yes. 1 month pa lang ata akong nagtatrabaho dito."

"And you're on Jihyo's team?"

"Yes."

Di man lang ako nainform na may interview pala pag papasok dito.

Tinanggal na niya din ang tingin niya sa akin at may tinype sa laptop niya.

"Im Nayeon..." Bangit niya sa pangalan ko na parang binasa niya sa screen ng laptop niya. "Ah, so you're a unnie."

Twice Ships FF (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon