Playgirl • Jeongyeon (School Life Series)

1.3K 40 9
                                    

Jeongyeon's POV

As usual, pinagtitingin ako pagkapasok ko sa school. All eyes on me and may mga ilang cameras pa na nakatutok sa akin.

"Jihyo-ah~!" Tawag ko sa best friend ko nang makita ko siya at inakbayan ko siya

"Uy, bitawan mo nga ako. Baka isipin nanaman ng mga fans mo, may something tayo. Aawayin nanaman ako ng mga yun." Sabi niya kaya natawa at tinanggal ang pag-akbay sa kanya

"Pag may nang-away sayo, sabihin sa akin. Ako ang bahala sa kanila. Best friend kita at walang sinuman ang hihigit pa sayo dito sa puso ko." Sabi ko at nag heart sign sa kanya

"Aba, landi talaga nito. Diba may girlfriend ka ngayon? Si Momo, baka magselos yun."

Natawa nanaman ako sa sinabi niya.

"Ano ka ba? Break na kami ni Momo. Ang girlfriend ko ngayon ay si Sana. Yung sexy." Pagmamalaki ko

Ang sexy kasi talaga ni Sana. Pero di ko siya mahal ah. Hinding-hindi.

"Hala? Di man lang kayo umabot ng isang linggo ni Momo?" Gulat na tanong niya

"Parang di mo naman ako kilala. Walang umaabot ng isang linggo sa akin." Sabi ko

Malapit na mag time kaya pumasok na kami sa classroom. As expected, puno ng letters, chocolates at kung anu-ano pa ang upuan ko.

"Wah, may nagbigay ng Heinz ketchup. Akin na lang Jeong." Sabi ni Mina, seatmate ko

"Kunin mo na lahat." Sagot ko sa kanya

Kinuha niya lang yung ketchup at pinamigay yung iba sa iba naming classmates.

Yes! Malinis na yung upuan ko kaya makakatulog na ako ng maayos dito!

Oo, natutulog lang ako sa klase. Pero wag ka, matataas pa rin ang grades ko. Ganyan talaga pag kaibigan mo ang isang honor student na si God Jihyo.

---

"Hoy Jeong! Lunch break na!"

Nagising agad ako sa lakas ng boses ni Jihyo.

Inayos ko ang sarili ko at tumayo na.

"Jeong, thanks nga pala sa Heinz ketchup ha." Sabi ni Mina

"Your welcome, penguin." Sabi ko naman at kinindatan siya

Yun, namula si penguin.

Bigla naman akong pinalo ni Jihyo. "Pati ba naman si Mina? Baka nakakalimutan mong may girlfriend ka!"

Tinawanan ko lang siya at pumunta na kami sa cafeteria. Bibili na sana kami nang harangin kami ng isang maputi na babae.

"Jeongyeon, may sasabihin po ako sa inyo." Sabi nito

"Kung confession yan, wag mo na ituloy." Sabi agad ni Jihyo sa babae. "May girlfriend na siya. Si Sana. Yung sexy daw."

Natawa na lang ako sa sinabi ni Jihyo.

"Eh tungkol nga po kay Sana yung sasabihin ko eh."

Napatigil naman ako sa sinabi ng babae. Tungkol kay Sana...?

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya

"Dahyun po. Kim Dahyun. Kaklase po ako ni Sana." Magalang na sagot niya

"Anong sasabihin mo tungkol kay Sana?" Seryosong tanong ko

"Ano po kasi... Para pong may relasyon din sila ni Tzuyu." Sagot niya na nagpakunot ng noo ko

"Tzuyu? Yung captain ng volleyball team? Sikat din yun ah, katulad ni Jeongyeon." Singit ni Jihyo sa usapan namin

So pinagsasabay niya kami ni Tzuyu? Mahilig siya sa mga sikat ha.

Twice Ships FF (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon