The Newcomer • MoChaeng

1K 11 0
                                    

Momo's POV

"Nagugutom ako..." Sabi ko

"Kailan ka ba hindi gutom?" Tanong ng katabi kong si Jeongyeon unnie

Nag pout lang ako sa kanya. "Libre mo ako ng jokbal."

"Jokbal nanaman naririnig ko sayo Momo unnie!" Sigaw ni Jihyo, ang President ng klase namin. "Di ka ba nagsasawa dun?"

"Never! Hinding-hindi ako magsasawa sa jokbal!" Sigaw ko naman sa kanya

"Ang ingay niyo. Andyan na si Ma'am oh." Sabi naman ng masungit namin na kaklase na si Tzuyu

"Good morning, class." Bati ni Ma'am

"Good morning, Ma'am!" Bati naman namin pabalik

"We have a new student joining us today. Come in." Sabi ni Ma'am at may babaeng pumasok

Ang ganda niya, sobra. Ang cute niya pa. Maganda na, cute pa. Pero yung kilos niya, parang swag. Maganda, cute, at swag. 3 in 1 pala siya. Nakulangan nga lang sa height.

"Good morning. You can just call me Chaeyoung." Sabi niya na may maliit na ngiti sa labi

"Okay. Chaeyoung, you can take your seat." Sabi ni Ma'am at umupo si Chaeyoung sa harap, sa tabi ni Dahyun

Nakakainggit naman si Dahyun.

---

"Whoo! Uwian na!" Sigaw ni Jeongyeon unnie

"Ang ingay mo naman Jeong. Tara na nga." Sabi naman ni Nayeon unnie

Inayos ko na yung mga gamit ko at umalis na. Dumiretso ako sa mansion ng Son Family. Nagtatrabaho kasi ako dito. Oo, working student ako. Taga-linis lang naman ako dito kaya di ako masyadong nahihirapan.

Dumiretso ako sa cr at nagbihis. Then, pupunta na sana ako sa garden para magwalis nang...

"Momo!"

Napalingon agad ako sa tumawag sa akin.

"Mrs. Son, bakit po?" Magalang na tanong ko

"Pakilinis naman nung unang-unang kwarto sa 2nd floor."

"P- po? Eh di po ba bawal kaming pumasok dun?" Nagtatakang tanong ko

Pinagbabawalan nila kaming pumasok dun dati. Di namin alam ang dahilan. Tapos ngayon, pinapalinis niya?

"Kwarto kasi yun ng anak ko. Dadating na siya dito mamaya." Sagot ni Mrs. Son

"Ah, sige po." Magalang na sagot ko

Kumuha ako ng mga gamit panlinis at dumiretso na sa kwartong sinasabi ni Mrs. Son. Nakabukas na ang pinto nito kaya pumasok na ako.

Wow... Ang ganda... May mga drawings pa na nakasabit... Halatang matagal na 'to na hindi nagagamit dahil maalikabok kaya nagsimula na akong maglinis.

Medyo natagalan ako sa paglinis pero natapos ko naman. Kinuha ko na ang mga gamit na panlinis. Bubuksan ko na sana ang pinto dahil lalabas na ako nang biglang may nagbukas nito sa labas.

"Ouch!" Tumama sa ilong ko yung pinto at nabitawan ko ang ilan sa mga hawak ko

"Oh, sorry!" Sabi ni...

"Chaeyoung?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nawala ang sakit ng ilong ko.

"Momo unnie?"

What? Kilala niya ako? Eh di naman ako nagpakilala sa kanya ah? Di ako nagpakilala dahil nahihiya ako sa kanya.

"Wait, what are you doing in my room?" Tanong niya bigla

"Ah... Pinalinis kasi ni Mrs. Son 'tong room eh." Nahihiyang sagot ko

"You work here?" Tanong niya at tumango lang ako. "Do you also live here like the other workers?"

"Ah, hindi."

Yung iba kasing mga nagtatrabaho sa Son Family, dito na tumitira pero ako, hindi. Tinanggihan ko yung offer kasi may apartment naman kami ni Dahyun eh.

Tumahimik bigla... Dinampot ko yung nahulog ko...

"Una na ako." Paalam ko

"Wait... Pwede sabay tayong pumasok bukas?" Tanong niya at nanlaki naman ang mata ko. "Wala pa kasi akong masyadong ka-close sa school eh. Natatakot akong pumasok mag-isa tyaka di ko pa saulado yung school."

"Sige..." Nakangiting sagot ko at lumabas na

---

Inagahan ko ang paggising ko at dumiretso sa mansion ng Son Family. Nag-iwan na lang ako ng sulat kay Dahyun na mauuna na ako dahil kakain pa ako ng jokbal.

"Momo unnie!" Tawag sa akin ni Chaeyoung at tumakbo siya papalapit sa akin. "Tara na."

Naglakad na kami. May sasakyan naman sila pero mas gusto niya maglakad para daw ma-exercise siya.

"Bukas bag mo, Chaeyoung." Sabi ko nang mapansin kong bukas ang bag niya

Inikot niya ang bag niya at nilagay sa harap niya para isara ito. Di niya napansin may nahulog na notebook kaya dinampot ko 'to. Pagkadampot ko, napansin kong may drawing kaya tinignan ko.

May dalawang tao na nanunuod ng sunset sa loob ng heart. May nakasulat pa sa baba na...

Hirai Momo
and Son Chaeyoung <3

"Uy! Akin yan ah!" Biglang hinila ni Chaeyoung yung notebook at pinasok agad sa bag niya

And what the... She's blushing...

"M- may nakita k- ka ba dun s- sa notebook?" Nauutal-utal na tanong niya

"Chaeyoung..." Napalunok muna ako bago ulit magsalita. Ang bilis ng tibok ng puso ko! "May gusto ka ba sa akin?"

Yan na! Nasabi ko na!

"... Wala."

"H- huh?"

W- wala?!

"Hindi kita gusto unnie... Mahal kita... Nung nakita pa lang kita sa school, nabihag mo na agad yung puso ko. Nagtanong ako kay Ma'am tungkol sayo at nirequest ko din na maging classmate mo. Lahat tungkol sayo unnie, alam ko. Pati sa mga social media accounts mo, inistalk kita... Because I love you... I really do... Okay lang kahit di mutual feelings natin. Alam ko naman na mahal mo si Dahyun unnie eh..."

"S- si Dahyun?" Confused kong tanong sa kanya

Bakit nadamay si Dahyun?

"You two lived together, right?"

Natawa ako bigla. "Chaeyoung, Dahyun is my best friend and also Sana's girlfriend."

Napanganga siya bigla.

"Mahal ko si Dayun, oo. Mahal ko siya bilang kaibigan. Wala pa akong minamahal na higit pa sa kaibigan, ni crush nga wala ako eh... Until yesterday... Until you came into my life, Chaeyoung. Ikaw ang kauna-unahang tao na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Ikaw lang, Son Chaeyoung. Mahal na mahal kita."

"D- does that mean... Tayo na?"

"Tayo na. I'm officially yours."

Then she hugged me as tight as she can. Napansin kong medyo naluluha siya kaya pinunasan ko ang mga mata niya.

"Akin ka lang ha, at sayo lang din ako."

"Sayong-sayo lang ako kaya dapat talaga akin ka lang."

At hinalikan ko siya sa ilong niya.

I can't believe that this 3 in 1 girl na kinulangan sa height ay officially mine. Di ko na siya papakawalan.

T H E      E N D

Twice Ships FF (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon