[ a/n: Ito yung time na playgirl pa si Jeongyeon at sila pa ni Momo. ]
Momo's POV
"Bilisan mo kumain ng breakfast, babe. Magsisimula na yung klase." Bored na sabi ni Jeongyeon
Psh. Pagdating niya naman sa room nila, matutulog lang siya.
"Di pa ako tapos kumain ng jokbal eh, bakit ba?" Sabi ko naman at pinagpatuloy lang yung pagkain. "Kung gusto mo edi mauna ka na. Iwan mo na ako."
"Ugh, yan ka nanaman sa jokbal mo na yan eh. Nakakasawa ka na. Let's break up." Walang ganang sabi niya
"Oh sige. Let's break up. Umalis ka na." Sabi ko at umalis nga
Psh. Palibhasa playgirl eh.
Okay lang. At least may jokbal ako. Jokbal is my life!
---
Pauwi na ako nang hilain ako ng isang maputing babae sa library.
"Uy white lady, di ako mahilig magbasa." Sabi ko
"Shh." Sabi niya at humarap sa akin. "Di ako white lady, tao ako noh. Kim Dahyun is my name."
"Ah, ako naman si Hirai Momo. Nice to meet you taong Kim Dahyun." Sabi ko naman sa kanya. "Bakit mo ako dinala sa library?"
"Dito lang kasi ang lugar sa school na walang tao." Bulong niya. "Balita ko nagbreak na daw kayo ni Jeongyeon tapos kani-kanina lang, naging sila na ni Sana."
Playgirl nga talaga. Sinagot ko lang naman siya dahil sikat siya kaya wala akong pake sa kanya.
"Masakit diba? Ramdam ko yan dahil kakabreak lang namin ni Sana kahapon. Malandi talaga yung ahas na yun!"
"Ah... Edi parang parehas lang pala tayo?" Tanong ko sa kanya
"Oo. At kailangan nating siguraduhin na hindi sila magtatagal!" Sigaw niya
"Huh? Eh bakit naman?"
"Revenge! Revenge, man! You know!" Sabi niya w/ matching hand gestures pa
"Panigurado namang hindi sila magtatagal eh. Playgirl si Jeongyeon." Sabi ko
Nagugutom na ako. Gusto ko na umuwi at kumain!
"Hindi! Para mas dama nating ang pagkapanalo, dapat tayo ang gumawa ng paraan para maghiwalay sila!"
"Oo, oo. Okay, okay." Sabi ko na lang dahil gusto ko na talagang umuwi
"Okay, sige. Iaupdate na lang kita sa plano. Una na ako!" Paalam niya at umalis na
Ako din, syempre, umalis na.
---
Kinabukasan, hinanap ko si white lady. Gusto kong alamin kong seryoso ba siya sa sinabi niya kahapon pero ni anino niya, hindi ko nakita ng buong araw.
Naloko nanaman ata ako ah?
---
Lunch break at pabalik na sana ako ng classroom ng biglang may humila sa akin. Si white lady.
"Kailangan natin kumilos ngayon." Sabi niya
"Huh? Eh may klase." Sabi ko naman
"Kailangan ngayon dahil ngayon magkasama si Sana at Tzuyu!" Pabulong na sigaw niya
Tinignan ko lang siya... "M- may klase..."
"Ililibre na lang kita ng jokbal bukas. Deal?" Tanong niya
Yes! Jokbal! Pero teka...
"Paano mo nalaman na mahilig ako sa jokbal?" Nagtataka kong tanong sa kanya
BINABASA MO ANG
Twice Ships FF (One Shots)
RandomWarning: This book is only for gays and gayminded ONCEs.
