Tzuyu's POV
Friends... Friends lang kayo ni Sana unnie kaya Tzuyu, pigilan mo ang nararamdaman mo!
Yan ang lagi kong sinasabi sa sarili ko. I really really really love Sana unnie. Pero ang tanong, love niya ba ako?
Aish! I don't know!
"Huy, aga-aga stressed ka." Sabi ni Nayeon unnie na nakaupo sa sofa at nanonood ng tv
Ako naman, nakaupo sa sahig at ginugulo ang buhok ko.
"May Jeongyeon unnie ka na kasi eh, kaya di mo ako maiintindihan." Sabi ko habang nakapout
"Yah! Ba't mo naman dinamay si Jeongyeon dito?" Sigaw niya
Ang OA niya talaga pag dating kay Jeongyeon unnie.
Di ko na lang siya pinansin at inisip nanaman si Sana unnie. Yung squirrel na yun, ba't ba kasi ako nahulog sa kanya? Eh FRIENDS lang naman kami.
"Oo nga pala, magiging kumpleto tayo mamaya dito dahil free time natin yun." Sabi ni Nayeon unnie
Yung tatlong haponesa kasi, pumunta ng Japan. Kaming anim nila Nayeong unnie, Jeongyeon unnie, Dahyun unnie, Chaeyoung unnie at Jihyo unnie ang natira dito sa dorm.
So kaya pala doble ang paglilinis na ginagawa ni Jeongyeon unnie ay dahil dadating--- wait, ibig-sabihin... Babalik na si Sana unnie?!
"Wah unnie! Ba't ngayon mo lang sinabi?!" Sigaw ko kay Nayeon unnie
"Matagal nang sinabi yun ni Jihyo, sadyang lagi ka lang lutang kaya di mo narinig!" Ganting sigaw niya naman
Tumayo agad ako at naligo. Kailangan kong mag ready syempre. Pero dapat di masyado ang pagreready ko, baka mahalata na nila. Wala pa naman akong pinagsasabihan tungkol sa feelings ko.
---
*tok tok
Kasabay nang pagtunog ng pinto ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Buksan mo nga Tzuyu." Utos ni Jihyo unnie kaya naman binuksan ko ang pinto
Pagkabukas ko ay sinalubong agad ako ni Sana unnie ng yakap.
"Tzuyu ah~!" At hinalikan niya ako sa pisngi
Kalma Chou Tzuyu, KALMA!
Bumitaw na siya at next na yumakap sa akin ay sila Dahyun unnie at Momo unnie pero ang tingin ko, na kay Sana unnie pa rin na ngayon ay kayakap si Dahyun unnie at hinalikan niya rin. See? She does it to all her friends Tzuyu, not just you. Hindi lang ikaw ang niyakap niya at hinalikan niya kundi lahat kayo dahil lahat kayo ay KAIBIGAN niya. Mas close pa nga ata siya kay Dahyun unnie kaysa sayo eh. Wag na umasa, okay?
"Kain na tayo! Nagugutom ako!" Sigaw ni Momo unnie
"Lagi ka namang gutom eh." Sabi naman ni Dahyun unnie
Pumunta na kami sa table para kumain at magkatabi pa nga kami ni Sana unnie. But on her other side, katabi niya si Dahyun unnie.
Lahat sila nagsimula nang kumain maliban lang sa akin. Let's just say na, wala akong ganang kumain.
"Tzuyu, bakit di ka kumakain?" Tanong ni Jeongyeon unnie
"Wala po akong gana unnie." Sagot ko
"Tzuyu!" Tawag sa akin ni Sana unnie kaya napatingin agad ako sa kanya. "Say ahhh."
Paano naman ako di aasa nito? Aish, Minatozaki Sana, you're making this harder for me.
Wala sa isip na sumunod ako sa kanya at nag "Ahhh." Kaya naman sinubo niya ang pagkain niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Twice Ships FF (One Shots)
RandomWarning: This book is only for gays and gayminded ONCEs.
