Stalker • Chaeyoung / Confused • Mina (School Life Series # 4)

1.3K 31 6
                                    

Chaeyoung's POV

Nandito kami sa bahay ni Jeongyeon. Nagsecelebrate kami dahil nga ngayon, maayos na ang lahat.

Ang mga nandito ngayon ay ako, si Mina, si Nayeon, si Jeongyeon, si Jihyo, si Somi at ang dalawang kaibigan ni Jeongyeon na si Sana at Tzuyu.

Nanonood kami ng movie. Nasa sofa si Somi, ako, si Mina at si Jihyo. Sa baba naman namin, sa sahig nakaupo si Nayeon, Jeongyeon, Sana at Tzuyu.

Lahat sila busy sa panonood sa movie. Ako naman, nakatingin kay Sana at Tzuyu. Kasi naman eh, nagsusubuan sila ng popcorn. Sila ba?

Wait, dapat di ako maging pakialamera. Nanood na lang ako pero napatingin din agad ako kay Jeongyeon. Dahan-dahan niyang inakbayan si Nayeon at si Nayeon naman, sinandal niya ang ulo niya kay Jeongyeon. Psh, di pa nga sila pero grabe na yung sweetness nila.

Napatingin naman ako sa kaliwa ko, kay Mina. Will we be able to do things like that?

"Wag mo masyadong titigan, matutunaw yan." Bulong sa akin ni Somi at sinamaan ko lang siya ng tingin

Si Somi ang pinakauna kong sinabihan tungkol sa feelings ko kay Mina at siya din ang taga-update ko pag may nangyayari sa school nila.

---

Nagsiuwian na ang iba at ang naiwan na lang dito ay ako, si Somi, si Jeongyeon at si Jihyo.

"Kailan mo balak umamin Chaeng?" Tanong ni Somi

Nag-init naman yung mga pisngi ko...

"K- kailangan ba talagang umamin?" Nauutal kong tanong

"Aba syempre ah! Malay mo, mutual pala feelings niyo. Tulad namin ni Nayeon." Proud na sabi ni Jeongyeon

"Tinanong siya ni Somi nung nakaraan kung may gusto ba siyang tao, sabi niya wala. Diba Somi?" Sabi ko at nag nod lang si Somi

"Edi ligawan mo para magustuhan ka." Sabi naman ni Jihyo at mas nag-init yung pisngi ko

"Basta gumawa ka ng move kaysa naman para ka lang kamatis dyan." Sabi ni Jeongyeon at nagtawanan sila. "Ikaw din, baka maunahan ka ng iba..."

"B- ba't ba yan ang pinag-uusapan natin?" Tanong ko at nagtawanan lang sila. "Bahala nga kayo dyan."

Iniwan ko sila at pumunta sa labas. Mga bwisit yung mga yun.

"Pero seryoso Chaeng..." Napatingin ako sa likod ko... Si Somi. "Kailangan mo ng kumilos para kay Mina."

"Eh paano? Aamin ako tapos irereject niya ako?" Malungkot na tanong ko

Ang hirap talaga pag one sided love.

"Edi bago ka umamin, gumawa ka muna ng something para magustuhan ka niya." Sabi niya

Gumawa ng something?... Alam ko na!

"Oo tama!" Masayang sigaw ko

"Huh? Anong tama?" Nagtatakang tanong niya

"Somi, I need your help. Dito tayo matulog kila Jeongyeon, please." Pakiusap ko sa kanya

"Wait, teka. Bakit dito pa kila Jeongyeon?" Tanong niya naman

"Ito kasi ang pinakamagandang location para sa akin. Malapit sa school ko, malapit sa school niyo at... Malapit sa bahay niya..." Paliwanag ko

"Pero isa lang ang guest room nila Jeongyeon..."

Oo nga pala... Wait!

"Kila Jihyo ka na lang pala mag sleepover. Magkatapat lang naman yung bahay nila eh." Sabi ko

Twice Ships FF (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon