Admirer • 2yeon

1.3K 28 3
                                    

Jeongyeon's POV

Dahan-dahan akong sumilip sa bintana para tignan kung nasa labas na siya. At nasa labas na nga siya.

I'm talking about Im Nayeon. The girl who confessed her love to me 2 months ago. I rejected her kasi di ko pa siya masyadong kilala noon. And she said, di daw siya susuko. After that day, tuwing umaga, nasa tapat na siya ng bahay ko at sabay kaming maglalakad sa school. Pag uwian naman, nasa tapat na siya ng gate at sasabayan niya akong maglakad pauwi.

Lumabas na ako at nilagpasan siya. Narinig ko naman ang mga footstep niya na sinundan ako.

"Good morning Jeong!" Masayang bati niya

"Morning." Bati ko pabalik

Dire-diretso lang ako sa paglakad at di siya tinitignan.

"Ang aga mo ata ngayon ah." Sabi niya

Inagahan ko talaga para sa matakasan kita kaso mas maaga ka pa rin eh.

I want to say that but I can't. Kahit naman ayaw ko sa kanya, ayaw ko pa ring saktan siya.

Tahimik kaming naglakad hanggang sa makadating na kami sa classroom ko. Dun ko pa lang siya hinarap.

"Nandito na tayo sa classroom ko. Pwede mo na akong iwanan." Sabi ko

"Maaga pa naman eh. Dito muna ako." Sabi niya naman

Di ko na siya pinansin at pumasok na sa classroom ko. I took my seat at ramdam ko na pinagtitinginan ako ng mga classmates ko.

"Yoo Jeongyeon!" Tawag sakin ni Jihyo. My best friend since we were kids. "Hatid mo kaya sa classroom nila."

Alam ko na agad kung sino ang sinasabi niya... Yep, Im Nayeon. Everyone knows about her and me.

"Oo nga, ikaw hinahatid sundo niya tapos siya, di mo man lang mahatid sa classroom niya." Dagdag naman ni Momo, also my best friend

"Di ko naman sinabi na ihatid sundo niya ako ah?" Sabi ko naman

"Pag di mo siya hinatid, ibig-sabihin mahal mo siya." Sabi ni Jihyo

"Pag di mo siya hinatid, ililibre mo ako ng jokbal." Dagdag pa ni Momo

Kaya naman tumayo na ako at pinuntahan si Nayeon.

"Oh, bakit?" Tanong niya

"Let's go to your classroom." Sabi ko at halatang nagulat siya. "Lead the way."

Napangiti siya at nagsimula nang maglakad. Napansin kong medyo mabigat ang bag niya kaya...

"Give me your bag." Napahinto siya sa sinabi ko

"Wag na..."

"Give it to me." May awtoridad na sabi ko kaya binigay niya sakin ang bag niya

Mabigat nga...

Naglakad na ulit kami hanggang sa makarating kami sa classroom niya.

"Kyah!"

"Ohmayghad!"

"Nag-iimprove na si Nayeonnie natin!"

Ilan lang yan sa mga sigawan ng classmates niya. Yung iba, nagtitilian pa.

Di ko na lang yun pinansin at binigay na sa kanya ang bag niya.

"Thank you, Jeong." Nakangiting sabi niya

God, she's blushing... And she's so beautiful...

Hey! Keep it together, Yoo Jeongyeon!

"I- I'll be going then..." Paalam ko at bumalik na sa classroom ko

Twice Ships FF (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon