Weakness, Fears and Hate

230 6 0
                                    

Mabel

(Best to read this chapter while playing the music video above.)

Bad idea na umupo ako malapit sa tabi ni Jacob sa car nya. Ano bang choice ang meron ako? Masyadong na-damage yung car ko at hindi ko makita si Zachary. Dinial ko ulit yung number nya pero voicemail lang yung sumalubong saken. Pagalit kong tinago yung phone ko sa bag ko at nagcross ako ng arms. Kung hindi ko lang sana kailangan pumunta sa appointment na to, I would just skip it. Last nanaman to, pagkatapos nito, malaya na ko. Medyo lang pala.

Tahimik lang si Jacob sa halos 20 minutes nyang pagdridrive. Sinasabayan nya yung radio sa paghum nya, minsan na sa tono, minsan hindi. I think it's adorable. Para kaseng hindi sya yung tipo na lalakeng maghuhum lalo na't may kasama pa sya sa kotse. Baka komportable sya saken o parte lang yun ng secret plan nya na hindi ko pa nadidiscover kung ano.

Yung face nya is parang nagwoworry habang tinitingnan nya ko ng madalas. Hindi pa rin sya nagsasalita except kapag may nagtatanong ng directions pero alam kong gusto nya kong kausapin.

Nagbuntong-hininga ako, "Hindi naman kita aawayin, Jacob. Sorry kung naging bitch ako kanina kahit tinatry mo lang naman maging mabait."

Nagkibit-balikat sya at nagtake ng left turn sa may stop sign kase yun yung nakalagay sa signs. "Ok lang yun, babe... I mean, Mab." Mukha syang nanghihingi ng permiso. "Pwede ba kitang tawaging Mab or maooffend ka din?"

Napangiti ako ng konti. Sa totoo lang, gusto ko. "Pwede mo ko tawaging Mab kung gusto mo. Tawag sakin yan ng mga kaibigan ko."

Parang nagbright yung eyes nya, "Friend mo ba ko, Mab?"

"Hindi naman ako bigla-biglang sasakay sa isang stranger, kaya oo, siguro." Nagtwirl ako ng strand ng hair at hindi ako tumingin sa kanya.

Nagpakawala sya ng tawa. "Isang step mula sa isang random person na nakilala mo sa kalsada. Kailangan siguro nating magsimula ulet."

Nung tumingin ako sa kanya, hindi na sya nakangiti. "Jacob, sorry. Ang panget lang talaga ng araw ko tapos nasira pa yung kotse ko, so, ten times worse. Puro utang na ko sa school this days."

"Kaya kong ayusin kotse mo, Mab." Alok ni Jacob.

"Wag na," sabi ko ng agaran. "Hindi ko kailangan ng tulong, kaya ko na sarili ko."

Umiling si Jacob, "May kilala akong guy na mayroong auto shop sa bahay namen. May utang na loob sya saken."  Tumigil sya para abutin ako at pisilin kamay ko. "Tsaka may alam ako sa mga bagay na ganyan. Masusurprise ka nanaman saken."

Kahit ang sarap damhin nung init sa palad nya, nilayo ko parin to. "Pag-iisipan ko, ok?"

Satisfy na sya sa sagot ko at binalik nya yung kamay nya sa manibela. After ng mga 5 minutes, nagstop na kame sa tapat ng tatlong palapag na office building. Maraming klaseng offices ang nandun pero iisa lang ang entrance kaya hindi nya malalaman kung saang office ako papasok kapag pumasok na ko sa building.

Inalis ko na yung seatbelt ko and take a breath. Napatingin sya sa building tapos balik saken. "Sure ka ba na ayaw mo kong sumama o kahit man lang hintayin ka sa waiting room?"

Umiling ako, "Diba sabi ko sayo sa car ka lang and hintayin mo lang ako?" Tinuro ko sya and nagtaas sya ng kamay in defense.

"Ok, dito lang ako hanggang matapos ka."

Inabot ko yung bag ko at nagpause habang nakahawak sa door handle. "Pwede ka namang magdrive muna o kahit anong gusto mong gawin. Mga isang oras kase to." Last time kase umabot ng isang oras.

Nagsmile ulit sya sakin at pinalo yung kamay ko, "Dito lang ako."

Pinilit kong ngumiti at lumabas na sa kotse nya. Nagsimula ng manghina yung mga legs ko habang papalapit ako sa double door. Nung last time ako na pumunta dito, hindi naging maganda. Malapit lang ang elavator sa entrance, pinindot ko na yung button para sa top floor. Yung decoration ng building ay ginawa para magportray ng calming  effect pero opposite yung epekto nito saken. Bawat hakbang ko papunta in her office makes my pulse beats faster. Namamasa na yung mga kamay ko at parang malapit na ko masuka. Sobrang nakakakalma whoo!

Fix Me Will YaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon