Boy's Talk

144 3 0
                                    


Jacob

Dahil sa malakas na pagsipa sa ribs ko kaya ako nagising sa masarap kong pagkakatulog. Natumba ako ng patagilid habang hawak hawak ko yung tagiliran ko at napa-groan ako. Pagkadilat ko ng dahan dahan, nakakita ako ng black combat shoes, worn jeans at isang pair ng nanlilisik na green eyes. 

"Sino kang gago ka?!" Ungol nya habang may nakasabit na yosi sa gilid ng bibig nya. 

Inalis ko yung tingin ko sa kanya then tumingin ako sa taas pagkatapos tumingin ako sa hallway. Pagkatapos umalis ni Mab kagabi, bumalik ako sa party at nagpakalasing. Naguilty ako pagkatapos nun kaya pumunta ako sa apartment  nya. Hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob para kumatok kaya nakatulog na lang ako sa labas ng pinto nila simula pa nung 3 nang umaga.

Nag-inhale sya sa yosi nya at lumuhod sa may mukha ko. Ang lakas naman ng lalaking to.

"Huling tanong ko na to sayo." Ngumiti sya nang pangasar at kinuyom ang palad nya. "Sino kang gago ka?!"

Tinaas ko yung mga kamay ko at sumagot ng mabilis. "Ako si Jacob. Sino ka ring gago ka?"

Napangiti sya nang dahil sa sinabi ko. Nag-inhale pa ulit sya ng yosi nya at tumayo na. "Ang sama ng tabas ng dila mo at ang lakas ng loob mong matulog sa harapan ng apartment ng little sister ko." Pinatay nya yung yosi nya sa may dingding at tinapon yun sa sahig.

Little sister? Pinunasan ko yung mukha ko gamit ang kamay ko at nagsalita habang humihikab. "Makinig ka, hindi ako naghahanap ng gulo. Nag-aalala ako kay Mab. Kailangan kong masiguro na ok lang sya."

Tumawa sya at parang may naalala sya bigla. "Tumayo ka na dyan, pretty boy. Kilala ko na kung sino ka."

Nagsalubong yung mga kilay ko at inabot nya yung kamay nya saken. "Ako si Pablo."

"Hindi ko alam na may kuya pala si Mab." Sabi ko habang hinihila nya ko patayo. Mga ilang segundo ang nakalipas bago ako makapagbalanse. Siguro lasing pa rin ako.

"Hindi na ko magugulat dyan." sabi nya habang nakangisi. "Napakamasikreto ng taong yun e. Si Zachary nga lang yung kaibigan nya na galing sa school ang nakilala ko."Tumahimik sya at nirun yung kamay nya sa halos kalbo na nyang dark hair. "Tsaka dahil sa pagkakakulong ko kaya nawalan ako ng social life." 

Muntik na kong matawa sa kaswal na pagkakasabi nya nun. "Yeah, naiimagine ko nga e."

Patuloy nya kong tinignan na parang ine-enspeksyunan ako. Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan na sobrang awkward, dumukot sya sa bulsa nya para kumuha ulit ng yosi. "Mukha kang tae. Halika't magbreakfast tayo. Kailangan mo ng pagkain."

Kumalam yung sikmura ko nung nabanggit nya yung pagkain. "Hindi ko alam kung kaya ko. Hindi kase maganda pakiramdam ko."

Tinapik nya ko ng malakas sa likod. "Hindi kita tinatanong." Nagsimula na kong maglakad sa may hagdanan nung tinulak nya ko pa-abante. Tinignan ko sya nung nakarating na kame sa may hagdanan.

"Di ko yata kayang magmaneho."

Tumawa sya at nag-inhale ng yosi nung nalagpasan namin yung no smoking sign. "Wag ka mag-alala. Ako ang magmamaneho."

Hindi nagtagal nung pinagsisihan ko yung desisyon ko. Napasuntok na lang ako sa dashboard nung nag-illegal turn si Pablo sa paparating na traffic. Kanina pa sya naninigarilyo at nagmumura sa mga di namin kakilalang driver. Nagpatuloy pa rin sya kahit may stop sign na at ngumiti saken.

"Ang tagal na rin, bro. Namiss kong magmaneho."

Nagpakawala ako ng tawa na may halong niyerbos. Halos mapasigaw na rin ako sa sobrang lakas nung radyo na nasa likuran namen. "Siguro dapat mas magpractice ka muna."

Fix Me Will YaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon