The Test

123 3 0
                                    

(I dedicate this chapter to ML and Maria.)

Jacob

Di talaga ako nasisiyahan kapag tumatakbo ako pero sa huli, kailangan ko pa rin tong gawin o minsan kapag kailangan ko magpawala nang init ng ulo. Sa ngayon, ginagawa ko to dahil ninenerbiyos ako. Wala na kong energy at sa tingin ko malapit na kong sumabog. Kumpleto na yung step one. Tinext na ko ni Zachary kanina para sabihin saken na kinuha na ng mga kaibigan ni Pablo sa prisinto yung kotse ni Mab. Sa totoo lang, madali lang yung part na yun pero yung sa susunod, mas kailangan ko ng maraming effort.

Agad akong lumiko sa isang street na di ako pamilyar. Kahit saang street naman kase ako pumunta, pareho lang ang patutunguan nito. Nanatili ako sa sidewalk kase yung musika na tumutugtog sa tenga ko ay bumabalakid saken na makarinig pa ko ng ibang tunog at dahil dun, mas nakakapag-isip ako ng mabuti.

Kailangan kong ipakita kay Mabel na seryoso ako. Madali lang mahulog sa isang tao. Sa totoo lang, wala kang masyadong gagawin para mangyari to pero kapag nagmahal ka na, dun na parang lumalabo ang lahat. Kung akala ni Mab na hindi ko sya kilala kaya wala akong karapatang makaramdam ng mga ganito, dapat ko sigurong kumbinsihin syang ipakita saken na nagkakamali ako. Gusto kong malaman ang lahat. Kahit yung mga bagay na natatakot syang ipaalam saken.

Patuloy pa ring tumatakbo yung mga paa ko sa sidewalk habang umiikot ako sa buong campus. Nakakita ako ng isang van na sobrang bilis ng takbo papunta saken. Binagalan ko yung pagtakbo ko kaya nagja-jog na ko ngayon. Tumigil yung van sa gitna ng kalsada. Bago pa ko makapag-react, may mga lalaking lumabas sa van na may mga suot na masks.

"Tangina, ano meron?" Nagulat ako nung papunta na sila sa direksyon ko. Pagkatapos ng ilang minutong pagpupumiglas ko, naglagay sila ng supot sa ulo ko at pinasok ako sa van. Eto na siguro ang kamatayan ko. Hindi ko akalaing mangyayari to.

Nakakagulat yung katahimikan sa loob ng van. Nakaramdam ako ng mga kamay na humahawak saken ng biglang may lubid na pumulupot saken na nakapagpatigil sa mga galaw ko. Eto na yung punto na dapat lalaban ako diba? Sumipa ako at tumama yun sa isang malambot na bagay. Ilang ungol ang narinig ko kaya mas sumipa pa ko ng malakas at bigla akong nakaramdam ng kuryente sa batok ko.

"Wag ka ng lumaban." Sabi ng isang boses. "Mas mapapasama ka lang, pretty boy."

Pumasok sa utak ko lahat ng napanood kong pelikulang suspense. Hindi mo dapat sila hahayaan na ipunta ka sa next location. Kase dun ka na mamamatay. Nag-panic ako ng biglang huminto yung van. Hindi kame masyadong lumayo kaya baka malapit lang kame sa campus. Sumigaw kaya ako? Ok lang sigurong magpakaduwag ngayon basta makawala lang ako.

Sinubukan kong alamin kung sino ang may pakana nito. Siguro si Pablo. Siguro napikon ko sya? Nalaman nya sigurong napa-iyak ko si Mab kaya naghihiganti sya saken.

Hindi, di sya ganun. Sigurado akong sya mismo ang papatay saken kung nagkataon at sya yung klase ng lalaking kayang magpakita ng mukha habang pinapanood akong nagmamaka-awa.

Andyan rin naman si Scott. Naging masama sya kay Mab at hindi nya to minahal ng tama. Isipin mo na lang kung anong kaya nyang gawin sa isang taong ayaw niya.

Nung nasa punto na ko na magmamaka-awa ako para sa buhay ko, bigla namang nagbukas ang pinto at tinulak nila ko pa-abante. Pagewang-gewang ako sa nilalakaran ko habang tinutulak ako nung taong may hawak saking mga kamay.

"Hindi mo kailangang gawin to." sabi ko. "May pera ako. Kaya ko kayong bigyan ng pera kung yun ang gusto nyo."

May tumawa na isa at yun din yung nagsalita kanina. "Hindi namen kailangan ng pera mo."

Wala nang nagsalita pa. Pumasok kame sa isang gusali at alam kong malaki yun kase dahil sa echo ng mga footsteps namen na maririnig mo sa buong kwarto. Tinulak ako nung taong may hawak saken at napaluhod ako. May humawak sa balikat ko ng mahigpit kaya naman nanatili ako sa pwesto ko.

Fix Me Will YaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon