On Fire

135 4 0
                                    

Mabel

Dahil sa ulan na pumapatak kaya natigil yung make-out session namen sa may malapit sa ring. Tumawa ako habang sinusubukan kong protektahan na hindi mabasa yung natitira kong buhok na di pa nababasa habang pagewang-gewang kaming pumunta sa sasakyan nya. Binigay nya saken yung susi at tumigil sya sa may bleachers para kunin nya yung bag nya at isang nakatagong basket. Inabot ko yung sasakyan at binuksan na yung pinto. Piniga ko muna yung basa kong buhok bago sumakay sa kotse nya.

Sumakay sya sa driver's seat pagkatapos nyang ilagay sa braso nya yung bag nya at ilagay sa likod yung misteryosong basket.

Tinuro ko yung basket habang nakangiti. "Ano yun, Jacob?"

Nagblush sya ng konti at ang adorable nun. "Well, isa yan sa mga payo na binigay saken ni Ow. Sabi nya walang babae daw ang makaka-ayaw sa isang picnic. Ang corny, diba?"

Hinawakan ko yung kabilaang gilid ng mukha nya at hinalikan ko sya ng mariin. "No. Hindi naman corny. Sa tingin ko ang romantic nga e."

Hinila ni Jacob yung ignition habang nakangisi. "Well, ang swerte mo babe. Magkakaron tayo mamaya ng super romantic picnic sa kama."

Halos mapangiti na ko ng sobra nung hinawakan nya yung kamay ko. Tahimik lang kame hanggang sa makarating kame sa apartment. Pagkatapos ng aminan namen, maganda nga yata ang saglit na katahimikan. Gusto ko yung pagiging totoo ko kay Jacob tungkol sa nararamdaman ko. Gusto ko rin na ganun din sya saken. Hindi kase madali sa isang tao na sabihin sa isang taong gusto nya na may mahal pa syang iba pero sinabi nya pa din. Hindi nya itinago yung malalim na detalye na yun saken kahit mahirap mang sabihin yun. Nagiging mas malapit na kame sa isa't isa at yun yung level ng comfort na inaasam ko. Hinihiling ko lang na sana masabi ko na sa kanya yung 3 little words na nakastuck sa lalamunan ko. Kailangan kong ayusin yun.

Nung nakarating na kame sa apartment complex, nakita ko na nakabukas yung ilaw ng apartment namen kaya paniguradong andun na si Zachary. Humarap ako kay Jacob.

"Dun na lang tayo sa apartment mo?" Tinignan ko yung napunit at basa ko nang damit. "Kailangan ko ng shower at kailangan ko magpalit ng damit."

Naglean sya at hinalikan nya yung noo ko. "Meron akong damit na pwede mong isuot." Ngumisi ulit sya. "Kung ok lang sayo na sumabay sa pag-shower ko. Nawawala kase agad yung mainit na tubig."

Namasa ako dahil sa sinabi nya pero tumango na lang ako. Tinignan nya ko habang bumababa kame sa kotse at nagpatuloy sa hagdanan. Parang ang bigat ng hakbang ko sa bawat steps. Hindi man to ang first time na makikipag-sex ako pero alam kong importante ang isang to. Alam kong nagkamali ako nung una dahil nagmadali ako kay Jacob pero sa ngayon, pakiramdam ko kaya ko na.

Pumasok kame sa apartment at binuksan nya yung ilaw. Tinignan ko yung magulo kong damit at maputik na paa. Mukha siguro akong ewan. Hindi siguro yun yung tingin nya saken dahil tinitignan nya ko na parang gusto nyang tanggalin yung dress ko gamit ngipin nya.

Dahan-dahan nya nilapag yung bag nya sa sahig at kinuha nya ulit yung kamay ko. Inalalayan nya ko papunta sa maliit na cr sa dulo ng hall. Tumigil sya para kumuha ng mga twalya sa linen closet at nilagay yun sa may lababo.

Maya maya pa at magkaharap na kaming dalawa. Wala kang maririnig na ingay kundi ang mga paghinga lang namen. Nauna akong gumalaw. Inabot ng kamay ko yung dulo ng shirt nya at hinubad ko yun. Nalaglag yun sa ceramic tile at halos magulat ako. Lumapit sya saken at hinaplos nya yung mga braso ko.

"Sigurado ka ba dito?"

Tumango ako.

Hinalikan nya yung isa kong collarbone at sa kabila naman, bago nya halikan yung leeg ko. Nagsalita sya sa ibaba ng tenga ko. "Gusto kong makita lahat ng sayo. Hubarin mo yung dress mo."

Fix Me Will YaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon