Fixed

371 6 0
                                    


Mabel

Pagkatapos ng anim na linggo....

Halos isang oras na kong nakatayo dito at ni isa wala pa akong sinasabi. Bago ako pumunta may speech na kong hinanda. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat. Lahat ng mga ginawa nya saken na nakapagparamdam saken na parang hindi ako isang tao. Gusto kong sabihin sa kanya lahat ng mga ginawa nya na nakasakit ng damdamin ko. Anim na linggo na ang nakalipas simula nung namatay si Scott at ngayon lang ako nakadalaw sa puntod nya. Yung braso ko na halos mawasak ng dahil sa aksidente ay gumagaling na ng maayos at yung nabali kong ribs pati yung iba pang fractures ay mga pasa na lang. Hindi na katulad ng dati na sobrang sakit na halos gusto ko ng mamatay.

Hinawakan ko yung malamig na granite ng puntod nya at sa di ko malamang dahilan, nagsimula akong ma-iyak. Hindi naman kase ako heartless. Sa lahat ba naman kase ng pwede nyang maging parusa ng dahil sa mga ginawa nya, ang kamatayan ang hindi nya deserve. Sa tingin ko, sinadya nya yun para makatakas sa mga ginawa nya. Hindi na nya kailangan pang mag-alala na baka eto na yung araw na mahuhuli na sya. Hindi na nya kailangan mag-alala na baka malaman na ng lahat yung tunay na pagkatao nya. Dahil alam nya na ako lang naman ang makakatapos sa lahat ng to.

"Sana alam mo kung gaano kita minahal. Alam kong para akong baliw para sabihin to sayo pero may panahon na ikaw ang naging mundo ko. Akala ko kase na kapag ginawa ko ang gusto mo makikita mo kung gaano ako ka-dedicated sa pagmamahal ko sayo. Akala ko makikita mo kung gaano ako ka-willing na gawin ang lahat para mapasaya ka lang." Nagpakawala ako ng bitter laugh at niluhod ko yung isang tuhod ko. "Siguro mukha akong desperado nung mga panahon na yun." Hinulog ko yung bouquet ng flowers at tumayo na ulit ng tuwid.

"Kung nabuhay ka, pupunta naman talaga ako sa mga pulis e. Sa tingin ko alam mo yun. Hindi naman sa gusto kong bayaran mo yung mga ginawa mo saken pero gusto ko kase na hindi mo na magagawa yun sa iba."

May malamig na hangin ang humampas saken at tinaas ko na yung hood ng jacket ko. Inabot ko yung bulsa ko at kinuha ko yung bracelet na nagtatago ng mga scars ko.

"May parte sa pagkatao ko na humihiling na sana ako lang. Ako na lang sana yung nag-iisang tao na ginawan mo ng ganun kasamang mga bagay o ginawa mo ba yun dahil mahal mo ko?" Tumawa ako. "Well, kung yun pala ang pagmamahal para sayo, ni isang parte ayokong maramdaman yun."

Nag-vibrate yung phone ko sa bulsa ng jacket ko at alam ko kung sino yun. Kailangan ko na kaseng umalis para pumunta sa flight ko pabalik ng Manila at halos kalahating oras na lang ang natitira bago yun magsimulang lumipad. Sa wakas, ready na kong bumalik sa campus at sobrang miss na miss ko na rin kase yung bf ko. Pagkatapos kong i-silent yung phone ko, pinagsama ko yung dalawang kamay ko at patuloy akong tumitig sa puntod ni Scott.

Sana nagkaron ako ng lakas na sabihin sa kanya lahat ng to nung nabubuhay pa sya. Ang nakakatawa lang dun, paniguradong babaligtarin nya na ako yung may kasalanan kung bakit nangyayari to dahil sobra syang manipulative na tao. Hindi na nya magagawa yun ngayon.

"Ang daming bagay ang naging magulo at ako lang naman ang nakapagsimula nun. Sana hindi na lang ako pumayag na makipag-date sayo nung gabing yun pagkatapos ng basketball game mo. Sana hindi na lang ako sobrang na-excite nung tinanong mo ko kung pwede mo ba kong maging gf at sana nakapag-hindi ako nung nag-suggest ka saken na ipapagamit mo ko sa ibang mga lalaki." Kinuyom ko yung mga palad ko sa gilid ko. "Dapat sayo lang ako. Dapat pinoprotektahan mo ko. Hindi yung tinrato mo ko na parang pokpok na pwede mo lang itapon-tapon. Hindi yun pagmamahal, Scott. Siguro sobrang mahabang panahon bago ko marealize yun pero may nakilala na ko na kayang ipaalala saken araw-araw kung ano ang tunay na pagmamahal."

Fix Me Will YaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon