Regret

149 2 0
                                    

Mabel

Hindi naka-lock yung phone ni Scott. Kung iisipin ko di na ko magugulat dun. Never naman sya nagkaron ng problema sa pagshashare ng mga bagay bagay sa ibang tao. Nakahiga lang ako at nakatitig sa blankong screen ng halos isang oras na. Siguro tinignan ni Jacob yung mga videos kase alam nyang nandito lahat ng mga videos na sinave ni Scott pero hindi nya alam na meron naman talaga akong proof para maipakulong ko si Scott simula pa lang nung una.

Nagslide yung daliri ko sa screen at lumabas agad yung display. May iilan syang missed calls at konting hindi pa nababasa na messages. Tinignan ko yun saglit at wala ni isa sa mga yun ay babae. Hindi ko maisip na may makakatiis sa ugali nya o saken lang talaga sya ganun?

Tinignan ko yung mga photos nya at tumigil ako dun sa mga picture naming dalawa. Hindi yung mga nakahubad at malaswa, kundi yung mga normal pictures namen. Hindi pa pala nya to binura. Hindi naman kame puro kahalayan at kabaliwan. Sa totoo lang, mas maraming times pa na regular couple lang kame. Ang gusto ko lang naman ay yung maging kuntento na sya dun. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan nyang gawin yun. Bakit hindi na lang sya makipag-sex sakin ng normal?

May mahinang katok akong narinig kaya naman napatigil ako sa pagtingin at tinago yung phone sa ilalim ng unan ko habang nagbubukas ng dahan dahan yung pinto. Sumilip si kuya Pablo sa pinto.

"Busy ka?"

Mabilis akong umupo at umiling. "Hindi, hindi naman."

Naglean sya sa doorway ko at nilagay yung mga braso nya sa tig-isang gilid nung pinto. "Kailangan ko nang umalis."

"Sabi ko na nga ba."

Tinignan nya ko ng masama. "Yeah, pero hindi ko alam kung dapat ba."

Bumaba ako sa kama at lumapit ako sa kanya. "Kuya Pablo, ok lang ako." Tinulak ko sya ng pabiro sa dibdib pero ni hindi man lang sya napagalaw. "Seryoso ako, alam kong meron ka pang mga kagaguhan na kailangan ayusin sa bahay natin."

Tumawa sya at dinrum yung mga daliri nya sa dingding. "Hindi naman kase ako pwede bumalik dun at magtrabaho kasama si papa. Hindi na kame nagkikita nitong mga araw na to e." Tumawa ulit sya. "Di ko nga alam kung magkikita pa kame."

"Sigurado akong may magbabago ngayong nakabalik ka na." Binigyan ko sya ng pag-asa pero di rin ako ganun kasigurado. Nung nawala kase si Kuya Pablo parang gumuho na halos lahat. Sya kase yung bumubuo saken through the years na magkasama kame. Nakasanayan ko na kase na mayroon akong kuya na lagi kong maaasahan sa buong buhay ko. Hindi lang si Kuya Pablo ang nawala saken nung araw na yun kundi pati ang sarili ko.

Lagi syang sinisisi ni papa ng dahil dun. Para sa kanya kase masyadong padalos dalos si Kuya Pablo at ang inaalala nya lang ay yung image na ginawa ni Kuya Pablo sa pamilya namen. Hindi nya inisip yung rason kung bat nito nagawa yun.

"Tignan natin." sabi nya at may pagdududa pa rin na bumabakas sa mukha nya. Binaba nya yung mga braso nya at nagcross ng arms sa dibdib nya. "Paano si Jacob? Hahayaan mo na lang bang magsuffer yung lalaking yun?"

Nalukot yung mukha ko sa mga salitang binitawan nya. "Hindi ko iniisip na magsusuffer si Jacob kung wala ako." Nilagpasan ko sya. "Pabor yun para sa kanya."

Agad rin akong naabutan ni Kuya Pablo nung papunta na sana ako sa living room. Hindi uuwi si Zachary sa mga susunod na gabi kaya naman mas magkakaron ng oras si kuya Pablo na tanungin ako ng mga milyong tanong na ayaw kong sagutin.

"Aaminin ko," sabi nya at umupo sa may upuan. "Nung nakita ko syang nakahiga dun sa hallway hindi ako sigurado kung magugustuhan ko ba yung batang yun. Para kaseng sobra naman syang broken sayo." Naglean sya paabante at nilagay yung siko nya sa tuhod nya. Umupo ako sa upuang katapat nya. "Pero pagkatapos ko syang makausap ng konti, nakita ko kung bakit nya nagagawa yun."

Fix Me Will YaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon