She's His Reason

204 3 0
                                    

Jacob

Buong linggo kong hinahatid si Mabel sa school tuwing umaga. Kahit na wala na kaming mga moments na katulad nung nangyari sa apartment, masaya parin akong nakakasama ko sya. Di ako excited sa pag-uwi ko ngayon samen. Mas nauna ko pa kaseng I-promise kay dad na tutulungan ko sya sa bago nyang project kesa sa pagpapangako ko sa sarili ko na, di nako madidistract sa babae. Di naman talaga.

Naglakad lakad muna si Dad dun sa property bago sya ngumiti saken. "Pwede na to."

Nakisingit sa harapan namen si Matthew Martin habang nakalagay yung mga kamay nya sa bewang nya. Tinignan ng matatalim na hazel eyes nya yung mga slopes at adjacent lodge. Sa buong umaga, nakatayo lang kame sa iisang lugar. Yung dad ko kase yung nagdesign ng lahat ng building sa resort ng mga magulang ni Elizabeth at kung kailan ako umuwi, dun pa sila nagplano tungkol sa bagong idadagdag sa resort.

Tinignan ni Owen yung phone nya, nasa tabi ko sya. "Dad, pwede bang bilisan mo?" Sabi nya, halata sa mukha nya yung pagkainip pero hindi nya inalis yung tingin nya sa screen. "Magsisimula na yung laro in 20 minutes."

Umirap si Matthew. "Owen, sa tingin mo ba, minamadali ang mga ganitong bagay?" Sa wakas, inalis din ni Owen yung mukha nya sa phone nya na mayroong pagkayamot na itsura kaya naman mas napasimangot si Matthew sa kanya. "Kung seryoso ka talagang makapasok sa business na to, kailangan mong magfocus."

"Hindi naman yun ganun kahirap, dad." Nilagay na nya yung phone nya sa bulsa nya habang naglalakad sa harap namen. Tinuro nya yung lodge. "May building dun." Sabi nya habang kinakawayan yun. Tapos umurong sya tsaka tinuro yung kinatatayuan nya. "At eto, ang isa pang pwedeng pagtayuan ng building. Anong mahirap dun?"

Pinisil ni Matthew yung ilong nya at bumuntong hininga. "Hindi ganun kadali yun. Kailangan mo ifactor lahat ng logistics. Hindi ka pwedeng magtayo nalang bigla ng building kahit saan mo lang gusto."

Nakipagtitigan ako sa dad ko bago lumayo sakanila. Pinagpatuloy nila yung pagtatalo nila habang gumigilid kame. Hinawakan ko yung batok ko. "Ganto ba sila lagi?"

"Oo, sobra." Parang nagalala yung dad ko ng saglit bago sya magsalita ulit. "Mukhang hindi naman talaga interesado si Owen dito. Bagong lupa kase nila to."

Napangiti ako. Alam ko kung bakit ginagawa nya to. Nagbalik na kase yung ex-gf nya na si Chloe at gusto nyang patunayan na nagbago na sya since the past 5 years. Sa tingin ko di pa rin sya nagtatagumpay.

"Para naman kay Ow, lahat ng lupa nila bago e." Sabi ko sabay tawa.

Tinapik nya yung braso ko bago nya ibaba yung sunglasses na nasa taas ng ulo nya. Dahil September ngayon, medyo mainit dito sa Ilocos. Naglakad kame ng konti paakyat sa cobblestone na sidewalk papuntang lodge.

"So, bibisita kame ng mama mo para sa homecoming in a few weeks." Sabi nya.

Nilagay ko yung kamay ko sa bulsa ko at di ko sya tinitignan. Nagkibit-balikat ako. "Really? Di naman big deal yun. Kung busy ka..."

"Nonsense." Sumabat sya saken. "Hindi namen yun papalagpasin."

Nagsimula ng magpawis yung batok ko at hindi yun dahil sa init ng araw. Kase naman, baka magmascot ako sa homecoming at magmukha pa kong gago sa paningin nila bago yung big game namen. Magproprotesta pa sana ako nang bigla kong makita si Elizabeth na palakad papunta samen. Napatigil ako.

Binangga ni dad yung braso ko at naglean para bumulong. "Naaamoy nya yung fear mo, son." pang-aasar nya.

Pinanliitan ko sya ng mata pero konti lang. "Nakakatawa, grabe."

"Nagbibiro lang ako." Tinulak nya ko paabante. "Kausapin mo na sya. Kailangan ko ng bumalik before Matthew murders her brother."

Tinanguan ko sya ng konti at naglakad na rin papunta sa kanya.

Fix Me Will YaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon