Plans

128 3 0
                                    

Jacob

Naaalala ko pa yung unang beses na sinabihan ko si Elizabeth na mahal ko sya. Nakaupo kame sa baba ng bahay nila sa may basement habang nanonood ng movie. Kapag sinara ko yung mga mata ko, naaamoy ko pa rin yung pabango nya nun at yung lasa ng lip gloss na gamit nya. Madali lang nun. Tinignan ko lang sya at sinabi ko. Hindi ko na pinag-isipan pa yun at di ko na tinanong sa sarili ko kung sasabihin rin ba nyang mahal nya ko. Alam ko kase sa sarili ko na, oo.

At sinabi nya ring mahal nya ko.

Hindi ganun yung nararamdaman ko kay Mab. Sobrang gusto kong sabihin sa kanya yun last night pero di ko kaya. Ang nakikita ko lang kase ay yung baka ireject nya ko. Pakiramdam ko di lang sya makakatingin saken habang pinupunit nya yung huling parte ng puso ko. Kaya hinayaan ko syang maglakad palayo.

Nanaman.

Siguro kung ibang lalake lang ako, nagsinungaling na ko. Hindi ko naman kailangang sabihin sa kanya kung ano talaga ang nangyari nung umuwi ako pero pakiramdam ko kase, deserve nyang malaman yung katotohanan. Para kasing mali para saken ang magtago ng kahit na ano sa kanya pero ngayon nagdudusa na ko ng dahil sa pagiging honest ko. Tangina lang, diba?

Dala-dala ko pa rin yung pagkastress ko nung naglakad ako papuntang locker room kung saan ako nabanned last week. Di ko pa kinakausap si Paavo o kahit na sino sa team ko simula nung gabi ng homecoming. Binalewala ko yung pagmascot ng eagle costume at wala naman akong narinig mula sa kanila.

Si Paavo ang unang taong nakita ko nung nilapag ko yung bag ko sa tabi ng locker. Tumingin sya saken pero di sya nagsalita habang nagbibihis ako. Nakita ko syang papalapit saken sa gilid ng mga mata ko.

"Galit ka pa rin saken, player?"

Wala yung usual na pagkakwela nya habang nakatingin sya saken at napabuntonghininga ako.

"Hindi na."

Hinawakan nya yung balikat ko. "Sorry dun sa nangyari sa girl mo. Sa totoo lang hindi ko naman kase alam na ganun pala kasama yung sitwasyon nyong dalawa."

Nagkibit-balikat ako. "Ok lang."

"Tangina, hindi." Sabi nya ng biglaan. Tinaasan ko sya ng kilay pero nagpatuloy pa rin sya. "Marami man akong kagaguhan na nagawa sayo pero alam ko namang mabait kang tao, bro. Deserve mong maging masaya kung yun ang gusto mo." Tumingin ako sa kanya at ngumiti sya. "Hey, wala ako sa pwesto para husgahan ka. Kung gusto mong makipagrelasyon, desisyon mo yun. Hindi lang talaga ako naniniwala sa ganyan."

Tumawa ako habang inaalis ko yung jersey ko sa ulo ko. "Salamat, bro. Na-appreciate ko."

Nakaupo si Hayden sa may likod ko habang sinasalit-salit yung bola sa mga kamay nya. "So, anong nangyari nung umuwi ka sa inyo nung
weekends?"

Humarap ako sa kanya at naglean ako sa may locker ko. "Nakipagbonding ako kay Ow. Nakipag-usap sa mga magulang ko. Mga normal na bagay."

Umirap sya, "Okay, tough guy." Sinalubong nya yung mga mata ko at napalunok ako. Ayoko na kasing ikwento sa mga lalaking to yung epic weekend ko.

Naghalukipkip ako. "Oo na, hindi naging ganun kaganda pero may mabuti naman akong nagawa."

"Kanino?" Tanong ni Paavo.

"Kay Elizabeth, siguro."

Nagkatinginan si Paavo at Hayden. "Niloloko mo ba ko?" Lumapit sya saken at nilagay yung mga kamay nya sa balikat ko. "Mukhang ilang beses kang natamaan sa ulo mo, playboy. Kailangan mo nang isipin sarili mo."

Sinubukan kong itawa na lang yun pero hinawakan nya pa rin ako. "Seryoso ako. Hinahayaan mong lakaran ka lang ng mga babaeng to. Oras na para gumawa ka ng mga bagay na talagang ikakasaya mo."

Fix Me Will YaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon