Taking the risk

183 4 0
                                    

Mabel

Hindi ko maintindihan sarili ko ngayong araw na to. Kaninang umaga habang nasa 3 hour lecture ako, binura ko lahat ng pwedeng magpa-alala saken ng tungkol kay Jacob. Ngayon, hinahalikan na nya ko ng parang wala nang bukas.

Nag-entertwine yung mga daliri nya sa daliri ko at nilagay yung kamay ko sa taas ng ulo ko as he presses me  into the wall. Sa kung paano nya ko halikan, halata namang beterano na sya pagdating dun. Hindi ako makaisip ng isang magandang rason para patigilin ko sya. Nung nilapit ko yung waist nya saken, binrush nya yung hardness nya saken na nasa loob ng jeans nya. Kapag hindi tumigil yung isa samen sa panghahalik, matatapos namin to sa loob ng kwarto.

Nauna nang tumigil si Jacob. Hinawakan nya yung baba ng labi ko gamit thumb nya at napangisi sya. "Yun yung kauna-unahang surprise mo na na-enjoy ko."

"Kaya ko naman maging mabait minsan." Yung boses ko parang naghahabol ng hininga at di ko inaasahan yun. Di ko rin naman sya masisisi kase parang kinuha nya na lahat ng air ko.

"Isang bagay lang ang kailangan nating gawin."

"Ano yun?"

Hinarap ko yung ulo ko sa kanya at naglean sya para halikan ulit ako. "Kailangan mo kong tulungan mag-aral."

Kinagat nya yung labi ko bago sya lumayo saken at naglakad patungo sa couch. Inayos ko yung buhok ko, gamit kamay ko na parang naguguluhan. Umiling ako.

"Seryoso ka ba dyan?"

Sinara nya yung labi nya. "Oo naman."

Pinanood ko sya habang binubuksan nya yung laptop nya na parang hindi kame nagkiss ng pinaka-amazing na naranasan ko.

Nilakasan ko loob ko at naglakad papunta sa kanya then tumabi ako sa kanya. "Sige, kung yan ang gusto mong gawin ngayon." Nagcross ako ng legs sa harap nya at inabot nya yung tuhod ko at pinisil yun. Di na nya ginalaw yung kamay nya habang nagsasalita sya.

"Hindi ko alam kung anong binabalak mo, babe, pero pumunta ako dito para mag-aral."

Naguguluhan na naman ako. "Meron akong aaminin sayo."

Nagsimula nang gumalaw yung kamay nya back and forth sa tuhod ko. "Kung ano man yan, pwede mo yang sabihin saken."

Huminga ako, "Di ko nagawa yung assignment."

Tumawa sya ng malakas at nang dahil dun nawala yung tensyon agad. "Tangna, babe. Ang galing mo talagang magpakaba." Nilapit nya ulit yung labi nya saken. "Wag kang mag-alala, ako naman ang magtuturo sayo ng maliliit na bagay ngayon."

Nagulat ako kase bigla akong napagiggle. Sobrang cute nya, though.

"Okay," sabi ko. Hinayaan kong dumikit ulit yung mga labi ko sa kanya. "Kukuha ako ng maiinom at hahayaan kitang maging teacher this time."

Nakita ko na medyo nalungkot sya nung tumayo na ko. "May nasabi ba kong mali?"

"Wala." Sabi nya agad. Ngumiti ulit sya saken pero parang pilit lang. "Everything is great."

Kahit di ko sya pinaniniwalaan, tumuloy parin ako sa kusina. Pagkatapos kong kumuha ng dalawang baso at punuin yun ng iced tea, bumalik na ko sa kanya. Pagkapasok ko sa kwarto, nakadikit yung cellphone nya sa tenga nya.

Mukha syang relaxed nung pinatay na nya yung tawag at inabot yung isang baso. "Nag-order ako ng pizza baka kase nagugutom ka na."

Uminom ako ng madami kase parang natuyuan na ko ng bibig. "Buti naman."

May ngiti sa mukha nya habang sinisimulan na nyang tignan yung problem sa assignment. Pinanood ko kung paano magsalubong yung dalawang kilay nya habang nagcoconcentrate sya. Gusto ko yung pagiging matalino nya, kahit na hindi yun halata kapag naka-usap mo lang sya. Parang napakahumble nya kahit di nya sinusubukan.

Fix Me Will YaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon