Everything's Ok

154 4 0
                                    


Jacob

Mukhang nalabag na yata ni Pablo lahat ng traffic law pero sa pagkakataong ito wala na kong pake. Ang tanging nakikita ko lang ay kung gaano kasira yung kotse ni Scott at kung gaano ko kailangang mapuntahan ng mabilis yung gf ko pero hindi pwede. Ang bilis ng mga pangyayari na halos di na yun maproseso ng utak ko.  7 hours nang nasa surgery si Mab. Sabi nga ng mga doctor na ang tanging nakapagpaligtas sa kanya ay yung seatbelt nya. Hindi rin sinwerte si Scott. Lumabas sya sa kotse dahil sa malakas na pagkakabangga at kanina pa sya nasa bingit ng kamatayan, simula pa lang nung dumating yung mga ambulansya sa lugar na pinangyarihan.

Hindi siguro maganda na iisipin kong deserve nyang mamatay. Tinorture nya yung gf ko ng maraming beses at nasisiyahan pa sya. Hindi deserve mabuhay ng taong katulad nya na ganoon kung paano mamuhay diba? Pero hindi ko kaya. Kanina pa ko napapatingin sa kabilang waiting room at sa kanyang pamilya. Kanina pa naglalakad-lakad yung tatay nya sa harapan ng operating room. Yung nanay nya naman ay nakaupo at may hawak na tissue habang tahimik na umiiyak.

Patuloy kong nginangatngat yung kuko ko sa hinalalaki at binabounce ko yung paa ko sa sahig habang hinihintay kong makabalik si Pablo. Nakokonsensya sya. Sinisisi nya yung sarili nya na kinumbinse nya yung gf ko na makipagkita sa lalaking yun. Hindi nya naisip na malakas si Mab. Hindi susuko basta basta ang gf ko at babalik sya samen. Alam kong magagawa nya yun. Kailangan kong paniwalaaan yun.

At kung mawawala sya, hindi lang ako mawawalan ng taong mahal ko, hindi rin ako makakatulog sa gabi dahil sa kakaisip na hindi ko pa nasasabi sa kanya na mahal ko sya. Lagi kong maaalala na masyado akong naging duwag kaya hindi ko nasabi sa kanya at hindi ko matatanggap yun.

Narinig ko yung mga yapak ng boots ni Pablo sa sahig dahil nage-echo yun sa tahimik na kwarto. Tumango ako sa kanya.

"Anong balita?"

Lumaki yung butas ng ilong nya habang umiiling at tumabi saken. "Tapos na yung surgery nya pero di pa rin sya nagigising. Nasa kwarto nya ngayon yung mga magulang namen."

Naglean ako pa-abante at nilapag ko yung siko ko sa mga tuhod ko. Nagpakawala ako ng hininga. "Magandang balita yun diba? Magiging ok na sya."

Nanigas yung jaw ni Pablo pero hindi na sya nagsalita. Kanina nya pa tinitignan yung tatay ni Scott. "Bakit hindi nya alam kung gaano ka-halimaw yung taong pinalaki nya? Kahit na anong mangyari, si Scott pa rin ang hero. Kapag nabuhay sya, magpapatuloy sya sa UST at mananatiling golden boy. Paniguradong magiging professional din sya. Kapag namatay naman sya, magiging isa namang tragedy. Iisipin ng lahat na maagang namatay ang isang beloved basketball star." Tumawa sya bitterly. "Puro kagaguhan lang ang lahat e."

"Wala tayong karapatan para magdesisyon sa kung anong magiging kaparusahan ni Scott sa mga nagawa nya." Tumingin muna ako sa nanay nito bago maglean kay Pablo. "Kahit gaano pa sya kahalimaw."

Naglean din sa upuan nya si Pablo at umungol. "Dapat ako na lang ang gumawa ng paraan."

"Tama na, bro. Wag mo nang sisihin yung sarili mo sa nangyari. Hindi naman natin alam na ganito yung mangyayari."

Umabante sya papunta saken at lumalabas na yung ugat sa leeg nya. "Tangina, alam ko." Dahil sa sigaw nya kaya nagtaasan yung kilay ng ibang taong nandoon kaya naman binabaan nya yung boses nya at pagalit na bumulong. "Alam ko, Jacob. Alam kong hindi hahayaan ng lalaking yun na mawala sa kanya yung kapatid ko."

Hindi napansin ni Pablo na mukhang natupad na yung kahilingan nya. Lumabas yung doctor at pinalapit nya yung magulang ni Scott. Kahit hindi ko marinig kung ano yung sinasabi nya, makikita mo naman sa reaksyon ng mga magulang kung ano yung sinabi ng doctor.

Ilang oras na ang nakakalipas at di pa rin ako pinapayagan na makita sya. Tumatayo si Pablo at aalis pero lagi naman syang bumabalik. Kanina pa wala yung magulang ni Scott at napapaisip ako kung alam na rin ba ng gf ko. Iniisip ko kung maawa ba sya sa ex nya o baka sisihin nya yung sarili nya sa pagkamatay nito. Lagi nya kaseng binibigyan ng atensyon yung ex nya kahit di naman deserve ng lalaking yun.

Fix Me Will YaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon