Without Her

1.5K 13 4
                                    


Jacob 

Nakakapanibago maglakad sa basketball court ngayon. Nagpromise ako sa sarili ko na di na ko magpapadistract this time. Di ko na hahayaan na yung mga problema ko sa house, is makaapekto sa pagkamit ko ng mga dreams ko. Di na ko pagmamayari ni Elizabeth Martin. Malaya na ko. 

Yan yung paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko. 

As I walk, nakita ko, na yung ibang girls na nakaupo sa bleachers, nakatingin saken while they're enjoying the sun na hatid parin ng last days of summer. Ngumiti ako sakanila habang papalapit sa bleachers, kung nasaan yung iba kong teammates nakagather. Kahit marami akong absences last year, nagkaroon naman ako ng mga mabubuting kaibigan. Kasama na dun yung bestfriend ko since grade school na si Hayden Pace, feeling ko, this will be a decent year for me. 

Tinanguan ako ni Hayden habang binababa ko yung mga equipments ko sa paanan ko, "Uy, nandito ka na pala, welcome back." Tumingin sya sa relo nya, mockingly. "Wow, 20 minutes ka lang na late." 

Tumawa nalang ako, "Sabi ko naman sayo diba? pupunta ako after ng class ko. Kailangan ko talagang pataasin grades ko this semester para may chance pa kong istay ang scholarship ko." 

Hayden makes fun of me habang binubrush nya yung fingers nya sa platinum blonde hair nya, "Pwede ba, Jacob? Alam nating pareho na di mo kailangan ng scholarship. Tawagan mo lang papa mo and humingi ka lang ng advance sa allowance mo e." 

Tinulak ko sya ng konti, "Bahala ka nga dyan, gago. Kailangan ko pataasin grades ko para magstay ako sa program na to. Papatayin ako ni papa kapag di ako umuwing architect samen." 

"Oo na, oo na." Sermon nya. "Ang kailangan mo lang gawin ay lumayo kay Eliza..." 

Tinakpan ko yung bibig nya, roughly, gamit kamay ko. "Wag na wag mong babanggitin name nya. Masama yan sa pagmomove on ko." Umatras ako at binitawan ko na sya and tumawa sya ng malakas.

Nagkunyari syang umiiyak, "Oh, man, sinasabi mo bang kailangan mo ng rehab para lang makamoveon ka sa babae na yun?" 

Tumango ako, "Well, kailangan ko nang humiwalay sa bisyo ko or else habang buhay lang na nakatali fingers ko sa kanya." 

"More like, nakatali sa bayag mo." 

Sasapakin ko na sana sya, ng biglang lumabas si Coach Lee sa likod ng bleachers. Kailangan ko magpakabait this year para pagkatiwalaan nya ulit ako. Swerte na nga ako kase pinayagan nya pa ko maglaro even though nagkainjury ako last semester. If magtatapat ulit kame ni Henry, di na ko magpapatalo sa kanya. Hindi naman ako maiinjured kung lumaban lang ako e. 

"Get in your lines, everyone!" Tinuro nya ko habang nakaserious face sya. "Kumilos ka na, magsisimula ka sa biyernes ng gabi." 

Napangiti ako ng malaki at siniko ako ni Hayden, sabay kameng nagjojog sa basketball court. "Sabi sayo, ok lang yun kay coach." 

"Hindi ko alam kung bakit binibigyan nya pa ko ng chance, pero promise, di ko sasayangin to." 

----------------

Brutal parin ang practice namen, as usual. Pagkatapos kong magshower, naglakad na ko sa campus papunta sa sasakyan ko. Nakasabit yung bag ko sa shoulder ko at feeling ko 100 pounds to ngayon dahil sobrang sakit ng mga muscles ko. 

May grupo ng mga babae, na makakasalubong ko sa parking lot and they are wearing tiny shorts. 

"Jacob," bulong nung isang blonde. Pinupulupot nya yung fingers nya sa isang strand ng buhok nya habang tinitingnan ako ng malagkit. "Masaya akong makita ka. Namiss ka namen nung summer." 

Fix Me Will YaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon