Mysteries

355 6 0
                                    


Mabel

Tumatayo yung ends ng hair ko sa neck ko because of the cold wind na umiikot sa campus. Siguro yun yung reason or its the fact na eto yung araw na gusto kong kalimutan na lang. Dapat nagstay nalang ako sa kama, pero eto ako, nakaupo sa may puno at naghahanap ng inspiration. Nakapatong yung sketchpad ko sa tuhod ko at wala nanamang laman, as usual.

I gave a long sigh, hinulog ko yung pen ko sa paper at kinuha ko yung phone ko sa bag ko. Napamura na lang ako sa sarili ko nang makita ko yung name ni Jacob na nagflash sa screen ko. Binilisan ko na yung pagreply and paglagay ng gamit ko sa bag ko. Hindi ako makapaniwala na hinayaan kong mawala ako sa sarili at dahil dun nakalimutan ko yung tutoring session namen today. 

Halos tumakbo na ko and halos mabunggo ko na ang isang group ng students. Nung nakarating na ko sa hagdan, nakita ko na, in view yung pagmumukha nya. Nakasuot nanaman sya ng cap na nakabaliktad at nakasuot ng very fitted t-shirt. Nagfleflex ang biceps nya habang binebend nya yung arms nya to adjust his bag. Nung napatingin saken si Jacob, nagsmile sya at muntikan nakong magblush. 

Pinagpag ko yung temporary loss of sanity ko and I smile apologetically at him. "Sobrang sorry, di ko napansin yung oras." 

"Ok lang yun." Naglean sya palapit saken habang paakyat ako papunta sa kanya. "Hindi lahat ng tao kayang maging perfect all the time, Mabel."

Alam kong nagjojoke lang sya pero yung mga words nya, parang tumatak sa heart ko like a dull knife. Kung alam nya lang kung gaano katotoo yun. Hanggang sa makakaya ko, inisantabi ko muna yun with a smile. 

"Ginawa mo ba yung assignment?" tanong ko, habang pumapasok kame sa entrance ng library.

Hininaan ni Jacob ang voice nya habang pabalik kame sa isang empty table. "Ginawa ko. I was hoping na titignan mo, para malaman ko kung tama ginagawa ko."

''Sure." Nilapag ko sa floor yung bag ko, beside my chair, pagkatapos kong kunin yung laptop. Calculus is actually my favorite subject. Mahilig kase ako sa mga subjects na may definite answers na. 

Pinasa nya yung paper nya saken and kinuha ko yung pen ko. Tinignan ko yung paper nya ng mga seven minutes and after that napatingin ako sa kanya in confusion.

"Pwede ba kong magtanong?"

Ngumiti ulit sya habang nginangatngat yung dulo ng pen nya. "Kagagawa mo lang."

Umirap ako, "No, I mean, bakit kailangan mo ng tutor? Sa bawat sessions naten, wala kang hindi alam na question." 

Tumingin si Jacob sa baba for a moment, weakness flash into his eyes nung magkatitigan kame. "Actually, kailangan kita para gabayan ako, kailangan ko ng someone to keep me on track."

"Para di maalis attention mo?" 

Natawa sya. "Oo, parang ganun."

Kahit magkunyari syang masaya, nahahalata ko parin. May ayaw syang malaman ko. Nirerespeto ko yun kase ayaw ko rin naman magshare ng mga secrets ko.

"Ok." Kinalkal ko yung mga papers ko and may nilabas na panibago. "Pwede natin tong gawin ng sabay. Mas maganda na gawin mo na to kase alam kong may game ka pa this week."

Napangiti sya nung narinig nya yun. "Alam mo na may game ako?"

"Bat di ko malalaman? E taga dito rin naman ako sa school na to."

"Nagulat lang ako, di kase ikaw yung tipo ng babae na may pake sa nangyayari sa school."

Niliitan ko yung eyes ko ng konti. "Yan ka nanaman sa judgements mo."

Fix Me Will YaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon