Consequence

132 3 0
                                    

Mabel

Buong gabi ako naghahanap ng flights pauwi pero sa tuwing magbobook na ko, tumitigil ako. Alam kong kailangan kong makauwi sa sembreak. Ilang beses yung binanggit saken ni kuya Pablo bago sya umalis. Mahirap daw kase para sa kanya sa bahay pag wala ako. Ako kase ang laging umaawat sa kanilang dalawa ni papa.

Nagring yung phone ko sa nightstand at napairap na lang ako. Bwisit, wala talaga syang kapaguran.

"Ano bang gusto mo, Scott?" Sabi ko.

Tumawa sya at kasing smooth pa rin yun ng pinaluma na whiskey na iniinom nya. "Well, sinusubukan lang naman kitang tawagan ng halos isang tanginang linggo. Alam kong alam mong ako yung tumatawag."

"E bakit parang nagulat ka?"

"Gusto kong ibalik mo yung phone ko." Ungol nya.

Humiga ako sa may unan ko at bumuntong hininga. "Syempre, gusto mo."

Tumahimik muna sya ng ilang minuto at alam kong nagtitimpi lang sya. Sobra syang napipikon kapag nawawalan sya ng kontrol sa isang sitwasyon. Sa pagkakataong ito, ako ang magdedesisyon kung paano kame matatapos.

"Mabel, gusto kong ibalik mo sakin yung phone ko. Kailangan ko yan."

"Pano mo naisip na nasaken yun?"

Tumawa ako nung napaungol sya ng dahil sa pagka-inis. "Hindi ako tanga baby, natrack ko na yung GPS nya ngayon."

Parang tumalon yung puso ko at napatingin ako sa may bintana. Alam kong di nya ko nakikita pero yung fact na alam nya kung saan ako nakatira ay nakakabahala. Sinubukan kong di manginig yung boses ko.

"E bakit hindi ka na lang pumunta at kunin to kung alam mo kung nasan ako?"

Tumawa ulit sya. "Inuulit ko, gago hindi ako tanga. Alam kong andyan si Pablo." Tumahimik sya at nagsalita ulit. "Kamusta daw sa kulungan? Wala akong pagkakataon para itanong sya e."

Sinarado ko yung kamao ko habang sinasarado ko yung kurtina. Umupo ako sa gilid ng kama ko at yung buong katawan ko ay puno ng tension.

"Nasa bahay na sya ngayon. Sigurado akong gusto ka nyang kamustahin. Hindi naman ganun kalayo ang UST sa lugar natin."

May narinig akong paghiss sa labi nya. "Oh, pinagbabantaan mo ba ko? Alam mo namang gusto ko kapag nakikipaglaro ka saken baby pero isa tong laro kung san matatalo ka."

Napangiti ako at tumayo na sa kama ko. "Sigurado ka ba dyan, Scott? Mukhang nerbiyoso ka. Kung ako sayo magpapakabait na ko. "

Hindi ko na hinintay yung sasabihin nya bago ko alisin yung tawag. Nakikita ko na sya sa utak ko na handa nyang wasakin lahat ng haharang sa kanya dahil nakikita nyang di na ko naaapektuhan. I mean, syempre, naaapektuhan pa rin pala ako pero nakayanan ko kasing makipag-usap sa kanya na hindi ako bumibigay sa kanya. Mukhang bumubuti na ko.

Nakangiti pa rin ako habang naglalakad papunta sa living room. Nakasandal si Zachary sa may upuan habang yung laptop nya ay nasa tuhod nya. Mukha syang aligaga at sigurado akong may sinusubukan syang gawin na alam kong nahihirapan sya. Tumango sya saken nung umupo ako sa upuan na kaharap nya.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko at nilapit yung mga legs ko sa dibdib ko.

Naglean sya at nginatngat yung dulo ng ballpen nya. "Anong alam mo tungkol sa Philippine Revolution?"

Tumawa ako. "Konti lang. Art major ako diba?"

Kinuskos nya yung mata nya gamit yung mga kamay nyang nakabilog at umungol sya. "Napakatanga ko talaga para piliin ang Filipino History bilang subject ko." Sinarado nya yung laptop nya at tumunog yung wrist nya. "Kung hindi lang sana ako nagpakatanga ng matagal, e di hindi ko sana namiss yung mga deadlines. Hindi ko na gagawin ulit yung pagkakamaling yun."

Fix Me Will YaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon