Peacefully

135 2 0
                                    


Mabel

(Bold and italic words are from the past)

Ayoko sana sabihin kay kuya Pablo yung tungkol kay Scott. OA kase sya minsan at paniguradong papasok na naman sya sa isang gulo. Problema ko to at ako dapat ang aayos nito. Alam kong hindi naging maganda yung pag-uusap namen ng therapist ko tungkol sa mga ginawa naming dalawa ni Scott.

Sa totoo lang, hindi naman talaga ako takot sa kanya kahit sinasabi nang lahat na dapat matakot ako. Siguro dahil mas kilala ko sya kesa sa kanila. Kahit naman wala ako sa pag-iisip nun dahil pinapa-inom nya ko ng drugs, pinapanood ko pa rin lahat ng ginagawa nya. Hindi naman talaga sya yung in-control. Ako yun. Kailangan ko lang naman sabihin sa kanya na ayoko na at yun na yun. Umaarte lang sya na matapang sa mga kaibigan nya pero alam nyang yun na ang katapusan. Sinabi kong tapos na ko sa kanya at alam nyang hindi nya ko pwedeng pwersahin na ipagpatuloy pa yun.

Kaya nga nya inilabas yung mga videos. Sinubukan nya kong pabalikin sa kanya sa pamamagitan ng pagpapahiya saken sa buong campus. Nung kinompronta ko sya, sabi nya bumalik lang daw ako sa kanya at matatapos na ang lahat ng yun pero walang katotohanan yun.

Nanginginig ang mga kamay nung binitawan ko na yung steering wheel. Nagpark ako sa street ng frat ni Scott at hindi pa ko nagkakaron ng lakas ng loob para pumasok sa loob. Kumalat na sa buong campus yung porn videos ko at hindi ako pumasok sa kahit na anong class ko ngayong linggo. Hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa nya saken to. Nawalay si kuya saken ng dahil sa kanya at may gana pa syang gaguhin ako.

Pagkatingin ko sa lawn, nakita ko si Scott na nakatayo sa front porch. Naka-ball cap sya na halos natatakpan na yung mga mata nya at nakalagay yung mga kamay nya sa bulsa ng jeans nya. Kung hindi ako nagkakamali, mukha syang ninenerbiyos.

Dahan-dahan akong bumaba sa kotse at naglakad sa sidewalk para salubungin sya.

"Akala ko hindi ka pupunta." Sabi nya nung nakalapit na ko sa kanya.

Tumigil ako at nagcross ako ng arms. "Siguro dapat hindi na talaga ako pumunta pero gusto ko kaseng malaman."

Nanatiling tense yung jaw nya habang nagsasalita sya. "Malaman ang alin?"

Huminga ako kahit ang sikip sikip ng dibdib ko at hindi rin naman ako masyadong nakahinga. "Minahal mo ba talaga ako o isang laro lang ang lahat ng to para sayo?"

Marami akong nakitang emosyon sa mukha nya. Pagkagulat, galit, pagmamahal....tapos bigla syang ngumiti. Hindi yung warm at fuzzy na ngiti, yung kakaibang klase ng ngiti na ayaw ko mang aminin pero ilang beses ko na tong nakita sa kanya.

Humakbang sya papalapit saken at hinawi nya yung buhok na nasa mukha ko. Naglean sya saken at nagsalita sya malapit sa tenga ko habang hawak nya yung pisngi ko. "Sino naman ang magmamahal sa isang pokpok na tulad mo?"

Nahulog na agad ang mga luha sa mata ko bago pa sya umalis sa pagkaka-lean saken. Tinitignan nya ko na parang naghihintay sya ng reaction mula saken pero ni hindi ako makapag-salita. Bumaba yung kamay nya sa leeg ko at tinulak ako papunta sa railings.

"Eto ang tatandaan mo baby, wala ng taong magmamahal sayo dahil sa mga ginawa mo. Sirang sira ka na."

Sinubukan kong mapalunok kaso hinigpitan nya yung pagkakahawak nya sa leeg ko.

"Kaya alam kong hindi mo ko iiwan. Ako na lang ang nag-iisang tao na magtitiyaga sa kabaliwan mo. Kahit ang sarili mong kuya, ikinahihiya ka."

Fix Me Will YaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon