Shookt

137 3 0
                                    

Jacob

Namangha ako nung nakita kong pinuno na naman ni Paavo yung beer bong. Sa pagkakaalam ko panglima na nya yun o siguro mali na yung
pagkabilang ko. Dati, masaya na bago magparty, magiinuman muna kami kila Paavo pero ngayon di na ko sigurado.

Simula nung semester na to, sinubukan kong di magpakalasing pero nang dahil sa pag-uusap namen ni Mab, parang kailangan ko to. Akala ko makikipag-break sya saken. Kung kaya nya. Ni hindi nya pinansin nung sinabi kong boyfriend nya ko. Siguro kaibigan lang ang tingin nya saken.

Hawak hawak ni Paavo yung tube na puno ng amber sa harap ko habang nakangiti. Nakita ko yung bagong kulay ng dreadlocks nya na may streaks ng kulay pula. Sabi nya para daw yun sa team spirit. Sa tingin ko, gusto nya lang talaga magpapansin.

"Sige na, player. Ibuka mo na ang bibig mo."

Inirapan ko sya pero sumunod ako at lumuhod. Pagkadikit ng tube sa bibig ko, tinaas nya yung funnel at lahat ng alcohol ay lumaglag sa lalamunan ko, smoothly katulad nung mga nauna. Pinunasan ko yung mukha ko at tinapat yung kamay ko sa kanya para tumigil na sya. "Okay, tama na muna."

Nagscoff si Paavo at kumuha na naman ng bagong bote para ilagay ulit. Lumakad ako papalayo at pumunta sa kusina para maghanap ng tubig. Kung gusto ko malasing ngayong gabi kailangan ko magdahan dahan. Si Drunk Jacob ay nakakasabi ng mga kabobohang bagay at sa tingin ko hindi katulad na babae ni Mab ang magtitiis sa ganun.

Nung napapunta ako sa sulok, may mga babae dun na may hawak na gunting. Tinaasan ko sila ng kilay at kumuha ng tubig sa ref. Uminom ako ng madami at naglean ako sa counter.

Tinuro ko sila. "Kailangan ko pa ba magtanong?"

Yung blonde na naaalala ko pa ay si Ava. Tumawa siya. "Kailangan naming gawing cute yung mga outfit namen para sa party."  Nagpatuloy sya sa paggupit ng harapan ng damit nung kaibigan nya at  binuhol buhol yun. Para silang horror movie survivors.

"San kame magsusulat kung gugupitin mo yung halos 90 % ng damit mo?"

Nakakalokong ngiti yung nakita ko sa mukha nya. Nilagay nya yung dalawa nyang kamay sa malalaki nyang dede. "Dito."

Umiling ako. Di ako sang-ayon pero sino naman ako para makipagtalo.

Yung kaibigan nyang brunette ay sumayaw pa sa harapan ng salamin sa likod ng pintuan. Parang nagustuhan nya yung damit nya at humarap sakin. Nirun nya yung kamay nya sa lukot kong puting t-shirt.

"Hindi na ko makapaghintay kung ano isusulat sayo ng mga tao. Paniguradong maraming babae ang gustong maglabas ng mga deep fantasies nila sa aming napakagwapong team leader."

Tumawa ako at tinulak sya gently. "Well, babe. Meron na kong girl kaya sa tingin ko walang kahit na anong fantasies ang magkakatotoo ngayong gabi."

Nagpout sya ng labi saken.  "Awww ang gara naman. Pwede pa naman tayo magkaron ng lots of fun ngayong gabi." Hinawakan nya yung buhok nya at nagkibit-balikat. "Hanapin mo ko kapag nagbago isip mo."

Pumunta si Paavo sa likod ko at hinawakan ako sa braso. May inabot sya saking plastic cup. "Yan ang sinasabi ko, playboy. Nagseseryoso ka na."

Uminom ako ng madami. "Masaya kase ako, magkaiba yun."

Tinanggal nya yung braso nya sa balikat ko. "Sa ngayon. E paano kapag nag-away na kayo ng malala at nagpapakalasing ka na dahil nasaktan ka nya tapos ilalabas mo sa campus o mas malala pa, magdridrive ka papunta sa inyo, every weekend kase hinahanap mo nanaman si Elizabeth?"

Uminom ulit ako at di ko na lang sya pinansin.

"Uh-huh. Sabi ko na nga ba e." Tinignan nang mga mata nya yung mga tao na nakagather sa main room ng frat. "At asan yung girl mo? Hindi mo ba sya kasama?"

Fix Me Will YaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon