Tinge of Jealousy?

304 3 2
                                    

Jacob

(bold and italicize words are from the past)

Twenty minutes palang ako na nag-stastay sa bahay ni Paavo pero bored na ko. Di na kase ako nasisiyahan sa mga ganitong parties, hindi katulad dati or mas lalo ko lang na-ayawan kase sinubukan kong di malasing. Di naman talaga alcohol dati yung problema ko, at alam ko yun, kaso mas madali lang talaga i-manage dati nung hindi pa ko nasa ganitong state.

Madalas akong tinetext ni Ow nitong mga nakaraang araw. Kahit panget mang pakinggan, isa sya sa mga matatalik kong kaibigan. In so many years, tinuring ko na sya bilang kapatid ko. Tinulungan nya ko sa mga kalokohan ko kahit hindi ko naman talaga deserve yun. Nakikita ko na may pinagdadaanan sya ngayon at utang na loob ko na sa kanya na tulungan siya. Yun kase yung lagi nyang ginagawa para saken.

Parang gusto na lumabas lahat ng whiskey sa katawan ko habang hinihintay kong bumalik si Owen sa kotse. Alam kong nagmumukha na kong baliw na tao ngayon. Never pang nangyari saken yung ganito sa buong buhay ko pero di ko kase maiwasan. Hindi pinapansin ni Elizabeth yung mga tawag ko simula nung Bac-Baccara festival at di ko alam kung bakit. Akala ko magiging maayos na lahat or atleast papunta na dun. Yung itsura ng mukha nya ay parang nagsasabi na mali ako.

Nakikita ko na halos nagtatalo na si Henry at Owen sa labas ng kotse sa driveway. May mali sa sitwasyon. Simula nung lumipat to sa guest house nila she doen't care anymore sa ginagawa ko.

Nagsimula ng magdabog papalapit saken si Owen and napahinga ako ng malalim. Prepared na ko kung susuntukin nya ko. She is his sister after all.

Sumakay na sya sa kotse at pinush ang ignition without a word. Mas lalo akong naging nervous sa katahimikan nya at nagsimula na syang magdrive. Nakadaan na kame sa tulay papuntang Rosario City bago sya magsalita.

"Alam mong napakagago nun diba?"

Tumango ako nung tumingin sya saken. Mas nagulat ako sa sunod nya na ginawa. Ayaw ni Owen sa mga taong duwag. Iyak ako ng iyak sa driveway nya, 20 minutes ago at dahil dun, pwedeng pwede na nya husgahan ang pagkalalaki ko.

Inabot nya yung button ng radio at hininaan ito. "Nung kasing edad mo ko, nawala rin ako sa sarili ko. Gumawa ako ng pinaka-stupid at crazy thing at yun ang pagkafall ko sa bestfriend ko." Hinawakan ng mga kamay nya yung steering wheel ng sobrang higpit. "Ang masama pa dun, mahal nya rin ako. Mahal nya ko at di ko masabi sa kanya na mahal ko sya." Tumigil sya at tumingin saken. "Naging duwag ako nun."

Tumawa ako ng konti. "Never kitang matatawag na duwag, dude."

Ngumiti saken si Owen. "Ang point ko, kahit sobrang nakaka-irita at desperado yung ginawa mo, at least may bayag ka para sabihin sa kanya kung ano yung nararamdaman mo. Minsan kase maghihintay ka ng matagal hanggang sa mawalan ka na ng chance."

Napakagat labi ako habang nakatingin sa bintana ng kotse at tinignan ang mga damuhan sa labas. "Wala nanamang saysay. Kahit sabihin nya pang mahal nya ko, di ako naniniwala sa kanya." Tumingin ako sa kanya para makita ko yung reaction nya sa sunod kong sasabihin. "Sa tingin ko, nakikipagdate na sya sa iba."

Tumawa nanaman si Owen, "Hindi yan, panigurado namang natapos mo na kung ano mang connection nya with Adams. Di ko na sya nakikita since her party."

"Hindi si David tinutukoy ko, si Henry."

Nalukot yung mukha nya na parang yun yung pinakadi- kapanipaniwalang bagay na narinig nya. "No way, malalaman ko kung sakaling may nangyayaring something sa kanilang dalawa. Sinasabi saken ni Eliza lahat at si Henry ang bestfriend ko." Umiling sya. "Tsaka, she promised."

Fix Me Will YaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon