Doubt

131 4 0
                                    

Mabel

Nakadalawang beses akong tingin para masiguro kong tama ang nakikita ko. Hinawi ko pa ulet yung kurtina at di talaga ako makapaniwala sa nakikita ko sa parking lot. May nagnakaw ng kotse ko. Tangina, ang galing naman talaga. 

"Zachary?"

Sumilip sya sa may pintuan ko pagkatapos ng ilang segundo. "Bakit, dear?"

"Asan ang kotse ko?"

Kinamot nya yung baba nya na parang nagkukunyari syang nag-iisip kaya naman napabuntong-hininga na lang ako. 

"Wag ka na ngang magpatawa ngayon. Asan na?"

"Okay." Sabi nya at humakbang papalapit saken. "Sasabihin ko sayo pero bawal kang magalit."

I cross my arms at sinamaan ko sya ng tingin. "Sige, sabihin mo na saken."

Nag-inhale sya ng malalim and he exhales it loudly. "Okay, may inayos si Pablo bago sya umalis dito at kaninang umaga may mga japorms na lalaki ang pumunta dito na may dalang flatbed and hinihingi nila yung susi mo sa kotse. Hindi na ko nagtanong pa."

"So, pinaayos ni kuya Pablo yung kotse ko?"

"Siguro, oo."

"At walang kinalaman dun si Jacob?"

Di muna sya nagsalita. Hindi naman masyadong matagal pero enough na yun para maisip kong sinusubukan nyang magsinunangaling saken. 

"Wala."

Kesa makipagtalo pa ko sa kanya, nilagpasan ko na lang sya at naglakad patungo sa cr. Narinig ko yung pagsunod nya saken.

"Anong ginagawa mo?"

Tumigil ako sa may pinto ng cr habang hawak ko yung doorknob. "Magshoshower muna ako at mag-iisip ako ng paraan para mabayaran ko sya."

Nagpakawala si Zachary ng malakas na buntong-hininga. "Mab, gusto ka lang nyang tulungan. Gusto ka nyang alagaan..."

"Hindi ko kailangan ng kahit na sino para alagaan ako." Napatigil sya sa pagsasalita dahil sa tono ng pananalita ko at nagscoff sya.

"Ok lang kung ayaw mo pero gusto nya. Gagawin mo kase yun sa taong maha.. uh sa taong may pake ka." Tinaasan ko sya ng kilay dahil binago nya yung sasabihin nya pero nagpatuloy pa rin sya sa pagsasalita.

Nag-cross sya ng arms. "Bakit hindi na lang tayo magpakasaya ngayong araw? Ikaw at ako lang."

"Katulad ng?" Hindi ko maiwasang mag-isip kung anong motibo nya habang hinihintay ko syang sumagot. May nangyayari ngayon at gusto kong malaman kung ano yun. 

Nagkibit-balikat si Zachary. "Punta tayo sa mall. Kumain tayo ng mga kabaliwang pagkain at gumala tayo katulad ng ginagawa natin dati." Lumapit sya saken at nilagay yung mga kamay nya sa balikat ko. "Kailangan mong lumabas sa apartment na to."

Kahit ayaw ko mang aminin pero tama pa rin si Zachary. Halos isang linggo na kong nagtatago dito at wala namang nareresolba yun. Sobrang sama pa rin ng nararamdaman ko at parang mas lumala pa. Tumango na lamang ako.

-------

Ang definition lang naman ng 'having fun in the mall' para samen ay ang panoorin si Zachary na magsukat ng mga designer jeans ng halos tatlong oras na. Nakaupo ako sa isang mix-matched chair habang lumalabas sya sa dressing room sa pang-sampung beses na sa nakalipas na 20 minutes. Tumigil sya sa harapan ng full length mirror. 

"Okay, anong tingin mo dito?" Sinalubong nya yung mga mata ko at naghihintay sya ng sagot.

Tinaas ko yung isang balikat ko at nilean ko yung mukha ko sa palad ko. "Maganda din yan katulad nung sampung pares na tinry mo kanina."

Fix Me Will YaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon