I Trust You

167 3 0
                                    

Jacob

Sinuntok ko ng malakas yung locker ko. Tumitig lang ako sa hallway habang humihinga ako ng malalalim. Ilang minuto ang lumipas bago ako makaramdam ng kamay sa balikat ko. Humarap ako ng sobrang bilis na halos natamaan ko na si Paavo. 

"Di ko kailangan ng mga tanginang payo mo ngayon."

Umaliwalas yung mukha ni Paavo. Parang naaawa sya. "Gusto ko lang makita kung ok ka, player." Medyo umatras sya at nilapag yung kamay nya sa jersey shorts nya. "Nakita namen yung nangyari dun sa benches." Tumigil muna sya ng isang minuto. "At alam kong gusto mo yung babaeng yun."

Binuksan ko na yung locker kong napipi habang hinahanap ko yung mga damit ko. Ayokong pagusapan to habang nakatowel ako. Nanatili ako sa shower ng mas matagal kahit na kanino. Iniisip ko kase na baka mawash-away ng tubig yung galit na nararamdaman ko at magiging okay ulit ako. Di naman nangyari. 

Wala nang sinabi pa si Paavo pero nararamdaman ko pa rin sya sa likod ko habang nagmamadali akong magbihis. Nung nasuot ko na yung jeans ko, hinarap ko sya. 

"Oo na, sige, gusto ko sya. Sobra." Nilapit ko yung mukha ko sa kanya. "Masaya ka na ba, gago? Magsusuot ako ng tanginang mascot na agila o kahit na ano pang kabobohang maisip mo pero di magbabago nun na gusto ko sya." Umabante pa ko at pinanliitan sya ng mata. "May something na samen."

 Nilagay ni Paavo yung kamay nya sa dibdib kong patuloy pa rin sa paghinga at ngumiti. "Okay, okay. Gets ko na. Kalma na." 

Tinulak ko sya palayo, "Hindi ako pwedeng kumalma, may parang di tama sa lalaking yun."

Nakaupo si Hayden sa may bench habang nagsasapatos. "Sinong lalaki?"

"Yung team leader ng UST, si Scott. Sabi ni Mab, bf nya daw yun dati pero kung nakita mo lang yung mga takot sa mata nya. May nangyari at hindi nya sinasabi saken yun." 

Nagscoff si Paavo habang sinusuot yung sweatshirt nya. "Alam mo naman ang mga babae, player. Siguro nagbreak-up lang sila o niloko sya o basta kagaguhan lang. Napakadrama ng mga babae."

Napangunahan ako ng galit kaya nilapitan ko sya at sinakal ko sya sa leeg. Nung tumama yung likod nya sa pader, lumaki yung mata nya. 

"Wag na wag kang magiisip ng mga ganyang bagay na nangyari sa kanya. HIndi mo nga sya kilala e, gago ka ba?"

Hinawakan nya yung braso ko at sinubukan akong ilayo habang umuungol. Pinanliitan nya ko ng mata. "Ikaw rin naman, playboy. Parang problema lang hatid ng babaeng yan at yan yung huling kailangan mo pagkatapos nung nangyari last year."

Pinakawalan ko sya pagkatapos ko syang itulak ng malakas. Yung ibang miyembro namen, pinaikutan na kame. Kasama na dun si Hayden na may masamang tingin samen.

"Iba sya."

Tinaas ni Paavo yung kamay nya, "Nagaalala lang kame sayo. Mga kaibigan mo kame, Jacob."

Sinabit ko na yung bag ko sa balikat ko at tinignan sila.

"Then start acting like it."

-------

Ilang beses kong sinubakang tawagan si Mab habang papunta ako sa apartment pero dumiretso lang yun sa voicemail. Sobrang bilis ko nang nagpark na halos tumirik na yung gulong ko. Doble yung bilis ng paglalakad ko at sinubukan kong maghabol nang hininga bago ako kumatok sa pinto nila. Bago pa man ako kumatok, binuksan na ni Zachary yun.

Nagtaas ako ng kilay nung ngumiti sya. "Oh, inaasahan ka na namin."

Nilagpasan ko sya at nakita ko si Michael sa sofa. Nang dahil sa blonde curly hair nya at thick glasses, nagmukha syang engineering geek kesa closet freak na kagaya ni Zachary. Siguro malakas talaga ang appeal pag mag-kaiba kayo.

Fix Me Will YaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon