Bad Decision

124 3 0
                                    

Mabel

Nerbiyoso kong tinapik-tapik yung console ng nirenta naming kotse habang tinatahak namin yung daan sa neighborhood ko. Sabi ni kuya Pablo sya na daw magsusundo samen sa airport kaso hindi pumayag si Jacob.

Anim na buwan na ang nakalipas simula nung umuwi ako at di ko akalain na may dadalhin akong lalaki sa pag-uwi ko. Bukod sa nangyari kay kuya Pablo, mas nasira pa yung pamilya namen nung lumipat ako sa Ateneo. Hindi kase nila alam yung rason at umaasa akong hindi na nila malaman pa.

Inabot ako ni Jacob at pinisil nya yung tuhod ko. "Excited talaga akong makilala ang pamilya mo, babe."

Ngumiti ako. "Magugustuhan ka nila. For sure marami kayong mapag-uusapan ni papa."

"Mahilig sya sa basketball?"

Hindi lang sya mahilig sa basketball dahil buhay na yun ng papa ko. Hindi ko pa pala nasabi sa kanya na basketball coach ang papa ko sa local highschool dito. Naglaro sya nung college pero hanggang dun na lang yun. Meron ding car dealership yung pamilya ko sa lugar na to na minana pa nila sa lolo ko. Nagtrabaho na si kuya Pablo dun simula nung 15 years old palang sya kaso ilang beses na rin syang na-fired.

"Sobra. Lagi nya ngang hinihiling na sana yun na lang yung inaatupag ni kuya Pablo kesa sa mga pinaggagawa nito." Bumuntong-hininga ako at tumuro sa kaliwa. "Lumiko ka dun."

Lumiko kame sa street na may puno sa kanto sa gitna ng isang buong village. Lahat ay may perfect na lawn, mga bagong pintura na bahay at mga signs na nagpapakita ng pagsuporta sa local team namen. Tatlong streets lang ang bahay ni Scott mula dito.

Nagsimula nang maglakad si kuya Pablo sa kalsada nung nakita nya kaming huminto na. Nakatira kase sya ngayon sa maliit na kwarto na nasa garahe namen. Sa tingin ko gusto na nya umalis dito hanggang sa maaari kaso wala syang magandang plano kung paano nya gagawin yun. Ngumiti sya nung nakita nya kong lumabas na sa kotse.

"Buti naman dumating na kayong dalawa." Sabi nya at hinila ako para yakapin.

Ngumiti ako. "Namiss mo na ba ako kaagad?"

Hinigpitan nya yung pagkakayakap nya saken bago nya ko tuluyang pakawalan. "Lagi naman kitang namimiss Mab. Masaya ako na naka-uwi ka na."

Nagulat ako sa pagiging sincere nya saken. Siguro talagang nahihirapan sya dahil wala ako sa bahay. Kinuha nya yung mga bag ko sa backseat at tumango sya sa may garahe.

"Dito na lang sa kwarto ko si Jacob." Tinignan nya to ng masama. "Para naman hindi mo na kailangang magpigil na babuyin yung bahay ng mga magulang namen."

Tinaas ni Jacob yung mga kamay nya na parang ninerbiyos. "Pinapangako ko na magiging marespeto ako."

Sinabit ni Kuya Pablo yung bag ko sa balikat nya at hinawakan si Jacob sa balikat. "Syempre, gago, gagawin mo yan. Kaya nga hindi kita binibigyan ng option."

Umirap ako. "Pwede bang wag ka na munang umarte na sobrang over-protective na kuya at sabihin mo na lang saken kung asan si mama at papa?"

Tumingin si Kuya Pablo sa bahay namen at binalik ulit yung tingin saken. "Nasa trabaho pa rin si mama pero si papa kanina ka pa hinihintay na makarating. Sa tingin ko naiintindihan na nya yung sitwasyon."

Nagkatitigan kaming dalawa. Magkaibigan kase yung papa ko at daddy ni Scott kaya naman mas naging magulo yung sitwasyon. Pareho silang lumaki sa town na to kaya naman naging close silang dalawa. Nung nagkaron kame ng relasyon, sa tingin ko mas naging masaya pa sya kesa saken. Hindi lang dahil sa mas nagkaron sila ng oras ng isa sa mga matagal na nyang kaibigan kundi dahil ako ang naging gf ng star player nya sa team nya. Hindi kase matanggap ng papa ko na isa palang halimaw si Scott. Akala nya na nagiging OA lang ako at pinapalaki ko lang yung mga away namen.

Fix Me Will YaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon