Stalker

180 4 0
                                    

Mabel

Tatlong araw na since may nagiba samen ni Jacob at nasa kwarto ko sya ngayon habang nag-aaral. Nakahiga sya sa tabi ko at nagkukunyareng ginagawa yung project nya pero sigurado naman akong nakikipagtext lang sya at nagfafacebook. Ako naman, kailangan ko ng magfocus.

Two weeks na ang nakakaraan simula nung makatanggap ako ng invitation para sa isang semester abroad na sponsor ng the American School sa Juba. Pagkatapos kong magtransfer dito at the end of last year, di ko akalaing magkakaron ako ng magandang pagkakataong katulad nito. Ito yung opportunity na pwedeng magdefine ng kinabukasan ko. So bakit pa ko aayaw sa sitwasyon na to?

Tinabi ni Jacob yung buhok na tumatakip sa mukha ko gamit yung dulo ng ballpen nya. Ngumiti sya saken nung nagsalubong yung mga mata namen. "Parang stressed ka, babe. May problema ba?".

Huminga ako ng saglit at sinara ang notebook na nasa lap ko. "Wala. Marami lang akong kailangang gawin bago matapos yung semester, yun lang naman."

Tinabi nya muna yung laptop nya at nilagay nya yung arms nya sa bewang ko para ilapit ako sa kanya.  Kiniss nya muna yung gilid ng ulo ko then yung pisngi ko bago yung labi ko. Nawala yung kaba ko kase hinayaan ko yung sarili kong matunaw sa mga halik nya. Nahuhulog na ko sa kanya ng sobra at di ko maamin yun. Sobrang tagal na since nagconsider ako na magkaron ng ganitong klaseng relasyon sa isang tao. Akala ko hindi na ulit mangyayari to.  Ni hindi nga nagtagal si Jacob para baguhin yung mindset ko.

Nung nagtravel na yung mga kamay nya ng mas mababa sa gusto ko, lumayo ako sa kanya."Wala tayong matatapos nito e."

Parang nagvibrate sa katawan ko yung tawa nya at pinigilan kong di sya hilahin palapit saken. Hindi pa ko ready na umabot kame sa ganun.

Hinalikan nya ko sa noo bago sya lumayo saken. "Okay, panalo ka ngayon." Inabot nya yung notebook nya at binuksan yun sa blanko na page. "Sa totoo lang, wala pa kong nagagawa simula nung pumunta ako dito. Kailangan ko nang matapos tong assignment na to."

"Mukhang di ko nagagawa ng tama yung trabaho ko. Hindi ba dapat, ako yung naglelead sayo?"

Naglean si Jacob at kiniss na naman ako. "Gusto ko tong distraction na to."

Binigyan ko sya ng smack bago ko sya itulak sa side nya ng kama. "Malamang gusto mo, lalaki ka e."

Umiling sya. "Hindi sa ganun yun pagdating sayo, babe. Gusto kitang nakakasama. Para kaseng... Totoo lahat. Nagegets mo ba ko?"

Sa tingin ko naiintindihan ko sya kahit sa tingin nya hindi. Parang peke din kase yung samen dati ni Scott. Sa school at sa public kilala kame bilang perfect couple. Sa tingin ko walang nakakaalam nung darkness na nasa loob nya. Ako lang yung taong nakakaalam nun.

Tinapik ni Jacob yung tuhod ko para mapansin ko sya. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "No, nagegets ko naman yung sinasabi mo." Hininaan ko lang yung boses ko. Kahit gusto ko mang sabihin sa kanya yung mga sikreto ko, sa tingin ko di pa ko handa para dun. Gusto ko yung paraan ng pagtingin nya saken ngayon. Kung alam nya lang siguro yung mga bagay na nagawa ko baka magbago yung mga tingin nya.

Bumalik na kame sa kanya kanya naming assignments hanggang sa malaglag ni Jacob yung bottle nya sa sahig. Nataranta ako nung kinuha nya yun. Di ko pa kase nalalabhan yung iba kong damit at baka yung iba di nakaayos. Tama nga yung hinala ko nung may kasama nang t-shirt yung inumin ni Jacob nung kinuha nya to. Lumiwanag yung mukha nya nung hinarap nya yun sa mukha nya. Ibang iba yung reaction ko, napalunok ako nung kinuha ko yung yellow na damit sa kanya.

"Nag-aral ka sa UST?"

Tumango ako. "Oo, dun ako galing pagkatransfer ko."

Tumawa sya. "Bakit ka naman lilipat sa UST? Napakaganda ng school na yun." Nung nalungkot ako ng konti, pinisil nya yung kamay ko. "Hindi naman sa di maganda tong Ateneo."

Fix Me Will YaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon