Heartless

138 2 0
                                    

Mabel

Ilang minuto na ang nakalipas bago ko marealize kung ano ang nangyayari. Halos lahat ng tao ay nasa bandang unahan ng kwarto habang nakapress sa dingding si Scott at sakal sakal sya ni Jacob. Masaya akong napapanood to pero alam kong kailangan ko na tong pigilan. Alam ko kung ano mangyayari kapag nainvolve sya sa taong yun at ayaw kong magsuffer si Jacob sa consequences. Lalo na kung dahil lang saken.

Sumiksik ako sa mga lalaki habang palakad papunta kay Jacob habang nasa likod na nya ko. Hawak ni Hayden yung bewang ni Jacob habang hinihila sya para tumigil na. Sinuntok ng malakas ni Jacob si Scott sa jaw. Mukhang nahilo ng saglit si Scott pero ngumiti pa rin sya pagkatapos. Mahilig yung gago na yun sa away.

"Jacob!" Sigaw ko. "Tumigil ka na!"

Hindi nya siguro ako narinig o mas pinili nyang wag akong pansinin kase bago pa ulit ako makapagsalita, sumuntok na ulit sya. Pero this time, sa ilong na ni Scott. Hindi na sya napangiti ngayon nung may tumutulo ng dugo sa mukha nya. Napaungol sya sa galit at sinuntok si Jacob sa pisngi. Dun na nagsimula yung gulo.

Napatumba si Hayden saken kaya natumba din ako. Dahil sa posisyon ko, nakikita kong nagsusuntukan si Scott at Jacob pero hindi ko makita kung sino ang nananalo. Lumuhod ako nang may kamay na biglang umabot saken. Nakakita ako ng mapuputing ngipin at maitim na mukha.

"Kailangan kitang mailayo sa away na to, girl." Sabi ni Paavo ng nakangiti.

Pano nakikita ng iba na nakakatuwa tong suntukan  na to. Trouble lang naman ang patutunguhan nito at ayaw kong mangyari yun kay Jacob.

Nakakabingi na yung mga cheers nila habang patuloy na nagaaway yung dalawa.  Ngayong nakatayo na ulet ako, nakikita kong si Jacob ang nananalo. Nagswasway si Scott na parang nahihilo at parang any moment, mahuhulog na to. Salamat nalang at pinush ni Hayden na makalapit at inawat na si Jacob. Nakakatakot yung mga mata nya habang nakatitig sya kay Scott na nakalean sa wall.

Tumingin sya sa mga tao na parang may hinahanap. Nung nahanap ako ng mga mata nyang nanlilisik, narealize kong ako ang hinahanap nya.

Humarap ulit sya ng isang beses kay Scott at may binulong sa tenga nito. Halatang di maganda yun dahil nakita ko yung mukha ni Scott. Para sa isang tao na nakakangiti parin pagkatapos mabugbog ng sobra ay parang napakaevil nito. Napangiti sya at nakita ko yung mga ngipin nyang nagdudugo nung narinig nya yung banta ni Jacob.

Hindi ko na hinintay si Jacob na hanapin ako at naglakad na ko papunta sa back door. Nung nakarating ako sa garahe, hirap na hirap na kong huminga. Yung pakiramdam ko ay parang lumiliit yung buong bahay at kinukulong ako. Yung mga tao, yung mga sigawan, Si Scott, Si Jacob at lahat lahat na lang. Sumosobra na.

Nung nakarating na ko sa sidewalk nakita kong tumatakbo si Jacob papalapit saken.

"Mab, san ka pupunta?"

Lalo ko pang sinaklob saken yung jacket ko at binilisan ko ang paglalakad. "Sa bahay."

Sinubukan nyang kunin yung kamay ko pero inalis ko. Parang makikitaan mo ng hurt yung mga mata nya.

"Babe, ihahatid na kita. Tumigil ka na muna nang kahit isang minuto lang."

Naghahabol pa rin sya ng hininga at di ko naman sya masisisi. Naka 3 rounds ba naman sya sa gitna ng isang frat party dahil pinagtatanggol nya yung dignidad ko. Kahit wala naman talaga akong dignidad.

Diretso lang yung tingin ko sa daanan at naglalakad. "Gusto kong mapag-isa, okay?"

Hinarangan nya yung dinadaanan ko. "No, hindi yun okay." Hinawakan nya yung balikat ko para mapatingin ako sa kanya. "Sorry kung medyo nawalan ako ng pagiisip kanina, pero kailangang may gawin ako...."

Fix Me Will YaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon