June’s POV
“Buti naman at nandoon na si Marceline. Mamimiss ko siya, Mommy,” sabi ko kay Mommy at yumakap sa likod niya. Tinawanan lang niya ako umiling-iling.
Katatawag lang ni Kuya Marcus kanina at mukhang nakauwi na siya at naabutan na si Marceline doon. Plano kasi nila Ate Vilma at Mommy na mas mabuti na daw na sumunod na siya para naman daw maging masaya si Kuya.
I cuddled on Mom’s neck. Ang bango-bango talaga ng Mommy ko. “Anak, baka naman maubos ang pabango ko sayo ah. Magagalit niyang ang Dad mo,” birong awat ni Mommy sa’kin kaya naman ako naman ngayon ang natawa.
Wala nga pala si Dad ngayon, well they have their own mansion. Nakahiwalay kasi ang bahay nila at nandoon nga siya ngayon. Wala naman kasing dalang mga gamit si Dad. Si Haicee naman, kaninang medaling araw pa daw umalis kasi mukhang may emergency sa kanila kaya naman umuwi na lang siya.
“Anak, why don’t you check on your girlfriend? Baka naman gising na siya. Puntahan mo muna,” request ni Mommy kaya naman agad na akong sumunod.
Habang papaakyat ako papunta sa kwarto, hindi ko mapigilang mapangiti. I really like May at ang sarap sa pakiramdam na kasama ko siyang natulog kanina. Mommy would actually love the ideas like that. Ayaw niya na maghihiwalay pa ang mga couples ng kwarto, at isa pa, she trusts us that we’ll respect them.
Ang cute din pala ni Marceline kapag kinakabahan siya. She’s making us laugh kahit na alam niyang nakakakaba ang gagawin niya. And the way she talked to her family before leaving the country, talagang masasabi mong napakamapagmahal siya. Pati sa amin ni Kuya Apollo, hindi namin siya hinayaang umalis na hindi niya kami nasasabihan ng goodbye.
“Good morning,” bati ni Kuya. Nandito pala siya sa labas ng kwarto niya. “Good morning too, Kuya. Malapit na daw maluto yung breakfast,” sabi ko na lang at dumiretso na sa kwarto.
Pagbukas na pagbukas ko pa lang ng pinto ay sumalubong sa’kin ang natutulog na si May. Lumapit ako at naupo sa kama. I touched her cheek and stared at her. Siya na nga siguro yung kagayang sinasabi ng mga kuya ko. Ang babae sa magiging future ko.
“Alam mo bang masamang tinititigan ang tulog?” namumungay pa ang mga mata ni May ng sitahin niya ako. I just smiled and her kisses her forehead. “Good morning, May. Sorry for waking you up,” bulong ko sa kanya.
Bigla naman niya akong binatukan kaya naman agad din akong napalayo sa kanya. “What was that for!?”
“Wag ka masyadong sweet, Ashford. Di bagay sayo e,” pilyang dahilan niya kaya naman natawa na lang ako. Oo nga pala, hindi siya sanay na ganoon ako kasweet. Kung si Marceline nga nagugulat na lang bigla kapag ako na ang naglalambingin.
Naupo na rin siya at nag-inat inat na rin. “Pumunta pa rin daw tayo sa council room, may mga sasabihin daw bago magsimula mamaya yung Winter Ball.”
Tumango na lang ako at tinitigan na lang siya. Kumunot naman ang noo niya pero hinayaan ko lang siya at pinagpatuloy lang ang ginagawa ko. I also smirked at her.
Inirapan niya ako at nag-iwas na ng tingin. “Ang epal mo, June. Tumigil tigil ka nga!”
At doon na talaga ako natawa sa kanya. “May, alam mo bang ang ganda ganda mo pala kapag bagong gising?” pilyo kong tanong sa kanya. Napatingin ulit siya sa’kin at halatang nagulat sa mga sinabi ko.
Well, I’m telling the truth. May Clinton really look beautiful, even she just woke up. Kahit na ang haragan-haragan na niya ngayon na kagigising niya lang, maganda pa rin siya. Her originality that made me likes her so much.
BINABASA MO ANG
Casanovas' Nanny (FIN / UNDER EDITING AND REVISING)
HumorExpect the unexpected... [Ashfords and Marceline Apostol's Story] © MissHandsomeGray / August 15, 2014 [Ashford's Series] WARNING: (CAPSLOCK PARA INTENSE HAHAHA) I ADVICE PO NA WAG NIYONG BASAHIN TO AS LONG NA MAY REVISING OR EDITING NA NAKALAGAY. B...