June's POV
"Hello, Ate Vilma," masayang bati ko sa babaeng ngayon ay parang naiinip na talaga sa paghihintay samin.
Sa wakas at ngumiti din ng makita kami ni Kuya Apollo. "Sa wakas naman at nandito na kayo. Ang usapan 9:30 ng umaga, 10:45 na oh," medyo sarcastic na sita niya kaya naman natawa kami.
Ngayon kasi ang tour sakin dito sa campus, ang Higashigetsu Fuma Academy. Baka daw maging busy agad kaya naman mas maganda daw kung ngayon sembreak na agad ang tour. Para rin hindi ko na daw mamiss ang first class ko.
"Sorry, Vilma. Pareho kasi kaming nalate ng gising," excuse naman ni Kuya at inilahad ang braso dito. Agad namang kumamit doon si Ate Vilma. "Hmmff, kayo 'ha ! Mapang-abuso talaga. Pero sige, papalampasin ko 'to. Tara na."
Bago ang lahat, ipapakilala daw muna ako sa mga principals at may-ari ng buong academy. Japanese silang tatlo at magkakapatid. Actually, lahat daw halos ng mga teachers dito ay mga Japanese din. Ang mga karamihan naman ng istudyante ay mga half-bloods, meaning hindi sila pure na Pilipino.
Pumunta kami sa isang building. Pagpasok namin, nandoon ang dalawang babae at isang lalaki na masasabi kong kasing edad lang ni Kuya Apollo.
"Moshi moshi (Hello) ! Heto na si June Ashford, yung bago niyong transferee," agad na sabi ni Ate Vilma. Dito ako bilib sa kanya eh, lahat na yata ng mga taong may kinalaman sa lahat ng business ka-close niya.
Ngumiti sila sa'kin. "Wala na akong masabi, Vilma. Anyways, welcome to our academy. Buti naman pala at si Ate Vilma mo ang nakausap namin, don't worry, wala ka ng dapat alalahanin. Okay na ang lahat ng requirements mo," sabi ng babaeng may mahabang buhok at nakasalamin. Mukha siyang mabait, pero mas mujhang approachable yung isa. "By the way, I'm Setsuna, feel free to call me by my name or just Miss."
Lumapit ako at nakipagkamay. "Nice to meet you, Miss."
Sumunod naman lumapit sakin ay yung babaeng approachable. Akala ko makikipagshake hands din pero bigla niya akong niyakap. "Welcome ! Call me Teacher Kuu, please. Wag mo akong tatawaging Miss," sabi nito na nagpatawa saaming lahat.
Sunod naman ay yung lalaki, agad naman akong nakipagshake hands ng ilahad nito ang kamay niya. "I hope you'll enjoy your stay here. Ako si Kyoshiro, bahala ka na sa itatawag mo sa'kin. Mabuti pang magsimula na ang tour mo, pag-uusapan namin ng Kuya mo ang mga daoat naming linawin."
May tinawagan lang ito saglit at sabing maghintay na lang muna ako sa labas, dadating daw yung magtu-tour sa'kin.
Habang hinintay kung sino man yung tour guide ko, biglang sumagi sa isip ko si Marceline. Nakakatuwa siya, at sana magtagal siya. Ewan ko kung anong nangyayari ngayon pero dapat mapakain niya nga si Kuya Marcus. Natawa tuloy ako, unpredictable si Kuya kaya naman hindi ko na talaga alam kung ano man ang nangyayari sa kanila doon.
At tssssss. Buti na lang pala at umalis na yung babae kagabi. Ang weird weird niya, hindi ko na maalala yung pangalan ehh. Haha. May sumpong yata ng kabaliwan, buong bahay namin may aircon, pero naiinitan daw siya kagabi kaya naman bigla na lang naghubad. Dapat pala iniwan ko na lang. I don't like her, I just played with her pero again, don't get me wrong, walang nangyari samin.
"Ahhmm, hello. Ako si May, nice to meet you," medyo hinihingal pang sabi ng babaeng kalalapit lang sa'kin. "Ako nga din pala ang tour guide mo," pagpapakilala niya kaya naman nagshake hands kami.
BINABASA MO ANG
Casanovas' Nanny (FIN / UNDER EDITING AND REVISING)
HumorExpect the unexpected... [Ashfords and Marceline Apostol's Story] © MissHandsomeGray / August 15, 2014 [Ashford's Series] WARNING: (CAPSLOCK PARA INTENSE HAHAHA) I ADVICE PO NA WAG NIYONG BASAHIN TO AS LONG NA MAY REVISING OR EDITING NA NAKALAGAY. B...