Marceline's POV
"We missed you, babe," sweet na bulong ni Young Master June na ngayon ay nakayakap sa'kin. "Three days akong walang masarap na lunch," dagdag niya pa kaya natawa ako.
"Ikaw naman, Young Master June, tatlong araw lang yun," pigil tawa kong sabi at niyakap na rin siya. Nakakamiss nga ang mag-alaga ng isip bata. Haha.
May umubo sa likod namin kaya naghumiwalay na ako sa pagkakayakap niya, si Young Master Apollo pala. "It's my turn now to hug her," sabi niya at hinila ako para mayakap. Seryoso, as in hinila.
Ganito pala dito, mamiss ka lang nila may hug ka na sa mga diyos ng kagwapuhan. Emeghad... ang yummy ! Hihihi :'>
Mahigpit ang pagkakayakap niya pero yumakap pa rin ako. "O sige na po, tama na at ipagluluto ko pa kayo ng tanghalian. Mahuhuli na sa klase si Young Master June niyan," natatawa kong sabi at humuwalay na sa kanya. Natawa naman ang magkapatid kaya iniwan muna ako dito sa kusina.
Pigilan niyo po ako, nagkalat silang mga gwapo ! At nakakatouch naman sila, noong nalaman nila pauwi na kami ni Young Master Marcus, umuwi rin sila galing work at school. Namiss daw nila ang nanny nila. Oh di ba, ang sweet sweet. At speaking of Young Master Marcus, nasa opisina na siya. Doon na kasi siya dumiretso, pag-uusapan pa nila yun tungkol sa business partnership nila with Mr. Mahiro Gallia.
Matapos akong mahalikan, Omo... nakakakilig ang pangyayaring yun ! Nasabi ko rin yung tungkol sa pinapasabi ni Mr. Gallia. Interesado daw siyang subukan ang galing ni Young Master Marcus pagdating sa paghawak ng business.
Tapos yung tungkol sa third time daw na sinabi niya... tungkol saan ba talaga yun ? Hindi ko kasi talaga magets kung para saan yung third time. Third time ba as in pangatlong beses na naming magpanggap na ganun ? Promise, di ko talaga makuha yung ibig sabihin nun.
"Bess !"
Lumingon ako sa nagsalita. Wa'hhh ! Si Bea pala ! "Hala, bess ! Three days ka lang nawala pero namiss pa rin kita !" sabi niya at hinug na ako. Agad din naman siyang humiwalay kasi daw baka maiyak siya. Haha. "Alam mo ba, bess, noong nawala kayo ni Sir Marcus, lagi kang hinahanap nila Sir Apollo at Sir June ! Palagi nilang nakakalimutang wala ka nga pala !" kinikilig pa yan habang nagkukwento.
"Hahaha ! Namiss nila yung masarap kong luto kaya ganon," biro ko naman. Pero, parang ewan lang ! Nakakakilig kasi kapag may nagsasabing namiss ka nila.
"At wag ka din, nagsimula na si Sir June. Grabe, bess, nakakatakot ang mga babaeng nagpupunta dito para lang makita siya !" pagkukwento na naman ni Bea. Teka, ano daw ? Nagsimula ? Nagsimula saan ? "Nandyan lang kahapon yung ilang mga babae sa school nila. Mga mayayamang spoiled brat ! Akala mo sila ang may ari---"
"Teka, teka, may mga pumunta dito para lang makita si Young Master June ?" pinapreno ko muna siya sa sinasabi niya. Mahirap na, hindi ko maintindihang mabuti ang mga sinasabi niya.
"Di ko din alam yung reason e, basta may hinalikan daw siya," pagpapatuloy niya na ikinagulat ko. "Ayun doon nagsimula ang lahat, ang dami dami tuloy niyang manliligaw. Ge na, alis na ako. Baka maitsismis ko na sayo ang lahat. Haha," at ayun, iniwan na ako ng bruha.
Kaya naman pala, nagsimula na nga. Nagsimula na nga sa pagiging Cassanova niya. Ano kaya yun ginawa niya ? Hindi na rin naman nakakapagtaka ang pinaka-obvious na dahilan kung bakit siya pinagkakaguluhan at iyon ang pagiging sobrang gwapo niya. Ano kaya yun nangyari sa school nila ?

BINABASA MO ANG
Casanovas' Nanny (FIN / UNDER EDITING AND REVISING)
HumorExpect the unexpected... [Ashfords and Marceline Apostol's Story] © MissHandsomeGray / August 15, 2014 [Ashford's Series] WARNING: (CAPSLOCK PARA INTENSE HAHAHA) I ADVICE PO NA WAG NIYONG BASAHIN TO AS LONG NA MAY REVISING OR EDITING NA NAKALAGAY. B...