Chapter One: Job Accepted ✔

7.7K 71 1
                                    

Third Person's POV

"Wala na ba akong ibang trabahong pwedeng pasukan?" Tanong ni Marceline. "Baka naman may ibang choice pa ako."

Binatukan siya ni Vilma. "Ang choosy choosy mo, friend! Wala na akong trabahong maibibigay sayo! 'Yan na lang kasi ang available e. Ikaw naman ang bahala kung gusto mo o hindi."

Hinimas niya ang ulo niya at napaisip. Kung hindi niya tatanggapin ang trabahong ibinibigay nito, ano namang trabaho ang kukunin niya? Wala na nga yatang gustong tumanggap sa kanya.

"Saan ba ako pupunta para makausap yang mga magiging amo ko?" Tanong na lang niya ulit na nagpangiti kay Vilma.

"Tatanggapin mo naman pala e. Heto ang address nila. Tandaan mo, wag na wag kang magpapakita ng kahit anong interes sa mga amo kung ayaw mong mapahamak." Paalala nito at inabot ang kapiraso ng papel.

Inabot ni Marceline at binasa ang nakasulat doon. '0609 Lopez Street, CMA Village' 'Yun na ang bagong address niya kapag natanggap siya sa trabaho niya.

"Wag na wag kang magpapakita ng kahit anong interes sa mga amo kung ayaw mong mapahamak." Nag-e-echo sa tenga niya kung anong sinabi ng kaibigan niya sa kanya. Ano bang meron sa mga amo niya at bawal man lang siyang magbigay ng interes?

"Sige, salamat ulit." Iyon na lang ang sinabi niya at umalis na. Mas mabuting magpunta na siya nagayon doon kung gusto niyang kumita ng pera.

"Kaya mo yan, Marceline! Para sa pamilya mo!" Sabi niya pa sa sarili. Pampalakas loob niya.

Ano ba ang papasukin niyang trabaho? Ang maging yaya at baby sitter lang naman ng tatlong gwapong nilalang... mga gwapong Casanova'ng nilalang.

___________________

Marceline's POV

Heto na talaga, tatanggapin ko na talaga. Pipirmahan ko na lang ang kontrata...

1..

2...

3....

At dahil kailangan ko na talaga 'to, echos lang ang pagdadalawang isip ko kunwari at pinirmahan ko na agad agad ang kontrata. Sayang din 'tong trabahong 'to. Mataas pa naman ang sweldo at libre pa ang tutuluyan kaya naman hindi na ako mahihirapan para mag-ipon ng pambayad ko sa utang namin.

"Salamat sa pagtanggap mo ng trabahong ito, pwede ka ng magsimula bukas. Katulad ng nasa kontrata, dito ka na titira." Sabi ng mayordoma ng buong bahay. Siya rin ang nag-ayos ng mga kontratang pinirmahan ko.

"Salamat din po. Sige po, aalis na ako." Paalam ko naman at umalis na sa mansion na ito. Oo nga, mansion na talaga sa laki. Iba talaga ang mayayaman e, nagsamasama pa sa isang village! Nakakalula ang mga ari-arian! Juskolord kapag po ako ang yumaman papatayuan ko din po sila tatay ng ganito.

Siya nga pala, ako si Marceline Apostol, 24 years old, single (kasi 'di naman ako double), nakapagtapos ng highschool at naghinto ngayong taon sa kolehiyo. Business Management ang kinukuha ko pero dahil na rin sa mga utang ng aming pamilya, mas pinili ko na ang maghinto at magtrabaho na lang ng makabayad na kami. Ayoko man maghinto pero wala naman akong magagawa. Sayang at isang taon na lang graduating na ako.

Umuwi ako sa apartment na tinutuluyan ko at nagsimula ng mag-ayos at mag-impake ng mga damit at gamit. Mas mabuti ng maayos ang lahat ng ito para hindi ko na po-problemahin bukas. Kakaunti lang din naman ang mga gamit ko.

Matapos ang lahat ng iyon ay kinuha ko na ang tuwalya para naman makapagshower na. Taray at shower pa ang sinabi ko pero sa katotohanan niyang de-tabo lang din naman ako. Kung ano ano ang pumapasok sa isip ko tuwing nandito ako sa banyo kaya naman nahagip ng utak ko ang mga magiging amo ko. Ano kayang mga itsura nila? Mala-James Reid kaya? Crush ko 'yun e.

Casanovas' Nanny (FIN / UNDER EDITING AND REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon