Marceline's POV
"Ahmm, konting dusog lang . Konti pa sa kaliwa... okay na, okay na, konti pa pala... ayan, okay na," HAYYYY ! Kapagod yun ah ! Si Young Master June kasi yung look out ko sa baba para makita ko kung maayos 'tong pagkakalagay ko ng decorations.
Naayos na rin sa wakas, 'Merry Chirstmas' decoration na 'to. Oo, tama yun, christmas decorations nga. Fifteen days na lang din kasi pasko na. Ngayon ay December 10, dalawang linggo simula ng umalis si Young Master Marcus.
Inalalayan niya ang ladder. "Marceline, dumating ba kahapon si May ?"
Napangiti naman ako sa tanong ng alaga ko. "Ayiiie~ ! Si Young Master June, namiss ang kanyang May ?" pang-aasar ko. Ayan tuloy, namumula na naman siya. Ang cute din neto e, lalo na kapag nagbablush. Haha :D
"Tss," nag-iwas siya ng tingin. "Tinatanong ko lang naman..." ibinalik niya ulit ang tingin sa'kin. "Yung totoo kasi, dumating ba siya o hindi ?"
Di ko na napigilan ang tawa ko at napahawak pa ako sa tiyan ko. "Ang Young Master ko oh... Di na siya galit kay May niya !" kinikilig naman ako. Nagkapikunan kasi sila noong isang araw, ayun, hindi umuwi si Young Master June at nastay siya sa condo niya. "Pero, oo. Nandito siya kahapon. Tinulungan niya ako sa christmas tree natin."
Napahinto ang tawa ko ng hapitin niya ako sa bewang at yakapin ng mahigpit. Ikinilong niya ako sa kanyang mga braso at ibinaon ang mukha sa leeg ko. "Babe, miss ko na siya..." bulong niya na lalong nagpangiti sa'kin. "Wag kang mag-alala, miss ka na din noon," bulong ko naman at gumanti na rin sa yakap niya.
Pangalawang linggo na rin ni May dito. Nagpupunta kasi siya dito para magpaturo magluto, pero dahil sa request niya, hinayaan na namin siyang mag-uniform na kagaya ng sa'kin kapag nandito siya. Ang cute cute kaya niya ! Pinayagan naman kami ng mga Young Masters ko kaya parang katulad ng sabi ni May, isa nga daw siyang part-time nanny. Simula noon, tuwing pagkatapos ng klase nila mula Lunes hanggang Biyernes ay nandito siya para ituloy ang mga nasisimulan namin pag-aralan sa pagluluto. Tuwing Sabado at Linggo naman, nandito rin siya.
Tapos silang dalawa, ang sweet sweet ! Grabe, akala mo sila talaga kapag nakita mo silang nagkukulitan dito. Kaya lang hindi daw sila e, magkaibigan lang. As if na parang sa showbiz ba, todo deny. Haha.
Tapos noong isang araw nga, bigla na lang silang nag-away. Di ko naman alam kung bakit pero nag-sasagutan na lang sila. Sabay na nga silang umuuwi dito para di na magcommute si May. Kagagaling nila noon ng school, nagsagutan sila sa sala tapos nag-walk out si May. Ayun, umalis din si Young Master June. Nagpaalam pala siya kay Young Master Apollo kasi siya na ang nagsabi sa'kin na hindi daw uuwi ang kanyang kapatid.
Kahapon nga, nandito pa rin si May pagkatapos ng mga klase nila. Hindi pa rin naman umuwi si Young Master June. Nagluto na lang kaming dalawa tapos tinulungan niya ako sa christmas tree namin. Kahit sinabi kong umuwi sa siya para makapagpahinga, ipinilit naman niya wala naman daw siyang gagawin sa bahay nila. Hayyy, di ko man lang kasi alam kung anong pinag-awayan nila. Ayoko namang magtanong kasi parang private masyado.
"Nag-away kasi kayo e. Tignan mo ngayon, Young Master June, namimiss mo na siya," sabi ko at hinayaan lang siya sa posisyon naming dalawa. Ayaw pa niya kasing bumitaw sa yakap. "Pupunta naman siya ngayon. Sabado ngayon, di ba ? Mag-usap na lang kayo mamaya."
BINABASA MO ANG
Casanovas' Nanny (FIN / UNDER EDITING AND REVISING)
HumorExpect the unexpected... [Ashfords and Marceline Apostol's Story] © MissHandsomeGray / August 15, 2014 [Ashford's Series] WARNING: (CAPSLOCK PARA INTENSE HAHAHA) I ADVICE PO NA WAG NIYONG BASAHIN TO AS LONG NA MAY REVISING OR EDITING NA NAKALAGAY. B...