Chapter Five: Before ♥ (Part 2)

5.3K 53 0
                                    


[Flashbak Part Two]

June's POV






"Kuya, isn't she gorgeous ?" tanong ko ng makita ko na sa picture si Marceline, ang bago naming nanny. Kai-email nga lang sakin ni Ate Vilma ng picture na 'to.






Tinignan ni Kuya Apollo at ngumiti. "You're right. Maganda siya, so behave."







Tinawanan ko naman siya. Tama pa rin siya, I think. My brother really knows me well. Kailangan ko ngang magbehave. Isa pa, she might look beautiful but not really my type. Mas mukhang babagay pa siya kay Kuya Marcus. Cassanova kaming magkakapatid kaya hindi ko rin alam kung paano niya kami ihahandle. Well, goodluck to her.





I stare at her for a little longer. Maganda, may matamis na ngiti, mahaba ang buhok, maputi, may pagkachinita, for sure minsan may pagkaboyish ang atitude niya. Based on her appearance, kaya naman niya kaming pakisamahan. Kung sa bagay, in just a couple of hours, makikita na rin naman namin siya in person. On the way home na kami.






Nilingon ko si Kuya. He is browsing his facebook. Sa tingin ko, I need more information about this girl. Tatawagan ko muna si Ate Vilma.





("Hello, June. Bakit ka napatawag ? Nareceive mo na ba yung picture niya ?" -Ate Vilma)





"Yes, Ate Vima. Salamat po. Pwede bang sabihan mo pa ako ng tungkol sa kanya ? Ang useless din kasi ng resume niya na ipinadala mo, masyadong formal ang information," sabi ko.





("Well, I won't tell you. June, there is no fun when you already know what she is like. Pero oy, kaibigan ko yang si Marceline kaya wag na wag mong sasaktan yan.")






Natawa ako sa paalala niya. Hindi rin pala ako makakakuha ng information dito kay Ate Vilma. "Then I guess, thank you na lang. At wag kang masyadong mag-alala, hindi naman mapapahamak yang si Marceline sa amin."





("By the way nga pala, June. Ayos na ang transferee documents mo pati na rin ang school na lilipatan mo. Kailan mo ba balak kunin ? Malapit na ring matapos ang October sembreak.")





"Pupunta na lang kami sa club niyo. Isasama ko na si Kuya Apollo, siya muna kasi hindi naman namin kasabay uuwi si Kuya Marcus. Okay lang naman, di ba ?" tinanong ko pa rin kung payag siya kahit na hindi ko rin naman siya susundin kapag umayaw siya.





("Okay, pupunta rin siguro si Alexie dito. Just, please. Wag mo ng isama muna ang nanny niyong si Marceline. Sa susunod na lang, pwede ba ?)




"Yung lang ba ? Okay."





Nag-off na ako ng phone. Actually I kinda miss hanging out with them. With Kuya Alex... I mean Ate Alexie and Ate Vilma. Kung kaibigan naman na pala nila si Marceline noon, bakit hindi siya kasama kahit sa isang gimik namin ?





Isinuot ko muna ang headphones at nakinig sa music. Sino nga ba ako ? Alam ko kasing hindi niyo pa ako masyadong kilala. Ako si June Ashford, fourth year highschool, 18 years old. Six years kasi ang highschool sa ibang bansa kaya naman 18 na akong ga-graduate. Matangkad, hanggang kilay na ni Kuya Apollo ang height ko. My height is 5'8 to be exact. Mas tyoe ko ang mga babaeng nakukuha ang atensyon ko sa mga natural nilang paraan, yun bang may originality sila.





Casanovas' Nanny (FIN / UNDER EDITING AND REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon