Marceline's POV
"Young Master June, eto na po yung lunch niyo," sabi ko at inabot sa kanya ang lunch box niya.
Noong isang linggo pa nagsimula ang klase nila Young Master June, at isa sa mga request niya ay ipagluto ko na lang daw siya ng lunch, nakakasawa na daw kasi yung mga pagkain nila sa cafeteria. Haha ! Buti na lang nagmana ako kay Mama. :'>
"Thank you, Marceline. Ge, alis na ako," paalam niya at umalis na nga. In fairness nga dyan kay Young Master June, ang talino pala. Lahat ng assignments, projects at kung ano anong school related na bagay eh lagi niyang natatapos. "Sige po. Good bye, Young Master June."
Natapos ko naman na lahat ng mga dapat kong ayusin. Laundry pala ang gagawin ko ngayon. At hindi yun mahirap kasi malinis na nga sila sa katawan, may malaki pang washing machine. Haha ! Saan pa kayo, ang dali na ng trabaho ko. Kaya lang, tatlo pa rin sila eh. Huhuhu ;( Nakakapagod din kaya.
Pumunta na ako sa kwarto ni Young Master Marcus, pinaka una kasi 'tong kwarto niya kaya naman uunahin ko na 'to.
Bigla ko tuloy naalala, kilala na pala ako ni Young Master Marcus. Ang liit talaga ng mundo, biruin niyo, sila pala yung may-ari nung Hacienda Mendez na pinagtatrabahuhan ni Tatay. Pero sa totoo lang din, di ko na maalala na nagkita na kami. Kung sakali man, bakit ko makakalimutan ang kasing gwapo niya, di ba ? Tsk. Nagagaya na talaga ako kay Bespren Alexie ! >.<
Inaayos ko na ang mga damit kong lalaban. Pinakamasayang parte ng paglalaba, naamoy ko ang mga damit nila ! Hahahaha ! Grabe naman kasi, pinagdamitan na nila pero kasi naman ! Ang bango bango kasi ! Hindi mo man intensyong amoy-amuyin, eh maamoy mo pa rin. Mamahalin nga siguro talaga mga pabango nila.
"Marceline ?"
Lumingon ako sa tumawag ng pangalan ko.
*o*
"Ahh... ehhh.. ahmm.. O-opo, Young Master," nanginginig ko pang sagot ! Ano ba yan ! Nakakahiya !
Mabilis na lang akong nag-iwas ng tingin ng bigla na siyang magsmirk ! Kaasar naman kasi, sino ba naman kasi ang hindi matutulala kung may mga lantad na abs ang babati sayo ng 'Good Morning' ? Tatay naman kasi, bakit ba wala kang abs !? Nag-iisang malaking tabs lang ang meron ! Hindi tuloy sanay ang anak niyo sa ganito. Di na bergin ang mata ko, Tay !
O///O
Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. Kulang na lang yata umusok ang mukha ko sa nakita. Buti na lang naka upo ako sa sahig at hindi na masyadong required na humarap lang sa kanya. Bakit po ba kasi puro babae lang kaming magkakapatid at si Tatay lang ang lalaki sa bahay ? Syempre, walang kamalay malay at inosente ang mga mata kong 'to sa ganyang mga view ! Ay kent teyk it enimor ! Shirtless lang, pants, and with matching wet look, yan ang eksaktong itsura niya ngayon. Young Masters' Makalaglag Panty 101. (*^*)
"Ah, I thought you were someone else. Nakaalis na si June ?" tanong niya habang naglakakad papalapit sa'kin ! Hehe, joke lang ! Sa mga damit niya po siya lalapit, syempre, nandito ako sa closet room niya eh.
Huminga ako ng malalim. Nasa likod ko lang naman kasi ang gwafuu kong amo. "Opo, kaaalis lang din niya," sagot ko naman.

BINABASA MO ANG
Casanovas' Nanny (FIN / UNDER EDITING AND REVISING)
HumorExpect the unexpected... [Ashfords and Marceline Apostol's Story] © MissHandsomeGray / August 15, 2014 [Ashford's Series] WARNING: (CAPSLOCK PARA INTENSE HAHAHA) I ADVICE PO NA WAG NIYONG BASAHIN TO AS LONG NA MAY REVISING OR EDITING NA NAKALAGAY. B...