CS: 01

1.5K 28 0
                                    

Chapter One

10...9...8...7...6...5...4...3...2...1

"Happy new year!" Sabay-sabay naming sigaw nang sumapit na ang hatinggabi.

"Happy new year, Mommy, Daddy at sa ate kong pangit!" Bati ko sa kanila at hinalikan sila sa pisngi.

"Happy new year, mas pangit ko na kapatid," balik asar ng kapatid ko. Hindi naman ako naasar at ayokong maasar dahil baka masama ang maging bungad sa'kin ng taon na 'to.

Pumasok na kami sa loob ng bahay matapos panoorin ang mga fireworks sa labas ng subdivision namin. Dumiretso kami sa dining area para pagsalu-saluhan ang media noche. Lahat ng pagkain na nakahain ay niluto ni Mommy. Nakatutuwang kahit na may sari-sarili kaming pinagkakaabalahan ay hindi namin nakalilimutan ang oras sa pamilya.

Ilang sandali lang ay tumunog ang phone ko. Tinignan ko naman kung sino ang nagtext.

From: Xylar Best
Happy new year, best! Miss na kita! See you sa pasukan! Loveyou!

Napangiti naman ako nang mabasa ang text niya. Nag-type ako ng i-re-reply sa kaniya.

To: Xylar Best
Happy new year din, best! Napaka-sweet mo talaga. Kaya love na love kita e hahaha. And I'm happy that you finally moved on. He doesn't deserved even an inch of you! Seeyou best!

Ilang saglit lang ay nag-reply na siya. Natawa 'ko nang mabasa 'yon.

From: Xylar Best
Oo naman 'no! Talagang matagal lang ang proseso. Well anyway, sa ganda kong 'to, hindi niya talaga 'ko deserve! Do'n siya sa girlfriend niyang mukhang unggoy!

Naka-move on na talaga 'to. Mahangin na ulit e. Psh.

Alas-dos na ng madaling araw nang mapagdesisyunan namin na matulog na. Pipihitin ko na sana ang doorknob ng pinto ng kuwarto ko nang tinawag pa 'ko ni ate.

"Preya, don't forget to clean your body first before going to sleep," paalala niya.

Tamad akong tumango at dumiretso na sa loob. Humiga ako sa kama at nakaramdam na ng antok. Pero bago pa 'ko mahila nang tuluyan ng kama ay sapilitang bumangon ako at pumunta sa banyo.

Binilisan ko lang maligo at blinower ko ang buhok ko para makatulog agad ako. Nang makahiga na ulit ako ay naging presko ang pakiramdam ko at napangiti. Tahimik akong nagdasal.

God, thank you for this another year for all of us. May this year be full of blessings and happiness in our lives. And just like what I've been wishing for since then, I hope I could finally meet again my childhood friend that get my heart. Happy new year po.

***
Napatili ako ng malakas nang sabihin sa'kin ni Xylar ang kumakalat na balita sa school.

"Is it really really real?" Pangungulit ko sa kaniya.

Naikot niya ang mga mata. "Pang-ilang beses mo ng tanong sa'kin 'yan? Nakakairita na ha."

"Iiiihhhh. Malay mo kasi siya na 'yung kababata ko. Baka tutuparin na niya 'yung pangako niya sa'kin," umaasang sabi ko sa kaniya.

Napangiwi naman siya. "Duh? Ang laki-laki kaya ng America. How could you be so sure na siya nga 'yon?"

"Uhm, fifty percent? Hindi naman masama ang umasa 'no," depensa ko agad.

"Pero masama ang umasa ng sobra," pagpapaintindi naman niya. "Ikaw Preya Deyna ha, lumalabas ang pagiging 'malantoders' mo kapag siya ang pinag-uusapan natin," asar pa niya.

"Whatever," iyon na lang ang sinabi ko dahil hindi lang kami matatapos sa pagtatalo.

"Anyway, kailan daw papasok 'yung transferee?" Pag-iiba ko sa usapan.

Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon