CS: 16

310 13 0
                                    

Chapter Sixteen

Hindi ko akalaing sa pag-uwi namin ni Klio galing sa Venice ay ganito ang bungad sa'kin sa kompanya pagkabalik ko. Tambak ang mga dapat gawin dahil itong buwan ang itinakda ng kompanya kung saan ay tumatanggap sila ng panibagong endorser mula sa ibang kompanya.

Dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang makauwi kami, at hanggang ngayon ay marami pa rin ang mga nagpapasa ng mga files para sa endorsement. Isang endorser lang ang pinipili kada taon kaya kailangan talagang pag-aralan ang bawat pinapasang papeles ng isang kompanya. At sa huling araw ng buwan na 'to ay magkakaroon ng meeting upang mapagdesisyunan kung sino ang makukuhang endorser.

Dalawang linggo na rin ang nakalilipas ng huling kita namin ni Klio. Hindi talaga ako makahanap ng oras para magkita kami dahil maaga akong pumapasok at late na rin ako kung umuwi sa bahay. Ayaw naman niya akong bisitahin sa kompanya dahil ayaw daw niya na maistorbo ako at naiintindihan naman niya.

Napangiti ako nang maalala ang pag-uusap namin tungkol do'n nang minsang tumawag siya sa'kin. Iyon na lang ang nagagawa namin sa ngayon. Ang magtawagan at mag-text. Ngunit ngayong linggo ay dumalang na dahil mas lalong dumami ang mga papeles sa opisina ko.

9:00 na ng gabi ako nakauwi sa bahay. Ramdam na ramdam ko ang pagod sa katawan ko kaya dumiretso ako ng akyat sa kwarto ko. Naglinis lang ako ng katawan at humiga na sa kama.

Malapit na 'kong makatulog ng tuluyan nang biglang tumunog ang cellphone ko. Bahagyang napapitlag pa 'ko sa gulat. Pupungay-pungay ang mga matang tinignan ko kung sino ang caller.

"Hello?"

"Hi, darling."

"Hmm?"

Narinig ko siyang tumawa. "Are you that sleepy, huh?"

"Obviously," napahikab pa ako. "Bakit ka nga pala napatawag? First time mo 'to ah. May sasabihin ka ba?" Dagdag ko pa.

"Alright. Better get some sleep, darling. I just called to say I missed you," malambing na usal niya.

Napangiti naman ako. "I missed you, too."

Sa sobrang antok ay hindi ko namalayan na nakatulog pala 'ko.

***
"You're voice was too sweet, huh?" Nakangiting ani ni Klio sa kabilang linya. Ngunit wala na siyang nakuhang tugon mula sa nobya.

Napabuntong hininga siya. I bet she already fell asleep?

May dahilan kung bakit siya tumawag ng ganitong oras kahit alam niyang pagod galing sa trabaho ang nobya. Sinadya niya iyon dahil paniguradong makakatulugan siya nito.

Marahil sa katangian niya, hindi iisipin ng iba na may kinakatakutan siya. But every person has weaknesses.

Pinindot niya ang record button bago magsalita, hindi pa niya pinapatay ang tawag. "Preya, darling, I know I am a coward for not saying this to you," muli siyang napabuntong hininga. "I'm afraid to tell you this because... there's a high chance of possibility that you'll avoid me, or worse, you'll gonna break up with me once you know this. And I don't want that to happen."

"Preya..." napapikit siya. "I'm... I'm already engaged with someone else," tumulo ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

Sa nakalipas na dalawang linggong hindi nila pagkikita ni Preya ay bigla na lang sumagi sa isip niya ang tungkol sa bagay na iyon. Totoong nawala sa isip niya iyon dahil tutok ang atensyon niya sa relasyon nila ng nobya. Pero ngayong naalala niyang muli, dinamba siya ng takot at kaba. Hindi niya alam kung paano iyon sasabihin dito, at hindi niya alam kung sasabihin pa niya.

Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon