CS: 24

527 15 0
                                    

Chapter Twenty Four

"Uy, best! Baka naman gusto mong magsalita d'yan? Mag-aaya aya ka tapos gan'yan ang peg mo? Hah!" Asik ni Xylar. "Kung hindi mo 'to libre hindi ako susulpot dito e," bulong pa niya.

"Narinig ko 'yon, oy," singhal ko habang humihigop ng milkshake.

"Aba pinarinig ko talaga 'yon! Kunwari lang na bulong," bulalas nito.

Napabuntong hininga ako. "Ano ba ang problema mo ha? Kanina ko pa naririnig 'yang pagbuntong hininga mo e. Nakalimutan mo magsepilyo 'no?" Nandidiring tanong niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hehehe. Binibiro ka lang e. Magsabi ka na kasi! Mapapanis 'yang laway mo," aniya.

Muli akong napabuntong hininga at mariing napapikit. "We're getting married."

"You're get—you're getting what?!" Nanlalaki ang mga matang bulalas niya.

Napabuga ako ng hangin. "Hindi ko naman akalain na gano'n pala ang pag-me-merge ng kompanya. Hindi naman kasi na-discuss 'yon sa'kin ni Daddy," pagdadahilan ko.

Kahapon ko lang nasabi sa kanila ni Caleb ang tungkol sa pagkikita namin ni Klio. Pero hindi ko pa nasabi ang sa kasal. Nahihiya akong sabihin kay Caleb kaya inuna kong sabihin ngayon kay Xylar.

Hindi makapaniwalang tumingin siya sa'kin. "Hala, oo nga 'no? Bakit nakalimutan ko ang tungkol do'n? Tsk tsk. Wala ka nang takas," napapailing na aniya.

"Salamat sa suporta, ah?" Sarkastikong usal ko.

"Alam na ba 'to ni Caleb?" Tanong niya.

"Hindi pa. Nahihiya akong sabihin sa kaniya," pagtatapat ko.

"Bakit naman? Hindi—ay wait," muling nanlaki ang mga mata niya. "Hindi kaya alam na niya ang tungkol dito nang magsabi ka sa'min kahapon?"

"Huh? Pa'no naman?" Nagtatakang tanong ko.

"Psh. Duh! Nasa business world din 'yon! Hindi malabong alam niya ang tungkol sa merge-merge na 'yan! Sadyang ikaw lang ang walang alam tungkol do'n!" Singhal niya.

Napangiwi ako. "E anong tawag sa'yo? Pabayaang businesswoman?"

"Aba—oy! Nakalimutan ko lang naman! Makapabaya ka d'yan, kotongan kita e," nanggigigil na aniya.

Natawa ako. "Binibiro ka lang e," panggagaya ko sa sinabi niya kanina.

Inirapan niya ako. "So pa'no na? Anong gagawin mo?"

"Ano pa nga ba?" Napabuntong hininga ulit ako.

"Maka-emote ka d'yan parang lugi ka pa ah? Hindi naman kayo strangers sa isa't isa para problemahin mo 'yan nang gan'yan katindi. May pinagsamahan pa nga kayo," aniya habang tumatango. Napatingin ako sa kaniya. "Teka, hindi mo na ba siya mahal?"

Natigilan ako. Matagal bago ako nakasagot. "Hindi ko alam."

"Hala, omg! Hala ulit! 'Yung mga gan'yang sagot, oo ang sagot d'yan! Nahihiya lang sabihin ang totoo dahil kesyo naka-move on na raw pero ang totoo ay hindi pa! Tsk tsk. Alam na alam ko na ang mga gan'yang linya, Preya Deyna! Makita mo, tama ako," mahabang alitanya niya.

"Ewan sa'yo," iyon na lang ang nasabi ko dahil tinamaan ako sa sinabi niya. So does that mean I still love him?

"Ay wow naman! You know, kung hindi naman na ay puwede mo namang diretsang sabihin na hindi 'di ba? Paarte effect ka rin e," natatawang aniya.

Magsasalita na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko naman 'yon.

"Hello?"

"Deyna, princess, can you come home already? You have visitors," ani Mommy.

Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon