CS: 02

874 24 0
                                    

Chapter Two

Pagkarating sa bahay ay kumain lang ako ng kaunting lunch dahil medyo busog pa 'ko. Namahinga lang ako saglit at dumiretso na sa kuwarto ko. No'n lang ako nakapagpalit ng damit.

I wore pajamas already dahil ang lamig sa kuwarto ko. Nakalimutan ko pa lang patayin ang aircon kanina bago umalis. Buti wala rito si ate. Kundi lagot na naman ako ro'n. Tss.

Nag-internet lang ako sa laptop ko at nanood ng movie. Around 6:00 pm ay bumaba na 'ko at kumain na ng dinner.

May date siguro ngayon ang kapatid ko kaya hindi pa rin umuuwi. Kapag kasi wala ay maaga 'yon nakakauwi at sabay kaming kumakain.

Pagkatapos kumain ay dumiretso ako sa sala at nanood na lang ng tv.

Sa kalagitnaan ng panonood ko ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman 'yon.

From: Xylar Best
Best! I already have the information.

Napangiti ako nang mabasa ang text niya.

To: Xylar Best
What is it? What is it??

Wala pang isang minuto ay nag-reply na siya.

From: Xylar Best
Lalaki raw. From States. Guwapo raw, best. Guwapo! Omg!

Natawa 'ko sa reply niya. Mahilig kasi ang isang 'to sa mga guwapo kaya ganito mag-react. At isa pa, parang natuwa ang puso ko sa nabasa.

Lalaki? So it means may chance na siya 'to? Oh my!

"Sino ka-text mo ha? Boyfriend mo? Sumbong kita kay Mommy," bungad ni Ate pagdating. Hindi ko napansin na nandito na pala siya.

Inirapan ko siya. "Duh ate. Duh? I hate boys! They're always getting into my nerves! Best friend ko ang katext ko at may ikinuwento siyang nakakatawa. That's it. Okay?" Mahabang paliwanag ko.

It's not that I hate guys actually. Sinabi ko lang 'yon para hindi niya 'ko paghinalaan ng kung anuman. Iwas lang ako sa lalaki dahil ayokong magkagusto sa iba. Gusto ko siya lang. Arte mo, Preya!

"Okay. Sabi mo e.. little sister," pang-aasar niya.

"Ugh. Stop calling me that ate! I'm sixteen already!" Asar na asar na sabi ko.

Natawa naman siya. "But you're the only sister I have. And you'll always be my little sister forever, sis. Hayaan mo na 'ko," paglalambing niya kunwari.

"No! No! No! I won't even dare to glance at you whenever you called me that way again!" Pagbabanta ko pa.

Lalo siyang natawa. "Okay. Noted, little sister!"

Tumili ako ng napakalakas. "You're so annoying, ate!" Sabay walk-out ko at padabog na sinara ang pinto ng kwarto ko.

Nakakainis. Panira ng mood. Uunahan ko siya magsumbong kay Mommy.

Hindi ko na lang inisip pa ang pang-aasar niya kanina at itinuon na lang ang pansin sa pag-te-text.

To: Xylar Best
Really? Omg din! Feeling ko 'yan na 'yung kababata ko, best!

Nag-reply agad siya.

From: Xylar Best
Bakit ang tagal mo naman mag-reply? Akala ko tinulugan mo na 'ko e. But anyways, 'wag kang masyadong umasa. Baka ma-hurt ka lang. Baka ang dumating ay ang the only one for me. Lol. Hahahaha.

Natawa ulit ako.

To: Xylar Best
Sorry, inasar kasi ako ng magaling kong kapatid. Tss. Ayan ka na naman e. Asa ka. Umasa tayong parehas. Hahahaha.

Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon