CS: 13

358 14 0
                                    

Chapter Thirteen

"Come again?"

Naikot ko ang mga mata. "Ano? Lahat na lang ba ng mga ganitong klaseng usapan kailangan paulit-ulit talaga?" Natatawang sambit ko.

Napailing siya nang nakangiti. "I... I just can't believe it."

"Then believe it now. I made your wish came true," masuyong sabi ko.

Napasinghap ako nang bigla niya akong yakapin, iyong sobrang higpit.

"T-Thank you, darling. T-This is the best birthday I ever had," emosyonal na sabi niya.

Yumakap naman ako pabalik. "Why are you stuttering? Are you crying?" Nang-aasar na usal ko.

Tumawa siya ng bahagya at humiwalay na sa yakap. "No. I'm just... happy. That's it."

Nagusot ko ang ilong. "Kapag masaya kailangan nauutal? Psh."

He chuckled again. "I am."

Natawa na lang ako. Kakaiba pala ang isang 'to.

Bumalot ang katahimikan sa'min. Tanging ang mga dahon na hinahangin lang ang maririnig.

"Uhh, should we get back inside?" Binasag ko ang katahimikan.

"I want to tell them that we're official now," aniya habang nakatingin sa'kin ng diretso.

Napalunok ako. "As in now?"

"Yes."

"How about Caleb—,"

"You talk to him," sagot niya agad.

Bumuntong hininga ako. "I guess that's the only thing I can do."

Lumapit siya sa'kin at napapitlag ako nang bigla niyang hawakan ang kuwintas ko. "Who gave you this?"

"Si... Caleb," mahinang sambit ko.

Tumango-tango siya. "Nice gift," komento niya.

Napabuga ako ng hangin. "Hindi ka galit?"

He chuckled. "Why would I? I told you I'm not into material thing. Even though your dress that you're wearing right now was from him, it's okay with me. As long as you're mine fully," malambing na aniya.

Napakamot ako sa pisngi. Pakiramdam ko ay namula 'yon sa sinabi niya. "Sabi ko nga e. Hehehehe."

"I had something for you," maya-maya'y untag niya.

"Oh? Nabigay mo na regalo mo 'di ba?"

Tumawa siya. "This one is for making my wish came true," aniya at may kinuha sa bulsa niya.

"Wow. Prepared ka ha?" Natatawang sabi ko. Nagkibit-balikat lang siya.

Kinuha niya ang kanang kamay ko at isinuot do'n ang isang rose gold heart bracelet. Puno ng maliliit na diamond ang korteng puso. Mayroong half circle na nakapaloob sa puso na puno rin ng maliliit na diamond.

Namamanghang pinagmasdan ko iyon. "It's... it's beautiful. Thank you, Klio," I sincerely said.

He smiled sweetly. "Anything for you, darling."

I smiled back. "Tara na?"

Tumango siya at hawak kamay kaming bumalik sa loob ng bahay.

Bago makarating sa pinto ay natanaw ko na si Xylar na nakita kami. Bigla siyang napatingin sa kamay namin ni Klio na magkahawak. Ngumiti siya bigla na may halong pang-aasar.

Napangiwi ako nang pumwesto siya sa may gilid ng pinto. Inaabangan kaming makapasok.

"Here comes the birthday girl with her—,"

Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon