CS: Special Chapter

628 13 1
                                    

June Francisco's Story Teaser

Nakangiting pinagmamasdan ng labintatlong taong gulang na si Franco ang kaibigan habang abala ito sa paglilinis ng classroom. Isa kasi ito sa mga cleaners ngayong araw.

"Kuya! Tara na!" Biglang sigaw ni Venice sa kaniya nang madaanan siya nito sa hallway. Nakita niyang nag-iisa lang ito at hindi pa kasama ang dalawang kapatid nila.

"Nasa'n si Rome at Paris?" Tanong niya rito.

"Pupuntahan ko pa lang sa room nila," sagot nito sa kaniya.

"Sige na, puntahan mo na at baka umiyak na si Paris kapag nakita niyang wala pa siyang sundo," sabi niya rito.

"E ikaw? Hindi ka sasabay sa'min?" Tanong nito.

"Hindi. Hindi naman na ako sumasabay sa inyo, 'di ba?"

Napakamot ito sa ulo at bahagyang sumimangot. "Akala ko ay sasabay ka ngayon kasi nand'yan ka pa. Akala ko hinihintay mo 'ko," nakangusong anito.

Nakonsensya siya bigla. Tinignan saglit ang kaibigan at nang makitang hindi pa ito tapos maglinis ay nilapitan niya ang kapatid at bahagyang niyakap ito.

"Ay sus, nagtampo pa 'to. Mamaya sa bahay maglalaro tayong apat, okay?" Pag-aamo niya rito.

Napangiti na ito. "Okay! Sure 'yan ah? Susumbong kita kila Mommy kapag hindi," parang batang anito kaya natawa siya.

"Opo, Ate Venice," pang-aasar niya rito.

"Sige, bye kuya! Ingat ka!" Kumaway pa ito sa kaniya bago tuluyang umalis.

Nang matapos sa paglilinis ang kaibigan ay inabutan niya ito ng mineral water at nakangiting kinuha naman nito iyon.

"Salamat, Franco. Hinintay mo pa 'ko, nakakahiya naman," anito sa kaniya.

"Ano ka ba, wala 'yon. Sabi ko naman sa'yo gusto kita laging kasabay umuwi," matatag na sabi niya rito.

"Nakakahiya kaya. Lagi mo akong nililibre ng pamasahe. Imbis na sumasabay ka sa mga kapatid mo ay nagko-commute ka pa para lang masabayan ako. Baka kagalitan ako ng mga magulang mo," natatawang alitanya nito.

"Mababait ang parents ko. Hindi sila magagalit, mas natuwa pa nga sila kasi kaya ko na raw ang sarili ko kapag umuuwi," pagmamalaki niya rito. "At isa pa, uulitin ko ulit, gusto nga kitang kasabay palagi umuwi. Sawang sawa na ako sa pagmumukha ng mga kapatid ko e," sabay silang natawa.

"Ikaw talaga. Kung hindi lang kita best friend, iisipin kong crush mo 'ko," biro nito sa kaniya ngunit tinamaan siya.

Payak siyang natawa. "Sus. Ako? Magka-crush sa'yo? Asa," pang-aasar niya.

"Ah, gano'n? Who you ka sa'kin 'pag tanda!" Ganti nito at tatawa-tawang lumayo sa kaniya.

Napailing na lang siya habang tinitignan ang taong gusto niya.

Oo. May gusto siya sa kaibigan ngunit hindi niya maamin dito dahil alam niyang kaibigan lang ang tingin nito sa kaniya. At ang mas masaklap pa ay may nanliligaw rito na gusto rin naman nito.

Lihim siyang napabuntong hininga. Napagdesisyunan niya na kahit anong mangyari ay mananatili siya sa tabi ng kaibigan, masaya man o hindi. Lahat ay gagawin niya para rito. Gano'n niya ito kagusto...o kamahal?







I'll do everything for you... even I'll take the risk.

THE END.

All Rights Reserved 2018. ®️

Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon